Thirteen

7 0 1
                                    

Versus

Oh yesss! Monday nanaman. Na discharge ako last friday.

Hahaha akalain mo yun. Namiss ko din palang mag-aral.

Pagkadating ko ng classroom. Naglelecture na yung teacher. Nag good morning lang ako at pumunta na sa upuan ko. Shems, si Blake. Uwaaaah na-miss ko siya.

Nakatitig lang siya ng diretso sa board. Parang nakikinig na hindi. Hays, napaka seryoso talaga nito kahit kailan.

"After this class, may cleaning ang buong school. It means, excuse na kayo sa next classes niyo. Is it clear?"

"Yes ma'am" Sagot naman namin

Whut?! Ewan kung matutuwa ako o ano. Matutuwa dahil matatakasan ko si Math o maiinis dahil kakalabas ko pa lang galing ng hospital. Tapos paglilinisin lang kami? Huhu.

Private school nga ang SA pero hindi nila inaalis na ituro sa mga studyante kung paano ang tamang pagkakawang gawa. Gaya nito, every month na may Cleaning ang buong school.

Pero di bale na bwahahaha. Atleast makakaligtas ako mamaya sa subject kung saan paalon-alon ang mga numero. Huhu, yung trigo. Ah ewan ba hirap na hirap ako doon e. Para bang naduduling ako pag yun yung pinag-aaralan namin.

"Okay class dismissed"

Ha? Ang bilis naman, di ko na namalayan sa sobrang pag-iisip.

Lumapit sa akin, yung isa ko'ng classmate.

"Louisse, tara sa changing room. Magpalit na tayo ng P.E uniform."

"Ah sige sige." Sagot ko habang napapatingin sa gawi ni Blake.

At ayun naka-upo pa din siya at seryoso na nakatingin sa board. Yeng tetee? Na starstruck ba ito sa board? Mwehehehe jk lang!

"Ara, mauna ka na sa labas"

"Ah sige, Louisse" tugon nito

Lumapit ako kay Blake

"Ah Blake hindi ka pa ba magbibihis?" Sabi ko sakanya, alangan naman na sa sarili ko diba? -_-

Hindi niya ako sinagot, tumingin lang siya sa akin, tsaka tumayo at nilagpasan ako.

Ish! Napaka-sungit!

***

Sa may Faculty hall na assign ang mga Seniors, sa Assemble hall ang mga Juniors at sa mga parks naman ang mga Sophomore at Freshmen.

Habang abala kaming naglilinis bigla namang pumasok ang Star X. Nagtilian ang mga kababaihan.

Pero nakapagtataka hila ni Blake si Max.

"Blake naman kasi e! Bakit pa kailangan na pati tayo maglilinis? Ugh! Kung gusto niyo ni Eros kayong dalawa nalang!" Tsaka ito tumalikod pero
hinila ulit ni Blake yung laylayan ng damit nito.

"Nasa school rules yun, walang exception. Kahit ang Star-X pa"

"Eh kaya mo lang naman gustong maglinis kasi nandito si ---" Tinakpan ni Blake yung bunganga ni Max.

"Shut up, or else I'll beat you up!"

"Tss."

Natigil sa pagtatalo yung dalawa ng lumapit sakanila si Ms. Godwin.

11:11(ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon