Chapter 8

145 2 0
                                    

8

Hanggang sa dumating yung graduation namin wala pa din akong narereceive na message kay Jack grabe mag iisang linggo na din yun ah. siguro busy kakaalaga sa lola niya. di bale okay lang yon. Since wala na kaming pasok araw araw na akong nakatambay sa phone ko.. hinihintay yung message niya. Tapos nung 2nd week na nagmessage na din siya sa wakas! nakita ko nalang na nagmessage siya.

New message from  blakejack!

Blakejack: Forget me.

NALUNGKOT AKO DUN BIGLA. Ilang linggo kang di magpaparamdam tapos  sasabihin mo nalang na forget me? Anong trip to! Anong kalokohan to pakiexplain! bakit? wala naman akong nasabi o nagawang mali sayo ha?wala naman diba? pero okay lang kung yon yung gusto niya.

You: Okay. Kahit na di ganun ka dali yung kalimutan yung mga ala-ala na kasama ka. Kung kelan naattached ako sayo atsaka sasabihin mo na "Forget me" ANONG KALOKOHAN TO? Pero kung sabagay mukhang bihasa ka naman. Wala naman sayo ang mga yun  hindi ba MGA PAASA! -_- . Dapat kasi di na kita nakilalang hinayupak ka e no!Kapal ng mukha mo!

Blakejack: Hey! Don't tell me that! I've been part of your life for more than 5 months and Napasaya naman kita rigghht? and sorry

You: oo napasaya At napaasa mo ako. Naniwala ako sa mga matatamis mong  mga salita. Hindi mapapalitan ng sorry mo lahat ng bagay na to

Blakejack: Forget me and just do it!

You: sige wag ka nang magparamdam na hinayupak ka!Kung sabagay  nabuhay naman ako ng 16 years na wala ko so alam ko kakayain kong mawala ka forever. Wag mo sanang gagawin yung ginawa mo sa akin sa mga susunod na babaeng makikilala. Baka mamaya on the way na yung karma sayo.

Habang binabasa ko yung old messages namin napapaluha nalang ako. FIRST HEARTBREAK KO DIN KASI TO.

"smile now"

"don't worry if i get there i won't forget talking to you!"

Bigla ko nang nilog-out yung we chat sa phone ko. Grabe pala yung mga pinagagagawa niya dati sobrang clingy pa niya tapos ngayon bigla nalang siyang magsasabi ng forget me UGHHH ano bang nakain non sa New York at bigla niyang sinabi yon. Kapag talaga bumalik siya dito who you talaga siya sakin pero baka babalik eh siya na nga nagsabi na kalimutan ko na siya diba?

"Jami kakain na.." sabi ni kuya. halos hindi ko na nga namalayan na binuksan niya ang pinto dahil naka focus lang ako sa phone ko.

Bigla kong pinunasan yung mga luha ko at nagsalita na nakayuko.

"AA-AH Sige sige susunod na ako..." sabi ko

"umiiyak ka ba?"  tanong ni kuya

"oo nakakaiyak kasi tong pinapanood ko eh." Palusot na sabi ko nalang.

"pinapanood o kausap? Sino ba yan?" Tanong niya habang tinitignan yung phone ko

"Tara na wag mo na pakielaman yan!" Pagsusungit ko.

Pagkababa namin ni kuya napagtripan ko yung pinsan kong baby 4 years old nga lang siya diba so medyo baby pa siya. Medyo nakakapagsalita na siya ng mga buong words kaya medyo naiintindihan ko siya. Hinalik-halikan ko siya sa pisngi. Hanggang sa umiyak..

"ANO BA JAMI WALA KA NA BANG ALAM NA GAWIN KUNG HINDI MAGPAIYAK NG BATA?" sabi ni lola na parang galit na.

Binitiwan ko yung pinsan ko at sinabing

Planned Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon