Chapter 20

2.3K 110 73
                                    

*Your Pov*

Pagkatapos naming magluto ni Tita ay nagsalo-salo kami sa backyard nila. Nakiligo na rin kasi sila Simon at Jane sa pool.

Oo nga pala rest day nila ngayon kaya nag-eenjoy sila.

"Finally, kumpleto na ang pamilya natin" saad ni Tito Bong at halata ang tuwa sa mukha niya.

"Si Vincent na lang po ang wala" natatawang sambit ni Jane at napatingin kaming lahat kay Vinny.

"Hey, not now. Busy pa ko" he said and chuckled.

Salo-salo kaming kumakain ng tanghalian sa isang mahabang monobloc na lamesa na monobloc din ang upuan.

"How about girlfriend?" pang-asar na tanong ni Tita Liza kay Vinny.

"Hmm... No girlfriend" sagot ni Vinny at sumamba.

"Di ako naniniwala" saad naman ni Tito Bong.

Sinusubuan ko si Ferdinand habang nakaupo siya sa hita ko.

"Kay Y/n at Sandro naman. How's your relationship na?" pangche-change topic ni Vinny kaya lahat sila ay natingin samin.

"I'm still going to tell her more about what we are before" tugon ni Sandro sa kanila.

"O-opo" sang-ayon ko naman sa sinagot ni Sandro.

"Edi, magkatabi kayo matutulog niyan ngayon?" saad naman ni Jane kaya nabaling sakin ang tingin nila. Narinig ko rin ang tawa ni Sandro.

"Of course, di papayag ang mga apo ko na di sila magkatabi matulog, diba?" sambit ni Tito Bong habang nakatingin sa dalawang apo niya.

Pareho silang tumango sa lolo nila at lalo pa kaming inasar ni Sandro. Sa sobrang hiya at kilig, tinago ko na lang ang mukha ko sa likuran ni Ferdinand.

"Mama is being shy" saad ni Ferdinand.

"Papa said, kinikilig daw si mama" dagdag ni Nicholas. Napatingin tuloy ako kay Sandro na napalingon din sakin. Agad kong binaling ang ulo sa kabila.

Puro kwentuhan at tawanan lang kami habang kumakain. Ang saya sa pamilyang to. Ibig sabihin pala masaya kami ni Sandro noon.

Nang dumating na ang hapon ay pinaahon ko na ang mga bata baka kasi magkasipon sila. Ako na rin ang nagpaligo sa kanila at ang kulit nilang dalawa paliguan. Nang matapos ay binihisan ko na sila ng sando at pajama.

Sabay-sabay rin kaming naghapunan habang nagkukwentuhan at inaasar pa rin nila ako kay Sandro. Pero wala na kong magagawa gusto ng mga anak namin na tabi kaming matulog kaya pumayag na lang ako. Dapat lang naman na pagbigyan ko ang mga anak ko, namiss din nila ako eh.

Pagkatapos ng kwentuhan ay pumasok na kami sa kwarto ni Sandro na magiging kwarto ko daw.

"Sige na humiga na kayo" sambit ko na agad namang sinunod ng mga bata pati na si Sandro.

Iginitnan namin ang dalawang bata para na rin mabantayan sila.

"Kailangan ko pa ba magbasa ng libro?" tanong ko sa kanila pero umiling lang silang dalawa.

Tumingin ako kay Sandro na nakatitig sakin. Crush na crush talaga ako nito.

"Makakatulog din sila" sambit niya habang dahan-dahang tinatapik ang hita ni Nicholas na nasa tabi.

Mukhang effective yung pangtapik-tapik niya kaya ginawa ko rin kay Ferdinand kaso medyo napapalakas nga lang ang tapik at palihim naman na tumatawa si Sandro.

"You know what you're still gorgeous. Walang nagbago" saad niya na nagpainit ng pisnge ko. Bakit ba kasi ako kinikilig?

"Yiieee" pang-aasar ni Ferdinand na nagpatawa lalo kay Sandro.

"Shh... Itong bata na to, matulog na" pagbabawal ko sa kaniya pero natawa lang siya at pinikit ang mga mata.

May nagpop up na message sa phone ni Sandro at agad naman niya yong tinignan. Mga ilang minuto pa ang makalipas ay nakatulog na rin ang dalawang bata habang si Sandro naman ay nakafocus lang sa phone niya.

Maya't maya ako tumitingin sa kaniya ng palihim, gusto ko sana siyang kausapin pero nahihiya ako. Di ko alam bakit sobra yung hiya ko sa kaniya.

Pipikit na sana ako nang biglang magsalita si Sandro "Do you want to go out for a moment? Magpahangin ka muna para makatulog ka" saad niya.

Tumingin ako sa dalawang bata bago ako tumango. Dahan-dahan kaming tumayo ni Sandro, baka kasi magising tong dalawang bata.

Naglakad kami palabas ng kwarto ang dilim pala sa bahay kapag sarado ang mga ilaw.

"Are you scared?" tanong niya at hinawakan ang kamay ko.

"H-Hindi noh!" tugon ko at humawak din sa kamay niya. Ano ba yan nagpapawis yung kamay ko.

Naglakad kami palabas sa backyard tyaka kami umupo sa mesa na nasa tabi ng pool.

"Tinatanggal mo ba yan kapag natutulog ka?" tanong ko sa kaniya at tinuro ang earring aids niya.

"Just this left side, why?" sagot niya habang nakatingin sakin.

"Wala, akala ko kasing pareho mong tinatanggal yan. Nagtataka ako kung paano ka magigising sa alarm mo kung wala kang maririnig" tugon ko sa kaniya at napatingin sa pool.

"Sometimes I forgot to take one off kaya masakit minsan ang tenga ko" sambit niya at tumango-tango na lang ako.

"So, how was it being a congressman? Sure ako na hindi ganun kadali yun" pangche-change topic ko.

"Yeah, it's hard especially I always remember and missing you in the past few years but thanks to God. Mas lalo akong gaganahang magtrabaho because you're already here. Ikaw ang pahinga ko kaya" tugon niya at ngumiti ako sa kaniya "Everytime na uuwi o aalis ako ng bahay lagi kong kinakausap yung picture mo. I missed you so so much. We missed you so much even my brothers, my mom and dad. They missed your presence here" dagdag niya pa.

Niyakap niya ko ng mahigpit at halos ayaw na kong pakawalan. Kaya niyakap ko na rin siya ng mahigpit, I feel comfortable sa yakap niya.

"Finally, I can hug you everytime I want, I miss this" saad niya at humiwalay sa yakap.

Dahan-dahan niyang hinawakan ang pisnge ko nang mauugat niyang kamay tyaka niya pinagdikit ang mga noo namin. Kinikilig ako ano ba yan Sandro, wag ganiyan!

"I love you so much. Please stay with me forever" matamis niyang sambit sakin na lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Gusto kong magwala sa sobrang kilig. Parang gusto nang sumabog ng puso ko.

Nakita ko ang pagtingin niya sa labi ko at ramdam ko ang dahan-dahan niyang paglapit sa labi ko. Totoo ba to?! Ikikiss niya ko?!

Napapikit na lamang ako ng maramdaman ko ang labi niya sakin sa labi ko. Nirespondehan ko naman ang dahan-dahan niyang paghalik sa labi ko. Why you're so gentle Sandro?

.
.
.
.
.
.
.
.
.

PS. Sorry sa wrong grammars.

Arranged Marriage 2 (FAAM fanfic)Where stories live. Discover now