Summer's POV
Hindi ako mapakali kanina pa...
after that incident sa bumper car!
Aish! Ba't ganun? Parang may mali..
"Earth to Sam!"
"AY MALIGNONG PUSA! Deeeejaaaaayyyy! Ba't ka nanggugulat???"
Lecheng lalaki to!
"HAHAHAAHAHA! May ganun ba? Mga pauso mo Sam! So kumustang space exploration mo?Hahaha!"
Ay bwesit! Hilig man trip nitong lalaking to! Tsss..
"Umayos ka nga! Tatamaan ka talaga sakin makikita mo!" with matching pakita ng kamao ko.
"Amazona alert! Amazona alert! Hahahaha! Halika na nga gutom na ko."
Sasagot pa sana ako pero hinila na niya ako sa kung saan..
Oo nga pala.. gutom na rin ako.. past 6 pm na kasi at kanina pa kami gumagala at sumasakay ng ibat ibang rides..
Ewan ko lang pero parang na awkward ako bigla kanina.. parang palaging lutang ang utak ko? Lumilipad ang isip.. hindi ko nga namalayan na marami rami na pala kaming nasakyan at hindi ko rin namalayan kung kumain ba ako ng lunch at snack kanina..
Ayyy ewannn! Baka after effect to ng pagka alog ko kanina sa bumper car! Bumper car nanaman? Hay baliw na talaga ako!
"Sam! Samm! SUNOG! SUNOG!"
Nabigla ako ng sumigaw sa tainga ko si DJ.
SUNOG?
"TUMAWAG KA NG BUMBERO!" sigaw ko pabalik sa kanya at nagpalinga linga ako kung nasaan ang sunog pero wala naman akong nakikitang nag liliyab.. ayyy meron pala nagliliyab ang mga mata ng mga taong nakatingin sakin dito sa.. restaurant? Huh? Paano ako narating dito?
"HAHAHAHAHAHAHAHAHHA! HANEP!Kung nakita mo lang ang hitsura mo ngayon Sam! LAUGHTRIP! HAHAHAHAHA! "
Taena! Nakakahiya! Naisahan na naman ako ng gagong to! Lupa bumuka ka please! Lamunin mo ako!