First day of OJT nga pala nila ken ngayon, i know pagod and stress yun. What if bilhan ko siya ng coffee? what if lang naman.
That is what you called para-paraan lol. I'm here na sa studio ni ken and nakabili narin ako ng mocha coffee niya. Wala lang na appreciate ko lang talaga yung food na binigay niya este yung binayaran ko. Somehow deserve niya parin ng mocha coffee from me. Besides nag papalakas ako joke.
"Ineng ikaw ba ay may hinahanap at kanina ka pa palakad-lakad diyan?"
"Uhm Nandiyan po ba si ken?"
"Teka, hindi ba ikaw yung dumaan dito nung isang araw?"
"Opo ako nga po."
"Alam mo bagay kayo ng alaga ko *he smiled* isang tahimik at isang masayahin na tulad mo."
"Nako parang hindi naman po." i smiled
"May itsura at talentado ang alaga ko hindi mo ba siya natitipuhan?"
"Tama po kayo talented siya at hindi malabong maraming babae ang mag ka gusto sakanya. Pero hindi po natin alam kung kanino siya mahuhulog. Ahm mauna na po ako pakibigay nalang po ito sa kanya."
"Hindi po naba siya hihintayin?"
"Ah hindi na po."
Before i finally left i gave manong a smile and he did the same. He was very metaphorical and pleasant to talk to. He told me a lot about Ken. If only papa was here i could also tell a story about the man i want.
Ken's POV
May iniabot na paper bag saakin si mang dante hindi ko na naitanong kung anong laman at kung kanino galing iyon dahil nagmamadali na ako kailangan ko pang bumalik sa site.
Ellie: Uy andaya nag buy siya ng coffee tapos hindi nag aya.
"Galing ako studio hassle if dadaan pa ako ng coffee shop."
Ellie: Eh saan galing yan.
Tumayo si pau at inusisa ang dala kong paper bag. Hindi ko ito pinansin at tumuloy lang ako sa pag scroll sa aking phone.