4

7 11 0
                                    

Bryan's POV

"i love you too," huling sabi ko bago tuluyan nawalan ng malay, 

nagising nalang ako ng nasa hospital wala nadin sa tabi ko si clea, pilit siyang hinahanap na mata ko pero hindi ko na siya makita, sa sakit at dami ng dugo lumalabas hindi kuna alam kung sino iintindihin ko 

"clea nasaan kaba?"


"ma, nasaan si-" sabi ko ng bigla putulin ni mama sasabihin ko


"critical ang lagay niya ngayon sa icu nung mga na unang araw ay maayos naman ang lagay niya pero nagkaroon ng problema bigla nalang siyang  nagsusuka ng dugo at napapadalas pagkakawalan ng malay kung minsan ay bigla bigla nalang din siya natutumba kahit na ganon ay pilit padin siyang nagpupumilit na  magpupunta dito para lang kamustahin at tignan ka, halos maawa at maiyak na nga ako sakaniya lalo na sa mga ginagawa niya, kung minsan ay tumatakas pa siya ng kuwarto niya magugulat nalang ako at nasa tabi muna siya pero ngayon ay parang kung anong nangyari at bigla nalang din lumabo ang tiyansang makaligtas pa siya, "


natigilan nalang ako ng sabihin ni mama yun, hindi kuna alam kung anong uunahin ko kung hindi ko na sana siya itinakas hindi nadin sana kami aabot sa ganito kasalanan ko lahat sa kadahilanang gusto ko siyang makasama masyado ako naging makasarili sa mga oras na yun hindi ko man, inintindi ang lagay niya


"nagbabalak pa ang tatay niya na sampahan ka ng kaso pero buti nalang at iniligtas ka niya, halos humalindusay at magkaawa siya sa harap ng tatay niya hindi lamang matuloy ang kaso"

"at bago ko pala makalimutan ay may iniwan sulat si clea, sabi niya ay iabot ko daw sayo kagising mo gusto pa niya ay siya ang mismo mag abot sayo nito pero parang wala na yata tiyansang magawa niya yun"


iniabot naman saakin ni mami ang sulat, halos humalusgos ako sa kakaiyak ng mabasa ko ito kung alam ko lang hindi na sana....


"mahal na kita na mahal kita,"


***

"wala na siya?" umiiyak na sabi ko

umiling lang si mama saakin atsaka ako niyakap, halos hindi na ako makahinga sa kakaiyak hindi ko nadin alam ang gagawin ko hindi ko man lang siya nagawang puntahan sa kadahilanang ayaw ako papasukin sa loob ng magulang niya, wala ako nagawa kung hindi umiyak at sisihin ang sarili ko sa mga nangyayari halos nagkasabay sabay nadin ang mga problema ko pero ano pa nga ba naman ang magagawa ko, kahit anong iyak ko ay hindi ko nadin siya makikita...


"hanggang sa muli natin pagkikita, ce-"


"clea, palabasin nyo nga si clea! clea!" sigaw ko habang nasa tapat nang gate nila dahil sa tama ng alak akin ay hindi kuna alam mga pinaggagawa ko, pilit ako nagbabakasali na lalabas siya sa pinto nila pero halos umabot na alas dose ay wala padin akong nakikita clea sa harap ko


"parang awa nyo naman ohh, clea!" pagpupumilit ko sa kasisigaw hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nakikita, siya nalang nga ang makakapitan ko sa mga oras na 'to ay iniwan pa niya ako magisa


ilang sandali lang din ay may lumapit na dalawang guard sa harap ko, pilit nila ako pinapaalis pero pilit din ako sa kasisigaw sa pangalan ni clea hindi ko man sila halos pinapansin pero ng sapilitan nila ako hawakan ay agad naman ako pumiglas atsaka sila itinaboy bumalik ulit ako sa pagkakahawak sa gate at patuloy padin sa kasisigaw halos mapaos na ako pero wala na ako pakialam kung ganon tanging gusto ko lang naman ay makausap at mayakap si clea


mukhang hindi nadin makapagpigil ang dalawa at tuluyan nanila ako, pinaghahampas at pinagsusuntok mapaalis lang ako pero sa tigas ng ulo ko ay pilit padin ako sa kahahawak palakas nadin ng palakas ang paghahampas niya saakin hanggang sa tuluyan ako bumagsak sa sahig at napahiga babagon pa sana ako ng bigla ako hawakan ng isa habang ang isa naman ay pinaghahampas at pinagsusuntok ako sa mukha, sa dami nang iniitindi ko sakit ay hindi kuna alam ang aalahanin ko


"s-sige tuluyan nyo na po a-ako,"umiiyak na sabi ko atsaka sila nginitian 


babaralin na sana ng isa ng may sumigaw sa kabilang banda, agad naman tumakbo ang dalawa habang ako naman ay tuluyan nakahiga sa sahig


"clea?"


"si ella 'to tsaka justine" pagpapakilala nito


"bakit kaba kasi nandito?!" sabi ni ella na galit na galit na saakin


"hinihintay ko lang lumabas si clea, aalis kasi kami ngayon magddate kami sabi niya saakin"


"wala na si clea, bryan wala na siya kaya parang awa muna tumigil kana tignan mo nga naman nangyayari sayo satingin mo kung makikita ka ni clea na ganito ang mukha mo ngayon satingin mo ba matutuwa siya?" sabi ni ella


umiiling lang ako, akala ko ay hindi na ako maiiyak pero pilit nalang bumabagsak ang luha ko halos hindi ko nadin ito ma control  sa sakit, nagpumilit padin ako sa kasisigaw 


"stop! i said stop!" sigaw ni ella saakin habang pilit ako nagsusumigaw sa gate


sa hindi malamang dahilan ay bigla nalang ako kumalma, natahimik pa kami ng ilang segundo bago nila ako napilitan umuwi


"babalik ako ahh, magkikita pa tayo"



***


tatlong taon nang mawala siya saakin pero halos parehas na parehas padin ang sakit na nararamdaman ko, hindi padin ako makapaniwalang iniwan niya ako mag-isa


"halos hindi ko alam ang mga gagawin ko noon, ikaw lang hinahanap ko pero sadyang pinagkait ka saakin kung sino nga naman ang malapit at mahal ko ay siya pa ang unang kinuha saakin, sa mga oras na kailangan ko ng tulong ay wala akong makapitan ni isa tanging ikaw lang din kasi ang nakakaintindi saakin, ngayon ay tuluyan na akong  magisa pero nagpapasalamat nadin dahil nagawa kong lagpasan lahat ng yung kung alam ko lang din na yun na pala ang huli natin pagkikita ay hindi na sana kita pinakawalan pa" sabi habang natitig sa langit 


"Days will pass and turn into years but I will always remember you with silent tears,  



                                                    TILL WE MEET AGAIN LOVE"



We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon