"Sino ba kasi nambato nun?"
"Yung nasa basketball team nga. Si number 18, kilala mo yun? Gonzales ata apelyido eh. Apelyido niya ba yun? Yun ang nabasa ko sa likod ng jersey."
"Tanga ka ba? Syempre apelyido niya yun, siya may suot eh."
"Aba malay ba natin, baka hiram lang pala o kaya pinasuot lang? Maka-tanga naman 'to, kala mo naman ang talino."
"Ang ingay niyo naman. Kitang may pasyente dito eh." Awat ko kay Kia at Dianne na kanina pa nagbabangayan. Nagising ako sa ingay ng dalawa na to. Di ko na alam kung ano pinag-aawayan nila, kung yung bumato ba sakin o yung katangahan ni Dianne. Dianne is also one of my teammates, na bestfriend din ni Kia.
"Sorry, Nicole. We thought you are still unconcious. Ito kasing si Dianne eh, ang ingay." Paumanhin ni Kia sabay binatukan si Dianne. Para talagang ewan tong dalawa na to.
"Ouch! That's hurts, huh!" Reklamo ni Dianne while caressing the back of her head. "I am just confirming if that's his surname lang naman eh. Anyways, are you okay now, Nicole? Masakit pa ba?" Patuloy niya pointing my nose with bandage.
"I think I am fine now." I touched my head kasi medyo nahihilo pa ako but I know okay na ako. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at umupo, hinawakan ko ang ilong ko to make sure na I still have my nose. Nilibot ko ang paningin ko and I am right, I am at the infirmary.
"Kanino bang surname yang pinag-aawayan niyo?" I asked them
"Yung nakatama sayo ng sapatos. Di kasi namin masyadong kilala eh." Sagot ni Kia
"Teka, sapatos? Sapatos yung tumama sakin?" Takang takang tanong ko.
"Yes! Sadly, sapatos ang tumama sayo." Natatawang sabi ni Dianne.
"Sa dami naman ng pwede tumama sakin, bat sapatos pa? Kaya pala ang sakit. Pakiramdam ko matatanggal ilong ko, eh." I ranted then touched my nose again.
Lumingon ako sa dalawa na nakatayo sa gilid at aba nagpipigil ng tawa.
"Huwag niyo na pigilan baka iba lumabas pag pinigilan niyo yan." Inis na sabi ko sa dalawa.
"Sorry" Sabay na sabi ng dalawa.
"Tss. Sino ba nagdala sakin dito? Alam ko na hindi kayo kasi mas maarte pa kayo sakin." I asked.
Di pa man sila nakakasagot, biglang bumukas ang pinto ng clinic. Tumahimik kami kasi di namin alam kung sino yung pumasok. Medyo malaki tong clinic na to, may six na bed na nahahati ng white curtains. Di namin kita yung pumasok because of the curtain, we need to pull it para makita namin kung sino man ang pumasok.
We stayed silent kasi baka yung nurse yun at maingayan samin. Ngunit nabigla na lang kami nung biglang may humila sa curtain.
"I-I'm sorry. I thought you're still unconscious." Ethan said. Yes, it is Ethan. Tumingin siya sa akin at sa mga kasama ko.
"Ano bang ginagawa mo dito?" Inis na tanong ko.
"Ah, excuse me lang, huh?" Biglang sabi ni Dianne at lumapit sakin. "Siya yung nagdala sayo dito and the owner of the shoe na tumama sa mukha mo. He asked us to accompany you kasi pinatawag ulit siya ni coach." Bulong niya sa akin.
"YOU?!" Biglang sigaw ko.
"I'm sorry." Nahihiya niyang sabi
"Ah, excuse me lang ulit. We think you need some privacy. We need to go na din kasi. We still have some matters to attend to, eh." Sabi ni Kia. "Nicole, we'll be going na. Kaya mo naman na diba? May kailangan pa kasi kaming puntahan eh. And before I forget, coach said na you must contact him to update him if you're okay na, he's too worried." Patuloy niya.
BINABASA MO ANG
Make You Mine
RomansaThis is a story of a College girl, living with her best friends. Everything is easy and fun for her not until he met this man who will change her life. Will this be a good change or the other way around?