Chapter 37

1.1K 33 0
                                    

Olayannie's POV





Mahigit isang buwan ding nanatili si Miguel sa ospital for observation at noong sinabi na ng doctor na okay na siya ay wala na akong nagawa ng ipilit ni Xander na doon na muna kami sa bahay niya sa Maynila. Ayoko sana kaya lang sinabi niyang mas ikabubuti ni Miguel kong na sa maganda at preskong lugar si Miguel.

At hindi parin namin na pag-uusapan ang tungkol sa gusto niyang kasal. No comment parin ako sa bagay na iyan.

"Mommy bakit po sila nakatingin satin?" nabaling iyung atensyon ko kay Miguel. At tama ito masama ang pinupukol na tingin ng mga katulong nila sa akin. Syempre naman ako yata ang Bokrang nilang nanloko sa kanila. Hinding-hindi talaga nila ako makakalimutan.

"Huwag mo na silang pansinin baby, pagod ka na ba? Halika kargahin na kita"

"Opo" kakargahin ko na sana siya ng kinuha suya saken ni Xander at siya na mismo ang kumarga kay Miguel.

"Ako na alam kong pagod ka sa byahe"

"Kaya ko namang buhatin siya eh"

"Kaya ka lumiliit eh...huwag ka na ngang kumuntra saken Olayannie puro ka nalang kontra sa mga gusto ko"

Alangan namang pahintulutan kita sa ano mang gusto mo? Kaloka ka!

"Antok ka na ba Miguel?" biglang tanong ni Xander kay Miguel

"Opo Daddy" ngumiti ito sa kanya. Ang sarap talagang panoorin ng mag-ama ko. Ang cute!

"Okay, diretso na tayo sa room mo, maraming toys doon peru mamaya ka na maglaro magpahinga ka muna"

"Talaga?! Maraming Toys!" nagningning ang mga mata ni Miguel "Wow!! Meron na din akong maraming toys!"

"Meron ka din namang mga toys sa atin ah"

Akala nitong si Xander hindi ko maibibili si Miguel ng Toys. Dah! Mahirap lang ako peru mayaman ako sa pagmamahal sa kanya. Echusera ka Xander. Spoiled saken iyan eh!

"Mommy naman eh! Dalawang trak-trakan at isang Budo Doll ano iyun? May kasama pang karayom? Anong tingin mo saken Mangkukulam? Mommy naman eh"

"Ah..eh, maganda iyun pang-praktisan kong gusto mong mangkulam anak, effective daw iyun eh"

E sa wala akong magagawa iyun ang pinakamura. Naman!

Masama na bang magtipid?

"Grabeh ka naman Olayannie" hindi makapaniwalang baling saken ni Xander "Pinapalaro mo sa anak natin ang isang Budo Doll at karayum? Seriously, anong klaseng trip iyan?"

"Mga ka-adikan ni Mommy"

"Ikaw talaga, " ismid ko kay Miguel "Kahit na Xander no, harmless naman iyung pagiging mangkukulam ni Miguel kong sakali"

"Aisssh, maluwag na yata ang turnilyo mo sa utak"

"Ipa-mental na natin si Mommy, Daddy hihihii"

"Ikaw talaga Miguel ha, napapansin kong pinagkakaisahan nyo na ako"

"Ikaw naman Mommy di na mabiro, syempre kami naman ang magiging Doctor at Nurse mo. At gagamotin ka namin ng maraming pagmamahal. Ang sweet ko diba? Gwapo ba ako?"

"Ang dami mong segways, anak" natawa tuloy ako.

"Hayan ang nakuha mo sa mommy mo, sobra mo ng daldal"

"Hoy Xander! Huwag mong maliitin ang pagiging matabil ko dahil isa iyung kayaman na naipasa ko sa aking mahal na anak. O diba! Bongga!"

"Echusera ka Mommy. Baliw ka eh"

Maid and Boss (DonBelle)Where stories live. Discover now