A/N: Dahil may nag request na mag update na daw ako.. kaya ito. Btw, hindi pa ako nakakapunta sa enchanted kingdom kaya nahirapan akong magsulat. Kung walang mga rides na ganito sa EK pagpsensyahan niyo na. Just imagine na meron. Keep on supporting. Sa nag request heto oh.. Nahiya ako sa'yo binasa mo pala. XD
——————
SUMMER'S POV
Pumasok kami sa EK.
"Ang ganda."
Tiningnan ko si Dj. Manghang-mangha ang loko. First time kasi makapunta dito.
Aww.. Kawawa naman siya. He missed half of his life.
-ting-
Wow ang brilliant ko talaga! Alam ko na kung paano makakabawi sa kanya..
Sasakyan namin ang lahat ng rides dito.. ay hindi pala lahat.. lahat except sa roller coaster,ferris wheel at space shuttle. Bakit? Simple lang may fear of heights ako. Pero syempre hindi ko 'yon ipapahalata sa lokong to baka pagtawanan ako.
Tiningnan ko siya..
Kumikislap ang mata niya habang tinitingnan ang buong paligid at nakanganga pa. Hay naku.. Baby sitter ata papel ko dito. May isip bata akong kasama. *facepalm*
"So ano? Tutunganga nalang tayo dito buong maghapon?" tanong ko sa kanya. At ang loko parang wala talagang narinig.
"Tsss..halika na nga." hinila ko siya.. Ang bigat-bigat pa niya parang wala sa sarili. Baliw na siguro 'to. Hay..
Bumili kami ng ticket yung package na Ride all you can. (A/N: may ganun ba don? Kung wala imbento ko lang 'yan imbes na eat all you can ginawa kong ganyan. Talino ko talaga! Hahaha lol)
Ako ang magbabayad nitong ticket para naman makabawi ako sa atraso ko sa kanya. Buti at tulala pa ang loko siguradong tatanggi to kung hindi eh. Iaabot ko na sana ang bayad nang..
"Here miss." siya ang nagbayad.
Tiningnan ko siya. Bumalik na ata mula sa dreamworld niya. Hay epic naman oh. Ba't ba kasi ma pride ang mga lalaki? Kabawasan ba sa pagkalalaki nila kung ang babae ang magbabayad? Aishh. Kainis! Gusto ko lang naman bumawi eh.
Okay Sum. Marami ka pang oras para bumawi.
Keep calm and operation bawi tayo ngayon. Ewan pero naguilty kasi talaga ako kanina.. at naaawa rin ako kay Dj kasi ngayon palang siya nakapunta dito. Kaya kahit labag sa kalooban ko susubukan ko, susubukan kong magpakabait sa kanya para mag enjoy naman siya. First time niya eh, eh 'di pagbigyan.