Chapter 38

1.2K 31 0
                                    

Olayannie's POV



"Wow ang ganda!!" sigaw agad ni Miguel "Mommy ang ganda ng resort ni daddy"

"Oo nga eh walang tao"

Ano ito? Resort na wala namang tao?

"This is a private resort kaya walang tao"

Yaman talaga!

"Ahhh, kaya pala, infairness maganda" hindi na masama hihihi

"Mommy, Daddy, ligo tayo ng swimming pool dali"

Tumingkayad ako para magkalevel kami ni Miguel "Mag-ayos muna tayo ha bago tayo gawin iyang gusto mo baby" ngiti ko sa kanya

"Nagpahanda na din ako ng pagkain sa mga katiwala" dagdag pa ni Xander "Pahinga muna tayo ng saglit Xander"

"Okay! Ganda talaga dito....parang paraiso"

Iyung lugar parang resthouse lang, hindi naman kasi ito isang typical lang na resort, although may mga pool na may slides at white sand beach, matatawag mo talagang resort ang lugar. May spanish inspired lang na bahay na nakatayo.

Doon kami tumuloy nila Xander, share lang kami ng isang kwarto, malaki naman ang kama kaya kasya lang kami nila Miguel. Ayaw kasi ni Miguel na mag-isa kasi daw natatakot siya sa ambiance ng lugar. Para dawng nasa horror film. Hay naku! Imagination nga naman ng mga bata.

Ang sabihin mo gusto mo lang makasama si Xander eh? Palusot ka pa diyan.

Hindi kaya...Ewan ko sayo isip, tantanan mo ko!

"Mommy bababa muna ako ha, gutom na kasi ako"

"O sige"

Umalis na si Miguel, lagkit na lagkit na talaga ako magbibihis muna ako. Naliligo pa naman si Xander okay gora bihis muna ako dito.

Itinaas ko na iyung blouse ko...

"Olayannie--"

Uh-oh!! Tapyas na naman ang timing mo Olayannie. O ano ngayon froze ka na naman. Dali-dali ko nanamang binaba ang blouse ko. Kaloka! Hinarap ko si Xander.

"B-Bakit?"

"Nakita mo ba iyung T-shirt ko?"

"Ah...iyun" nakakatulo laway naman iyang katawan mo Xander. Masarap ulamin. Aissh! iyang utak mo Olayannie maluwag na naman ang turnilyo. Focus okay! Pukos! "Ah...Hayun oh" itinuro ko "Kung saan-saan mo kasi nilalagay eh. Ang kalat mo"

Hindi na niya ako pinansin, kinuha na niya ang damit niya "Akala ko ba magbibihis ka?"

"Anong gusto mo magborles ako sa harap mo? Ano ka siniswerte?" Echusera ka Xander!

"Para namang di ko pa nakita iyan..."

"Hoy narinig ko iyun!"

"Ewan ko sayo" hindi na ito nag-abalang suklayin ang basang buhok nito "Sumunod ka nalang samen ni Miguel sa baba"

"Sa dagat o sa swimming pool?"

"Sa ilalim ng lupa"

"MAUNA KA!"














Alexander's POV


Damn it!! Bakit iba iyang iniisip mo Xander! Tigilan mo iyan. Huwag mong sabihing pinagnanasaan mo si Olayannie. Damn! Damn it!! Mukhang kailang ko ng malamig na malamig na tubig! Ilublob mo ang sarili mo at matauhan ka. Aissh!











Olayannie's POV



"Ang init-init balot na balot ka?" puna agad saken ni Xander

Maid and Boss (DonBelle)Where stories live. Discover now