Napansin narin ako ni CRUSH

182 21 7
                                    

"Aray! Ano ba?" Masama ang tingin ko sa kaibigan kong si Tintin ng batukan niya ako.

Nanahimik ang tao e! Biglang nalang nanakit.

Ba't ko ba 'to naging kaibigan?

"Nakatitig ka na naman kasi diyan sa crush mong 'di ka naman pinapansin." Anito sabay tawa na akala mo demonya.

Umirap ako sabay sipsip sa palamig na binili ko kanina sa labas ng school.

"Kahit talaga kailan napaka pasmado ng bibig mo 'no? Ba't 'di ka nalang manahimik kung wala ka naman palang magandang sasabihin?"

"Realtalk lang friend."

Napanguso ako bago tumingin sa crush ko. My ghad! Ang pogi talaga ng bebe ko!

Nakasuot ito ng uniporme namin, black slack, long sleeve and coat. Fordy is my schoolmate. Ahead lang siya ng isang taon sa'kin.

Hindi ko mapigilan mapangiti habang nakatitig sa kanya. Nakakunot ang noo nito habang nilalabas ang pera niya. Binayaran niya ng 50 pesos ang babaeng cashier sa wedding booth.

Well, school festival namin ngayon. Of course, maraming mga booths at walang class for a whole day. It was really enjoyable, sana nga ganito nalang palagi e. Pero syempre hindi naman mangyayari 'yon. Bukas balik sa normal naman ulit.

We're here at the kiosks. Kasama ko ang kaibigan kong si Tintin habang pinagmamasdan ang bebe ko. Actually, kanina pa talaga namin siya sinusundan. Reklamo nga ng reklamo 'tong si Tintin pero syempre wala naman siyang magawa kundi suportahan ang kalandian ko.

While looking at my bebe I couldn't help but to pout. Kanina pa kasi siya nagbabayad ng letcheng 50 pesos na 'yan! Well, sa wedding booth kasi namin kung gusto mong magpakasal you will pay 100 pesos at pipili ka ng gusto mong groom or bride. At kung ayaw naman sa'yo ng groom mo or bride, he or she can decline. Basta magbayad lang siya ng 50 pesos. And my bebe is paying 50 pesos since earlier! Ang dami kasing gustong maka groom siya. Gano'n siya ka pogi mga sister!

Sabagay, hindi ko din naman sila masisisi. Fordy is famous in our school. He's heartthrob. Plus the fact that he's also smart and very hot. He's a football player too, a captain. 

At isa na ako sa mga patay na patay sa kanya. Ang kaibahan lang siguro, ako 'yong pinakamaganda sa kanilang lahat.

"Ikaw? Ba't 'di ka magbayad sa wedding booth? 100 pesos kapalit ng kalandian mo! Chance mo na 'yan girl. Sunggaban mo agad kapag nag kiss the bride na."

"Gustuhin ko man pero girl! Nakikita mo ba kung ilan na mga nireject niya? Ayoko naman ipahiya sarili ko. Baka mag suicide ako kapag tinanggihan niya ako." Napa aray ako ng batukan ako ng gaga.

''Drama mo. Try mo lang naman e."

"Ayoko nga. Nakakahiya, baka isipin no'n patay na patay ako sa kanya."

"Hindi nga ba? Tatlong taon kanang tigang na tigang sa kanya."

"Alam mo ikaw, ang pangit mong ka bonding." Ani ko sabay tayo. Pinagpag ko ang palda ko sabay tapon ng palamig kong wala ng laman sa basaruhan.

"Realtalk lang,"

Umirap ako at hindi na pinansin ang gaga. Para hindi naman ako mabagot ay nilabas ko ang cellphone kong Iphone 13, pero syempre joke lang. Kulang nga ng piso ang pambili kong palamig may Iphone pa ako? 'Di ko naman afford 'yon. Mahirap lang ako. Kagandahan lang talaga ambag ko dito sa lipunan.

Napanguso ako ng makita ang bagong post nito sa IG. 27 minutes ago. Naka mirror selfie ito habang may caption na, Pa mine ako, salamat.

Syempre dahil malandi ako agad akong nag comment sa post niya.

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon