Epilogue

273 3 5
                                    



Epilogue

Jami

Nakalimutan ko na nga nang tuluyan si Jack si kuya naman napatawad ko na sa mga katarantaduhang ginawa niya nung high school ako atsaka hindi naman na natin maibabalik yung nakaraan nangyari na din kasi yon wala na din akong magagawa. Bati naman na kami ni kuya ngayon pero kapag naalala namin yung mga yun tinatawanan nalang namin. Wala na din akong balita kay Jack ngayon hindi ko alam kung nasan na siya. Pati din si kuya may asawa na siya ngayon at mayroon akong 6 years old na kambal na pamangkin at parehong babae. Kung dumating din ba yung point na minessage niya ako sa we chat. It's been 10 or 9 years kasi nung huli ko siyang nakausap.


Narealize ko din na hindi lang mga bagay ang temporary sa  buhay natin pati rin mga tao. Wag kang magmakaawa sa isang tao na magstay siya sa buhay mo kasi kung gusto nila gagawin nila kasi mahalaga ka. Atsaka hindi dapat pinanghihinayangan ang mga taong ikaw mismo ang sinayang. 


"Ah Ate Jami yung documentary namin tungkol sa internet hindi tungkol sa lovelife mo nung high school ka hanggang college mo." sabi ni Ryan. Napakamot nalang siya siguro sa sobrang haba ng naikwento ko sa kanya.

*Si ryan pala yung baby noon na hinahalik halikan ko yung anak ng tito ko. ;) malaki na siya ngayon high school na nga eh.


Lahat nang mga sinabi ko simula nung first chapter flashback lang lahat nang iyon simula nung high school ako.

"Ano ulit yung tanong mo ry?" tanong ko sabay tawa.

"Kung ikaw ang nasa sitwasyon na ang mga magulang mo ay nasa ibang bansa ano ang gagawin mo?" sabi sakin ni Ryan.

"Para kasi sakin siyempre dapat pag-igihan ko yung pag-aaral mo unang una kasi nga sabi sakin dati ni mama ayun lang daw yung maipapamana nila na hindi nga maangkin ng ibang tao. Dapat alam mo yung hirap ng mga magulang mo para mapag-aral ka lang nila sa magandang eskwelahan. Nagsasakripisyo sila sa ibang bansa para lang mabigyan ka ng magandang kinabukasan. Dapat di rin tayo magrebelde sa mga magulang natin, OO meron silang pagkukulang satin, ang mawalay sa piling natin pero sila ba ginugusto ba ang mga iyon? Hindi din naman diba?" sabi ko.

Sabi ko naman..

"hala ate 2pm na napahaba ata yung kwento mo! May pasok ka pa di ka pa nakakaligo!" sabi sa akin ni Ryan. Dali dali akong tumayo sa kinauupuan ko at halos nagulat pa si Ryan at ang isa niyang kaklase sa pagkakatayo ko.


Ako na ngayon si jami. 22 years old.Ito na yung totoong buhay ko yung mga nakaraang chapters, flashback lang ang lahat ng iyon! Isa na akong Registered Nurse na ako ngayon dito sa Pilipinas. Mas pinipili kong tumulong dito sa mga kababayan ko sa Pilipinas kaysa sa ibang bansa. Gusto akong kunin ng mama at papa ko pati si kuya kaso ayoko kasi walang magbabantay kay lola. Pinag-aaral ko ngayon si Ryan at kahit medyo mataas na ang matrikula eh okay lang kasi nagiging worth it naman nakakareceive naman siya ng awards atsaka nakakasama sa top kaya yon. Naalala pa ba ninyo si Kyle? BOYFRIEND KO NA YON NGAYON. AYIII oo naghintay siya ng 5 taon para sa akin. Naalala ko pa noon araw araw niya akong nililigawan pati si lola pati si ryan non nung maliit pa binibigyan niya ng chocolate pati si lola at si manang naman bulaklak.Ibang klase talaga manuhol to si kyle eh.

AY OO NGA PALA..

On the way na ako ngayon sa ospital na pinagtatrabahuhan ko. Laging sinasabi sakin ni kyle na ihatid na daw niya ako pero sabi ko wag na kasi ang layo ko sa pinagtatatrabahuhan niya siya sa libis ako sa mandaluyong oh diba atsaka sayang din sa gas kako.

Planned Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon