Chapter 5
Nakaligtas ang mag-iina ngunit hindi ang mga gamit at ang bahay nila.
"Wala na yung pera, Inay. Saan tayo kukuha ng matitirhan?" Tanong ni Ellesa.
"Hindi ko alam mga anak." Sagot ni Sally sa anak at nanlulumong tumingin sa naabong bahay.
----
Dumating si Master L sa palasyo niya. Lahat ng mga maids ay nakahilerang yumuko sa kanya.
Tumingin siya sa isa. "Nasaan si Kitten?" Tanong niya.
"Nasa itaas po, Master L." Nakayukong sagot ng maid. Tumango siya at sinenyasan ang isa na lumapit.
"Paliguan niyo siya at bihisan ng kaakit-akit na kasuotan. Gusto ko siyang kausapin." Utos niya. May kislap ang kanyang mga mata.
"Masusunod po." Sagot ng maid at yumuko bago tinawag ang dalawang kasama papunta sa itaas kung nasaan si Gerena.
Si Master L ay dumiretso sa isang pribadong silid katabi ng Dark Room.
Naupo siya sa isang king couch, nilibot niya ang tingin sa loob ng silid. Tumayo siya at inalis ang coat niya, naiwan ang polo niya. Napatingin siya sa salamin.
"Maisip ko palang ang gagawin ko sayo, My Kitten halos mabaliw na ako~" sambit niya at nakita niya ang paglukob ng pagnanasa sa kanyang mga mata.
-----
Napalingon si Gerena sa pintuan ng may kumatok.
"Miss, si Lileth po ito." Nang marinig niya iyon ay napangiti siya.
"Pasok ka, Lileth ." Saad niya. Pagbukas ng pintuan ay nakita niya si Lileth na may kasama pang dalawang babae.
"Miss, sila po pala sina Anne at Rose. Gusto kasi kayong makita at makausap ni Master L. Inutusan niya po kaming paliguan ka at bihisan." Sabi ni Lileth.
"G-Ganun ba? Sige." Kinabahan man ay sumang-ayon na lang si Gerena. Wala naman siyang pagpipilian.
Pinaliguan nila si Gerena.
"Miss, ang kinis pala ng kutis niyo." Puri ni Rose, namumula si Gerena dahil hindi siya sanay na may nagpapaligo sa kanya.
"Salamat." Saad niya. Nakita niyang may may hawak na damit si Lileth at Anne. May kanipisan iyon at mahaba. Kaunting galaw ay ma-aaninag na ang panloob niya.
"Iyan ba ang susuotin ko?" Tanong niya at napangiwi. Mas gugustuhin niya lang na magsuot ng t-shirt at pantalon.
"Opo, kailangan daw po ay kaakit-akit kayo sa kanyang paningin, Miss." Sabi ni Anne at ngumiti sa kanya.
Binihisan siya at halos mapanganga siya sa nakita sa salamin. Bumagay sa kanya ang damit, nagmukha siyang prinsesa, ang buhok niya nilugay lang at nilagyan lang siya ng clip sa gilid ng buhok para hindi matabingan ang kanyang mukha, hindi rin siya minake-up-an dahil natural ang rosy cheeks at mapupulang labi niya.
"Pero sobrang nipis naman nito. Kita na ang kalulwa ko oh." Saad niya. Nginitian lang siya ng mga maids.
"Halika na po, Miss. Naghihintay na po sa inyo si Master L."
Tumango siya, inihatid siya ni Lileth hanggang sa tapat ng Private room.
"Maiwan na po kita rito. Kumatok ka lang po ng tatlong beses." Saad ni Lileth at yumuko bago siya iniwan.
Huminga siya ng malalim at bumuga ng hangin.
*knock, knock, knock*
"Come in." Ang boses na iyon! Siya! Siya si Master L?
-------
Hala! Naku po.@lovelykisha
![](https://img.wattpad.com/cover/290113772-288-k996993.jpg)
YOU ARE READING
The Maid Series 1: You're my only Master
RomanceA girl who live in a Cinderella life will be change into something more eventful than fairytale. Anghelika Gerena Suerez , a girl who's life will change by Master L. The story of love and wildness will unvail. "...you're mine... no one can have you...