Once a believer before you broke me down

94 3 0
                                    

Isa ka ba sa mga taong dati ay naniniwala sa forever? or should I say, isa ka ba sa taong nagmahal ng sobra pero nasaktan at naiwan din sa huli?

Hindi ba't sobrang gago ng mga tao ngayon para magpaasa pa at manakit ng ibang tao. Ang hirap na kasi magtiwala sa mga taong nagsasabing mahal ka na nila at hindi ka nila iiwan kasi alam mo na dadating din yung panahong ikaw nalang yung makakaalala sa mga pinangako nila.

Sino bang hindi magmamahal ng sobra kung alam mong sinabi nyang seryoso sya sayo...... sa una lang pala.

Ibibigay mo yung buong puso mo para sa kanya, kasi ano? Kasi sinabi nya na seryoso sya at hinding hindi ka na nya papakawalan.
Eto naman si ikaw, naniwala. Nabiktima ka ng mga salita. 

Kung kelan binigay mo na yung buong puso mo sa kanya, dun naman siya bigla mawawala. Diba ang STUPID? 
Sabhin nating hindi sya mawawala, pero unti unting lumalamig yung pakikitungo nya sayo di katulad nung una. Alam mo ba kung bakit nagiging ganun sya? Kasi alam niyang mahal mo sya at alam niyang kahit saktan ka nya, mapapatawad at mapapatawad mo sya, kasi nga mahal mo siya. 

Ganyan naman talaga ang mga babae, sa sobrang lalim ng feelings para sa isang lalaki, hindi na nila namamalayan na nagpapatanga na pala sila.
Hindi naman din lagi nasa lalaki ang problema. Hello! Marami ding manlolokong babae. Pero nang dahil sa lalaki ang mas malakas, I mean kadalasan kasi lalaki ang nangloloko, sila tuloy lumalabas na masama. Kasi naman tong si babae, siya na nga yung nangloko, siya pa yung iiyak sa harap ng mga kaibigan nya at sasabihin, "Si ganto kasi, ganyan."
EDI WOW! Congrats, ang galing mo umarte. Ikaw na yung masama, sila pa yung mukhang nagkasala. 

Ang babae at lalaki, parehas lang yan. Depende nalang talaga kung sino ung manloloko. Pero tandaan, hindi sa lahat ng relasyon may nanloloko. Sabihin nating pili lang. YUng yung mga taong hindi marunong makuntento sa meron sila. 
Yung tipong makakita lang ng gwapo/maganda sa tabi, e tatalikuran ka na kasi hinahabol nya na ng tingin yung taong yun. Wag ganun! 

Syempre kapag nasaktan ka, sasabihin mo, "pare-parehas naman yan silang mga lalaki. Sasabihin mahal ka na nila tapos bigla ka nalang iiwan."
Ay punyeta! Ang kulit ng utak mo ah. Wag ka mandamay ng iba sa bagay na ginawa ng isang tao. 

Ngayong nasaktan ka na, gusto mo ulit maniwala sa mga sinasabi nang isang taong may gusto sayo pero hindi mo na magawa, kasi nga,,,
OK lang magtry ka ulit. Walang masama sa pagtatake risk. Malay mo naman diba, andyan na pala yung opportunity, hinihintay nalang ni Lord na ikaw mismo yung mag'grab nun. 

You were once a believer diba? Lahat ng sugat naghihilom. Kung sa tingin mo kaya kang tulungan ng isang tao para mas mapabilis yung pagHeal ng sugat mo, why don't you try diba?
Walang masama magtry, masama lang manakit. :)

Where do Broken Hearts Go? (Love tips)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon