*u*
Wahhhhh!!! Ang gara ng kotse niya! Taena! Matagal ko nang gusto 'to ang daya naman 'bat meron siya nito? Nakakainggit! T.T
Lamborghini Aventador na color black lang naman ang kotse niya!
Edi wow! Siya na mayaman!
"Hahahaha!Sam 'bat parang nainlove ka sa kotse ko.Uie wag mo hawakan masyado baka magasgasan. "
Lecheng lalaki 'to! Anong tingin niya sa kamay ko may kaliskis at magagasgasan? Kung hindi lang talaga ako nainlove sa kotse niya malamang sinipa-sipa ko na 'to. Pero ang ganda talaga eh! Hayyyy... Sana naman bigyan ako nila mom at dad ng ganito, ang layo pa pala ng birthday ko.. Hayyyy...
"Grabe Sam baka mamaya nakawin mo 'yan ha. Kung makatingin ka parang ang lakas ng tama mo ah!Haha "
Hininto ko ang paglibot at paghawak sa kotse niya at sinamaan siya ng tingin.
"Hoy lalaki! Anong akala mo sa'kin carnapper? Grabe ka! Buti pa ang kotse mo nakakainlove eh ikaw na may ari... nakakawalang gana! Mamasyal kang mag-isa mo!
Naglakad ako pabalik ng bahay. Eh sa nakakaasar siya eh! bahala siya sa buhay niya.. huhuhu sayang naman 'di ako nakapagpaalam sa kotse niya. Che di bale na nga.
"Galit ka na niyan? Hahaha.. sure ka? Ayaw mong sumama nang makasakay ka sa kotse ko?"
Napatigil ako sa sinabi niya... Sh*t! Dream come true kayang makasakay sa kotse niya! Lecheng lalaki 'to! Hmmmm... aha! Ang talino ko talaga!
Naglakad ako pabalik sa kanya habang siya naka ngisi. Hmmm.. tingnan natin..
"Sabi ko na nga ba hindi ka makakahindi. Hahaha (smirk )"
Tinaasan ko siya ng kilay..
"Sasama ako sa isang kondisyon....
ako ang mag dri-drive. (evil grin )"
Agad nawala ang ngiti niya.. akala mo ha.. hahaha
"HELL NO! Ako ang mag dri-drive baka mamaya ibangga mo pa kotse ko."
As expected tumanggi nga siya..
"Well then, enjoy!"
Maglalakad na sana ako ulit nang ..
"Teka.. okay Sam but just this time."
Lumapad ang ngiti ko.. at tiningnan siya.. HAHAHAHA grabe ang mukha niya parang nalugi. Well that's me... what I want is what I get. Ito ang kabayaran sa pang-aasar mo sa'kin. Bwahahaha!
Inilahad ko ang kamay ko at nagaatubili pa siyang ibigay ang susi after 1234567 years ay ibinigay rin niya.
Wala ka pala eh! Weak! Haha
Sumakay na ako sa kotse...
*u*
Ang astig talaga.. ang gara-gara sa loob!
Whooohhh first time kong mag drive ng ganitong kotse..
kay dad lang kasi yong kotse na dinadrive ko kapag nanghihiram ako minsan.
Hindi mabura-bura ang ngiti sa mukha ko. Pagtingin ko kay DJ...
"HAHAHAHA! Hoy! Anong ginagawa mo?"
kasi naman po parang hindi siya mapakali at sobrang putla niya,kinakabahan ata.. hahaha at dahil sa inasar niya ko kanina.. may plano ako!(evil grin )
"Ha? Wala ah...mag dahan-dahan ka lang ah mamaya maaksidente pa tayo."
Let's see... bwahahaha!
Pinaandar ko na.. at ang loko todo kapit pa sa seatbelt niya.. I have a feeling that I will gonna love this day.