Ten

31 0 0
                                    

His Girlfriend?!

Thursday afternoon. After the class dumiretso akong SM. May mga pinabili kasi si mama. Habang tahimik akong nagtutulak ng pushcart habang namimil dito sa Hypermarket. Nakarinig nalang ako bigla ng sigawan.

"Si Eros ayun! Guys! Si Eroos!"

"Omg nandoon siya, pumasok sa grocery!" dinig kong sigaw ng mga kababaihan sa labas ng hypermarket.

"Tss,maabutan sana siya ng mga fans. Tapos pagkaguluhan. Huh, buti nga sakanya palibhasa ang sama ng ugali." bulong ko sa sarili ko.

Pero nabigla nalang ako ng may biglaang may sumagi sa push cart ko. At....

Shems! Ang hambog na si Eros.

Bigla na lang niya akong hinigit at inakbayan,kasabay nun sinuotan niya ako ng cap. Sapat para matakpan ang mata't ilong ko.

"Girls, im with my girlfriend. So please respect." sabi niya habang naka akbay pa din saakin.

WHAT THE HECK ARE THIS GUY SAYING?!!! Kupal. Pinilit kong tanggalin yung pagkaka akbay niya saakin pero kumapit pa siya lalo. Ay tuko ang letse.

"Tulungan mo ko ngayon,kahit ano ibibigay kong kapalit." bulong niya saakin.

At dahil may naiisip akong magandang kapalit, napa oo ako. So eto na nga, umpisahan na natin ang actingan.

Ngumawa ako, syempre peke.

"Uwaaah babe! Alam mo namang ayoko sa madaming tao diba? Em shy enebe" palahaw at pabebe kong sabi. Eww I want to puke! Wahahaha kung hindi lang sa kapalit eh.

"Baby ko,sorry na. Don't worry iaalis kita dito" Sabi niya na para bang superhero siya. Eww lalooo.

At ayun na nga nag simula ng magbulungan ang mga fans niya.

"Nagpapanggap lang naman kayong dalawa e!"

"Miss wag mo naman siyang solohin,i share mo naman!" Sigawan ng mga fans.

"Aba't! Tatamaan ka sakin,e bakit ko naman ishi share ang boyfriend ko aber?" Nakataas kilay kong sabi sakanya.

"Kung kayo talaga,pwes patunayan niyo!!" Sigaw ulit nanaman ng isang fan.

At doon na ako simulang kabahan,hala Louisse. Parang alam ko na ang susunod na mangyayari, ganito yung mga nababasa ko ba novels eh.  Shms.

At ayun nga,dahan-dahang inilapit ni Eros yung mukha niya sa mukha ko.

*smooch*

Uwaaaaah! Hinalikan niya ako! Uwaaah hindi maari! Uwaaah uwaaah talaga. Huhuhuhu uwaah ulit.

"Omg! Sila nga!" Sigawan ng mga fans. Na siyang nagbalik saakin sa mundong ibabaw. Charrrgrrr!

Hinalikan niya ako sa cheeks, oo cheeks, pisngi. Hindi sa lips. Wag kayong OA. Ako lang dapat ang OA.

So after nga ng halikan session. Uwaah eww. Hinila na ako ng walang hiyang si Eros papuntang kotse niya. Runaway ang peg. Eww talaga ulit.

"Uh oh, hahahaha that was close" halakhak niya, tae tumawa pa ang walang hiya?! Na violate na nga ako e. Waaah

Tumingin siya saakin.

"Thank you" kasabay nun ang isang genuine smile.

Ang pogi.

Ay noooo nooo noo! Erase

"Anong thank you thank you ka diyan! Hoy may kapalit yun! Kupal neto ha." Sabay irap ko sakanya.

"Tss. Oh ano yung kapalit?"

"Simple lang naman,bigyan mo ako ng 2 months supply ng strawberry at french fries." Ngiting ngiti kong sabi

"What?!!!" Gulat na gulat na sabi niya.

"Oh ano?"

"Are you crazy? You must be kidding right?" Di makapaniwalang sabi niya.

"Mukha ba akong nagloloko?" Sabay lapit ko ng mukha ko sa mukha niya.

"Matapos akong maharass kanina? Viniolate mo pa yung pisngi ko tapos tapos uwaaaah! Strawberry at fries lang ayaw mo pa?! Uwaah grabe siya ohh! Uwaaah ulit" Umiiyak kong sabi sabay punas sa pisngi kong wala namang luha.

"Ugh! Oo na oo na! Wag ka lang ngumawa,parang bata. Tss" Napipikon niyan tugon

IYAKAN PLAN- S U C C E S S *evil grin*

Bwahahaha!

"Yesssss!" Sigaw ko, at sa sobrang tuwa ko. Napatayo ako at nauntog lang naman ako sa roof ng kotse.

"Ouch! Aray! Ang sakit ha?! Ang sakit" Angal ko sabay himas sa tuktok ng ulo ko.

"Ish. Ayan kasi,childish masyado. Yan napapala eh. Tss. Amin na nga, check ko." At hinila niya yung ulo ko para ma check nga.

"Ano may bukol ba? Shms? May brain cancer na ba ako? Tumor? Waaag! Stage 10 na ba? Tarang hospital. Ipa chemo mo na ako! Hindi pa ako pwedeng mamatay, ikakasal pa kami ni Blake at magkaka anak ng dalawang dosena" Ngawa ko. Totoong umiiyak na talaga ako.

"Hays,ang OA mo na nga, ang advance pa masyado niyang utak mo. Halika nga dito. " Sabay akap niya sakin.

Omb! Yung heart beat ko! Shms hala omg omb

"Tomorrow, I'll start giving you your 2 months prize. Smile na." And again got the second time, he smiled so genuinely

At kahit na ayoko siya, napa smile nalang din ako ng napaka lawak

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


At kahit na ayoko siya, napa smile nalang din ako ng napaka lawak.

11:11(ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon