Schoolmates
Hayyy. Inaantok na akoo. T.T kaso eh 10:30 pa lang. Ano ba yan. Gusto ko na talaga matulog, kaso ayoko makaligtaan ng isang gabi e. :(
Baka kasi mamaya, di I grant ni master 11:11 yung wish ko sakanyaaa. Ayy hahaha wait. Nagtataka siguro kayo kung sino si master 11:11 noh?
Well. Imaginations ko lang siyaaaa. Ahahaha. Grabe noh? Sa sobrang desperada ko na ma grant itong wish ko na mapansin ni Tristan. Nagmumukha na kong ewan. :(
Aayyy. Pero kahit naaa!! Dapat damihan ko lang yung gabi gabing pag aantay ko sa 11:11. Diba nga kasi may kasabihan na "Kapag may tiyaga may nilaga" tsaka yung "Try and try until you die" Ahahaha. Joke!! Basta magsisikap lang talaga ako. :)
Kahit pa, yung eye bags ko maging eye luggage na. Dapat aja lang! Tama! Dapat fighting langggg!!!
Kringggg. Kringgg. (Tunog yan ng alarm clock.-_-)
Ayy!! Napatingin ako sa tumunog, oh my gee. 11:11 naaaa. Time to wishhh. :)
"Master 11:11, sana po mapansin na talaga ako ni Blake. Kasi po alam nyo naman diba? Alam mo naman kung gaano ko sya kamahal. Haay sana makilala na nya ko. May my wish be granted." Bulong ko sa hangin na para bang may kausap talaga ako.
Biglang bumukas yung pinto
"Ma?" Oo si mama yung pumasok.
Lumapit sya saken, tapos tinabihan ako.
"Louisse? Di ka pa ba nag sasawa sa kahihiling mo sa 11:11 anak?"
"Mama naman! Di po ko magsasawa, alam nyo naman yung dahilan diba?" Reklamo ko sa kanya. Abat gusto ata akong patigilin netong nanay ko.
"Pero kasi baby, isang taon ka ng ganyan. Isang taon ka ng humihiling. May nangyayari ba? Wala"
Natahimik ako sa sinabi ni mama. Ouch ha. -_-
"Sa isang taon na yun Louisse sabihin mo nga, napansin ka ba nya? Nakilala ka ba nya? Hindi anak, hindi. Umaasa ka lang sa wala. So you better stop. Stop hurting yourself."
"Pero ma---"
"Alam mo kasi Louisse, maghintay ka lang. Maghintay ka lang na dumating yung taong para sayo. Kasi may inilaan sayo ang Panginoon anak. Para sayo lang, sa iyo lang anak. Yung wala kang magiging kaagaw. :) may plano ang Panginoon para sa lovelife mo. Kaya hindi mo yan basta basta makukuha sa 11:11. Magtiwala ka lang anak."
Di ko alam ang ire react ko.
"Sige, tulog na. Goodnight, iloveyou" sabay halik ni mama sa noo ko. Tsaka sya lumabas ng kwarto.
Napaisip ako. Ganun na ba talaga ako kadesperada? Na sobra na pala yung pag papa asa ko sa sarili ko?
Hayyy ang hirap naman ng ganto ohh. Ohh Lord God almighty, give me a sign please. Sign kung titigil na ba ako o hindi. :(
***
*School*
Pagpasok ko sa gate ng academy, ang daming maiingay. Tapos para silang kinikilig na ewan Hay naku naman. =___= ang aga aga e. Di na nga okay yung gising ko e. Eh pano ba naman. Dalawang oras lang ata tulog ko. Huhu. Di pa rin kasi maalis sa isip ko yung mga sinabi ni mama. :(
"Kyaaaa. Grabe talaga girl. Akalain mo yun! Ang swerte natin at dito pala lilipat ng school ang Star X??"
Huh? Ano daaaaaw?!!! O______O
"Yun na nga e. Araw araw na natin sila masisilayan. Kyaaaa. Ang gwapo talaga ni Blake, Max at Eros"
Wait!!! Omg loading.... loading....loading..
Waaaa! Totoo ba yun?! Ang star x dito na , mag aaral? Dito kung san ako nag aaral?!! Dito sa Stanford Academy? Omg! Omg!
"Ayan na sya!!! Kyaa. Ang gwapo ni Blake!!!!" Sigaw ng babae ng may pumasok na black porsche sa gate ng academy
"Waaaaa"
Tas puro sigawan at tilian na.
Hanggang sa may isang lumabas na poging nilalang. Na anak ni Aphrodite, mula sa kabundukan ng Mt. Olympus.
Habang bumababa sya ng sasakyan. Uhhh? Biglang para bang nag slow mo ulit yung paningin ko.
Tapos shms. Ang lakas ng tibok ng puso ko. ^____^
Napabulong na lang ako sa sarili ko. "God, ito na po ba yun? Ito na po ba yung sign? Hayy. Salamat po ng madami. Thank you po talaga."

BINABASA MO ANG
11:11(ON-GOING)
Teen FictionNumerologists believe that events linked to the time 11:11 appear more often than can be explained by chance or coincidence. This belief is related to the concept of synchronicity. Some authors claim that seeing 11:11 on a clock is an auspicious sig...