Chapter 1

734 5 3
                                    


1

Jami


Hi! Ako nga pala si Jami.  Isang napakabait at napakagandang estudyante. Joke lang yung last. 4th year high school na ako ngayon at 6 months nalang gagraduate na din ako. Sa wakas! Makakita na din ako ng alien! 


Pinasok ako ng mga magulang ko sa isang school na puro babae simula bata palang ako. Ang buong pangalan ko ay Janna Santos 16 years old.


Ewan ko kung bakit Jami yung tawag nila sakin kasi nung bata daw ako sobrang sakitin ko tapos ayun binigyan ako ng bagong palayaw. Hindi ako attractive para sa mga lalaki. Wala ngang nagkakagusto sakin eh. Sino ba naman kasi yung magkakagusto sakin? Meron akong hanggang siko na buhok. Itim na itim ang mga ito nakabrace ako tapos nakasalamin, makapal yung kilay (hindi ako white girl) tapos hindi din ganun kalaki yung hinaharap ko katulad ng mga ibang babae oh diba nasakin na lahat ng kapintasan.


Yung tatay ko nagtatrabaho siya sa ibang bansa kasama yung tito ko tapos yung nanay ko naman nandun sa ibang bansa din inaalagaan yung lolo ko. Nakakausap ko nalang sila through skype. Minsan wala silang time para sakin kaya yun ginagawa ko nalang masaya yung mga bagay bagay na nasa paligid ko. Minsan iniisip ko nalang na wala akong problema alam ninyo yun parang kunyare ok na yung lahat. Minsan iniisip ko kung proud kaya sila sa akin?


Oo nakakakuha ako ng mga awards sa school pero napansin ko kasi parang wala lang sakanila yun, kapag tatawag ako sasabihin nila


"Oh ayan lang nakuha mo pinagmamayabang mo pa."


"Wala na bang itataas yan?"


"hindi na kaylangang ipagmayabang yung mga ganyang bagay."



Ginagawa ko naman yung lahat ah para mapansin nila ako pero bakit ganun hindi pa ba sapat yung hardwork na ginagawa ko para maappreciate naman nila ako kahit parang isang butil man lang ng bigas? Kaya pati si kuya minsan nagtatampo eh. May kapatid ako. Ako yung bunso  at may nakakatanda akong kuya. Si kuya Justine.


Ewan ko kasi matangkad naman si kuya so nakakaattract kasi yung mga lalaking matangkad hindi ba? Tapos nakasalamin din pero kabaligtaran ko siya lahat ng bagay. kung anong galing ko sa pagdadrawing siyang hindi. Kung siya nagbubulakbol ako nagfofocus ako sa pag-aaral ko. Pero mas mataba naman ako ng onti sa kanya. Alam mo yung parang onting ihip ko lang sa kanya parang lilipad na siya. Pero ang pangit niya bat ganon?


Yung lola at lolo ko yung nag-aalaga sa amin. Simula ata nung bata ako sila na yung parang tumayong magulang namin. Namatay yung lolo namin nung grade 5 ako dahil sa sakit na lung cancer. So bali yung kasama ko lang dito sa bahay ay sina lola, manang, kuya,tito, tita atsaka yung pinsan ko na bata si Ryan 4 years old na siya at utal utal pa din siya magsalita. Pero Siyempre hindi ganun kasaya kasi hindi mo talaga kasama yung parents mo. Hindi mo kasi mararamdaman talaga yung totoong meaning ng bahay kung wala talagang presensya ng magulang.



Naiintindihan ko naman kasi para samin rin naman yung pagtatarabaho sa ibang bansa ng tatay ko siyempre para mabigyan kami ng magandang kinabukasan ni kuya. Sabi nga ni papa kapag daw gumraduate na si kuya atsaka kapag nakapaghanap na ng magandang trabaho, si kuya na daw ang magpapaaral sakin. Pinangako din ni kuya na hindi muna siya maga-asawa hanggat di ako nakakatapos ng pag-aaral.

Planned Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon