Chapter 1
Umaga ng Lunes, maagang nagising si Gerena.
"Magandang umaga." Nag-iinat siya at iniayos ang higaan. Napangiti siya ng maalala na unang araw ng kanyang pasok bilang Janitress sa isang restaurant.
"Dapat malinis at makaluto na ako para walang masabi si Inay." Sambit niya habang lumabas sa bodege—kwarto niya.
Habang papunta siya sa kusina ay nakasalubong niya ang isa sa mga ate niya—si Aliesa. Naka-make up ito ng makapal, animo isang payaso.
"Hoy Rena! Buti gising kana ,magluto ka na para makakain na ako!" Pabulyaw na sambit nito sa kanya.
'Di ba nasa harap niya lang ako bakit kailangan nakabulyaw pa?.' Tumango na lang siya at nagsimulang magluto. Sardinas at kamatis ang kanilang ulam.
Inihain na ni Gerena ang pagkain sa hapag, saktong nagising ang ina at ang isa sa mga kapatid niya. Uupo na sana siya sa isang silya pero sinigawan siya ng kanyang ina.
"Sinong may sabi na pwede kang sumabay saamin ha?! Umalis ka nga rito!" Taboy nito sa kanya, nagtawanan ang kanyang mga kapatid.
Walang nagawa si Gerena kundi pumunta sa kanyang kwarto at nagbihis para pumasok sa kanyang trabaho.
//fast forward//
Dumating si Gerina sa Restaurant na pagtatrabahuhan. Nakita siya ng gwardiya at binati.
"Magandang umaga Rena." Ngumiti lang siya at tumango sabay pasok sa locker room ng mga janitor para kunin ang mga panlinis na gagamitin niya.
Nagsimulang mag-mop ng sahig si Gerena, habang patagal ng patagal ang oras sa trabaho ay hindi niya namalayan ang oras para sa tanghalian.
-Kruu kruuu- tunog ng tiyan niya sa gutom. Pinunasan muna ni Gerina ang pawis at naupo sa gilid.
"Nakalimutan kong magbaon ng pagkain." Naibulong niya.
---
Sa di kalayuan may isang lalaking nag-mamatyag sa kilos ng dalaga.
"Boss, kasalukuyan pong nagtatrabaho ang babae sa isang branch ng restaurant niyo bilang janitress." Imporma nito sa kausap sa isang bluetooth speaker phone.
Tumango ang lalaki bago umalis sa lugar na iyon.
----+--
@lovelykisha
![](https://img.wattpad.com/cover/290113772-288-k996993.jpg)
YOU ARE READING
The Maid Series 1: You're my only Master
RomanceA girl who live in a Cinderella life will be change into something more eventful than fairytale. Anghelika Gerena Suerez , a girl who's life will change by Master L. The story of love and wildness will unvail. "...you're mine... no one can have you...