Chapter 12

2K 100 189
                                    

*Your Pov*

Nakarating na rin kami sa Ilocos at manunuluyan kami sa isang condo unit ng kaibigan ni Chaser.

"Enjoy your stay bro" sambit nung kaibigan ni Chaser na may ngiti.

"Thank you bro, mapagkakatiwalan ka talaga" pagpapasalamat ni Chaser sa kaniya.

Nagpasalamat din ako dito bago ito umalis. May appointment pa ako mamaya kasama yung mga anak ni Sandro.

"Sabay na tayong maligo babe" pang-aaya ni Chaser.

Umiling ako sa kaniya "Ayoko, mamaya na lang ako. Mauna ka na" saad ko at tinext si Jane if nakauwi na ba siya.

"Edi wag" tugon ni Chaser at naglakad papunta sa bathroom tyaka ibinalibag ang pinto nito.

Lumingon ako sa bathroom na may nagtatakang tingin. Ano bang problema nung bwiset na yun? Kagabi pa yun ha.

Pagkatapos niyang maligo ay ako naman ang naligo. Di ko siya pinansin pagkalabas niya at dire-diretso lang sa paglakad tyaka ko ding ibinilibag ang pinto.

Mabilis lang akong naligo at nagbihis. Nagsuot lang ako ng jumper dress at sinuklay ang buhok ko. Pagkabukas ko ng pinto ng bathroom ay bumungad sakin si Chaser.

"Babe, I'm sorry" saad niya pero di ko siya pinansin. Diretso akong nagtungo sa kusina para uminom "Babe?"

"Ano ba kasing problema mo?" tanong ko na may kasamang tingin sa kaniya "Kahapon ka pa ganiyan ng ganiyan eh, magdadabog ka kapag di nasunod yang gusto mo"

"Kaya nga, I'm sorry. Sorry na" tugon niya at niyakap ko siya. Marupok kasi ako pagdating sa kaniya eh.

"Sige na, wag ka nang magdadabog ha?" sambit ko at hinalikan siya sa labi.

"Pero bakit ayaw mong gawin natin yun?" tanong niya na kasamang ekspresyon na parang bata.

"Kasi hindi pa ako ready, okay? Di pa ko ready sa mga ganyan" tugon ko at ngumiti "You can respect me naman diba? As your girl" dagdag ko pa.

Tumango siya na parang napipilitan at niyakap din ako pabalik "Gusto mo ba na samahan kita sa pupuntahan mo?" tanong niya.

"Sure, di ba nga po-protektahan mo ko" sagot ko. Tumango lang siya sakin at ngumiti.

Nakaalis na kami ngayon sa condo at nakasakay sa kotse ni Chaser. Papunta na kami sa private hospital kung nasan ang doctor na magtetake ng test samin. Kaibigan siya ni mama at papa at buti nalang nandito siya sa Ilocos.

Nakarating na rin kami doon at naglakad na papasok ng clinic ng doctor.

"Good afternoon Y/n. It's been a long since makita kita" saad niya at bumeso kami sa isa't-isa.

"Good afternoon Dr. Santos, sadly di ko kayo matandaan. Nagka-amnesia po kasi ako" tugon ko at ngumiti.

"Why? Naaksidente ka ba?" tanong niya at umiling ako.

"Nagka-cancer daw po kasi ako sabi ni mama kasabay nun ang pakawala ng memories ko" sagot ko at patango-tango siya.

Napalingon kami sa pinto nang may narinig kaming katok. Bumukas din ang pinto at pumasok sila Sandro at mga namin, I mean niya, anak niya. Ano ka ba Y/n?

"Have a seat sir Sandro" saad ko ni doctora Santos.

"Good afternoon doc." bati ni Sandro kay Doctora.

"Mama" sambit nang dalawang bata at niyakap ako sa beywang.

"Good morning din po Mr. Congressman. Di ko ine-expect na ikaw ang sasama sa mga anak mo, akala ko busy ka" saad ni Doctora tyaka umupo sa swivel chair niya.

Lumingon ako kay Sandro na nakatingin sa mga anak niya "Congressman ka pala?" tanong ko.

"Yes, already 4 years as a congressman" nakangiting tugon sakin ni Sandro.

Ang cute niya talaga ngumiti, he's just wearing a white polo shirt tucked in sa pants niya. Ang simple lang ng damit niya pero it hits different.

"Y/n" bulong na tawag sakin ni Chaser, nagseselos na naman to eh.

"So, we'll start to the procedure and remind you muna na after a week pa natin malalaman ang results ng DNA" pag-eexplain ni doctora.

Nakaupo naman sa tabi ni Sandro ang batang kamukha niya si Ferdinand at nasa tabi ko naman si Nicholas. Hinayaan ko na lang siya na tumabi sakin.

Napatingin ako kay Sandro na nakatingin din sakin. Binigyan niya ng isang matamis pero simpleng ngiti. Naramdaman ko na parang nag-iinit ang mga pisnge ko.

My ghad Sandro, you're just a stranger for me pero bakit ganito?

.
.
.
.
.
.
.
.

PS. Sorry sa wrong grammars.

Hi mga mare, so ayun na nga magsstart na ang 2nd Quarter namin at medyo magiging busy ako sa pagsasagot sa modules ko. Kaya baka tuwing gabi na lang ako makakapag-update. Sana maintindihan niyo, Love you all! ❤

Arranged Marriage 2 (FAAM fanfic)Where stories live. Discover now