“Mommy!!”
“Migz boy!!” niyakap ko ng mahigpit ang cute kong baby “Kumusta baby? Mukhang ang lusug-lusog mo ah? Doraemon ikaw ba iyan?” tumaba yata tong baby ko.
“Mommy naman eh!”
Pinisil ko iyung matataba niyang pisngi. Ang cute-cute talaga!“O hindi na…hulaan ko….Hmmm, majimboo or mojako?”
“Mommy pengkum ka naman eh!”
Pikonin talaga itong anak ko hihihi“Saan na ang lola mo?”
“Nandoon po sa bahay”
“Halika na,” hinawakan ko ang kamay niya “Puntahan natin lola mo”
“Mommy may pasalubong ka po ba sa akin?”
“OO naman, ikaw pa! Makakalimutan ko ba ang pinakakamamahal kong Migz boy”
Given the fact that Miguel looks a lot like his father, ewan ko kung bakit nagmana kay Xander qang anak ko. Syempre anak nya kaya iyan…Sa tuwing titingnan ko ang anak ko naaalala ko ang mukha ni Xander. Aissh!Erase mo na ngan iyan Olayannie! It’s been 5 years at di naman siya nag-akasayang hanapin kayo kahit ipinaalam mo na may anak kayo. Hayaan mo na iyun.
Pumasok na kami sa bahay“Nay!” nagmano ako sa kanya “Kumusta”
“Buti naman at nauwi ka anak”
“Day off ko ngayon, Nay” binigay ko kay Miguel ang pasalubong ko sa kanya
“Puntahan mo muna ang kuya Long² mo”
“Opo mommy”
“Nay, kumusta si Miguel?”
“Mabuti naman…peru minsan napapadalas na nahihirapan siyang huminga” nag-aalalang sagot nito “Hindi gaya dati na hindi gaano.”
“Nakausap ko si Doc Galvez sabi niya pwede naman daw operahan si Miguel kahit half muna ang ibayad natin…okay lang daw sa kanya na ihuli nalang natin ang bayad sa kanya”
“Peru?”
“Tatanongin ko pa ang Ospital kung pwede Nay. Kung kay Doc wala ho tayong problema”
“Tumawag ang ate mo noong isang araw”
“Ano ho sabi niya?”
“Hindi daw siya makakapadala ng malaking pera dahil maybabayaran pa siya, Baka hindi din gaanong makadagdag sa pampa-opera ni Miguel”
I bit my lip “Ako nalang ho ang gagawa ng paraan nay”
“E anak, baka pwedeng lapitan mo nalang si Xander, total anak niya naman din si Miguel. Kawawa naman ang apo ko”
“Nay,” tiningnan ko siya “Matagal ko ng pinaalam sa kanya ang tungkol kay Miguel peru di niya iyun pinansin. It’s pretty obvious that he doesn’t want our child. Kahit na siya nalang ang natitirang pag-asa natin hinding-hindi ko siya pwedeng lapitan dahil galit siya saken”
“Hindi ba pwedeng ibaba na muna ninyo ang mga pride nyo para man lang sa anak nyo?”
“Matagal ko na nagawa iyun Nay” I sighed…noong pumunta ako para ipaalam sa kanya ang kondisyon ko peru wala lang din namang nangyari “At hindi ko rin naman masisi si Xander dahil malaki talaga ang nagawa kong kasalanan sa kanya”
“Alam ko iyun anak, peru—“
“Nay, huwag nyo na hong ipilit ang gusto nyo dahil Malabo ho iyun”
“Sa akin lang naman ay iniisip ko lang ang ikabubuti ni Miguel”
“Ako na po ang bahala doon, Nay”
YOU ARE READING
Maid and Boss (DonBelle)
Ficțiune adolescențiI noticed that some of you don't read the description. So I just wanted to clear up that this story was inspired by He's Into Her Now that it's cleared up, happy reading!! :D 🤓 Belle x Donny DISCLAIMER: Names, Place and Events on this story are all...