Sick
Nagising ako sa lugar na kulay puti ang nasa paligid. Huh? Heaven na ba to?! Hala Diyos ko! Wag naman, di pa kami kinakasal ni Blake ah?! Pero wala namang manok ni San Pedro. Huh?! Napamulat ako.
Ay mali, nakamulat na pala ako. -___-
Napatingin ako sa kaliwa't kanan ko. Nakita ko sa may sofa si kuya na naglalaro sa iPad niya.
"Hoy tanda."
Napatingin siya saakin.
"Oh gising na ang aming mahal na prinsesa."
"Kuya bakit andito ako?"
"You fainted, at ang sabi ng doctor. Dengue daw. Sobrang taas ng white blood cells mo. And you need to be confined."
"What? Si Blake? Nasaan siya? Siya yung huli kong kasama."
"Pinauwi ko na. Sina Mom naman papunta na. Bat ba kasi di mo man lang naramdaman yung mga symphtoms na may dengue ka na pala ha? Princess pinapabayaan mo na ba ang sarili mo?"
Umiling ako
"Hindi porke't madalas mo ng nakaka sama yung Blake na yun, eh pababayaan mo na yang katawan mo. Wag mo hintaying pagbawalan ka namin ni Dad."
"Tss. OA mo naman kuya. Para dengue lang e. Pero sige oo na. Yieee mahal na mahal talaga ako ng aming Prinsipe."
Lumapit siya sakin at ginulo gulo ang buhok ko.
"Psh, alam mo naman kung gaano kita kamahal diba? Kahit pangit ka at hindi halatang kapatid kita, sobra kitang pinapahalagaan."
"Hoy anong pangit? Oy! Mahiya
ka nga, kupal neto. Pero alam ko naman yan kuya e. Kaya sorry na, iingatan na po ang sarili.""Good hahaha" Sabay pat niya sa ulo ko.
Bumukas ang pintuan at iniluwa nun si Mom at Eros
"Oh Louisse gising ka na. Si Eros, nakasabay ko."
"Hi!" Bati niya
"Nakilala ko siya anak, dahil sa kagrupo niya si Blake. Kaya't naitanong ko kung anong pakay niya dito. Sakto, ikaw pala ang bibisitahin."
"Mama naman! Kung anu-ano nanaman siguro ang nasabi niyo noh?"
"Oh ano? Hays ikaw talagang bata ka. Hoy Louie! Halika pumunta tayong fast food." Sabay hila ni Mama kay kuya
"Uhm hello." Sabi ko kay Eros. Lumapit siya at umupo sa upuan na nasa tabi ng kama.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?"
"Uhm ayos naman na ako. Kaya sa tingin ko magaling na ako."
"Tss. Haha patawa ka. Porke't ba ayos ka na, magaling ka na?"
"Sa tingin nga lang diba?" Sarap sipain neto papuntang Mars
"Hays. Sige, ano pa nga bang magagawa ko. Oh heto. Strawberries at Fries. 2nd day palang diba?"
"Wow! So seryoso ka nga doon?" Napapanganga kong sabi
"Ay hindi! Hindi nga halata diba?" Lukot ang mukhang sabi niya.
"Seseryoso ka ba o hindi?!"
"Psh. May isang salita ako."
Inirapan ko lang siya
"San kayo nagpunta ni Blake kahapon?"
"Nakita mo?"
"Nakita kong hilain ka niya at isinakay sa sasakyan niya."
BINABASA MO ANG
11:11(ON-GOING)
Fiksi RemajaNumerologists believe that events linked to the time 11:11 appear more often than can be explained by chance or coincidence. This belief is related to the concept of synchronicity. Some authors claim that seeing 11:11 on a clock is an auspicious sig...