chapter fourteen: the tutors ii

7.9K 382 32
                                    

[ Scarlet's POV ]

          Nagtataka ang tatlo habang nakasunod sa akin at hindi parin makuha ang aking sinabi, puwera kay Kaiser na tahimik lang at walang emosyong naglalakad sa tabi ko habang nakakapit sa aking kamay.

          Nagtungo kami sa harden kung saan dinala ni Delfin ang mga magiging guro nang bata sa iba't ibang larangan.

          Sa gitna nang malaking harden nang mansyon kung saan mayroong lamesa, mayroong limang nilalang ang naka-upo habang humihigop ng tsaa.

          Nang makita kami nang mga ito ay agad itong nagsitayuan at nagsiyukuan upang ipakita ang kanilang paggalang sa duke nang kaharian.

          "Greetings to you, your grace, the duke of the south!" sabay-sabay na bati nang mga ito na tinanguan ko lamang.

          "I am very much flattered, that you, accepted my humble invitation to be my children's tutors." pagpapasalamat ko sa kanila at ngumiti.

          "How could we decline it, your grace? And it's an honor to be able to, teach the Great Duke Schurke's children!" exaggerated na sagot nang lalaking may malaking tiyan at pervert na mukha.

           Sinuri ko nang tingin ang limang gurong nakatayo ngayon sa aking harapan. Napangiti ako nang makita ko ang kinakabahang mukha ni Crane at hindi makatingin sa akin. Ang kaniyang katabi naman ay isang matanda—.

            Mabilis akong napatingin kay Delfin na nasa aking tabi at katulad nang matandang lalaking katabi ni Crane, ay seryoso rin ang ipinapakitang ekspresyon ni Delfin. At nang tumingin ito sa akin at binigyan ako nang bahagyang tango, nasisiguro ko nang, ang matandang katabi ni Crane na nakasuot nang pang-butler na outfit katulad nang kay Delfin, ay kakambal niya.

           "Ikinagagalak kong makita kang muli, Gallen. Ngunit hindi kita binigyan nang imbitasyon na maging guro nang aking mga anak." mahinahong usal ko sa kaniya sapagkat talaga namang nagtataka ako kung bakit nandito ang isang to. Ang pagkaka-alam ko ay nasa east side siya nang emperyo naninirahan at hindi kailanman nagkaroon nang senaryong ganito! Hindi nakita ni Scarlet ang kakambal ni Delfin at hindi rin ito nagpakita sa libro!!

            "Forgive me, your grace. I was informed by Delfin that you need a butler for your children. I was suppose to arrive last day, but due to certain circumstances, I was late." he answered and I nodded. Hindi ko na pinansin si Gallen at tumingin ako sa kaniyang tabi, kung saan nakatayo ang isang babaeng naglalabas nang malakas na enerhiya at matuwid na nakatayo, nakasout nang kulay ube na bistida at nakatabon sa bibig ang kulay ube rin na pamaypay.

              "Thank you, Countess Clarissa. I'm happy to have you here." bati ko sa kaniya, at binigyan niya naman ako nang isang malamig na tingin.

              "I'm not happy at all, Scarlet. I'm only here to see if you do change, and that my nephew's won't like you! Hmph!" malditang sagot nito sa akin at hindi na ako tiningnan. Countess Clarissa Masseni, nakababatang kapatid ng ina ni Scarlet. At ang natatanging babae na may ganang malditahan ako— isang kagalang-galang na Duke!

              Hindi ko na rin siya pinansin at inilipat ang tingin sa katabi nito. Isang babaeng nasa katanghalian nang kaniyang kabataan, nakasout nang isang kulay kayumangging bistida at katulad ni Crane, ay mayroon itong kinakabahang mukha at hindi makatingin sa akin.

              "Thank you for accepting my invitation, Lady Amethyst." nakangiting linataya ko sa kaniya na dahilan nang pagkabigla nito at agad na yumuko at sumigaw.

              "THE PLEASURES ALL MINE, YOUR GARCE! THANK YOU!" kinakabahang sigaw nito habang naka-yuko. Bahagya akong napatawa dahil sa kaniyang inasta.

               "You don't need to be tensed, relax Young Lady." nakangiting lintaya ko sa kaniya na tinanguan naman niya at kinakabahan pa rin na nakatayo.

                "And I am deeply honor, to have you, Young Master Filen. Welcome." binigyan ko ito nang ngiti ngunit hindi nagbago ang kaniyang ekspresyon, katulad ni Kaiser, ay malamig ito, at tumango sa akin.

               "Let me then introduce you, to my children. Kids? Introduce yourselves." lintaya ko ang at agad namang tumayo nang tuwid ang apat at isa-isang nagpakilala.

           "I am Latte Giovanni Schurke, the first born." seryosong pakilala ni Latte.

           "I-I am Lineal Anthonni Schurke, t-the second born." kinakabahang pakilala ni Lineal.

           "I am the third born, Regieren Bertenni Schurke!" hyper na pakilala ni Reg at tinaas pa ang kaniyang espadang kahoy na parang susulong sa gyera.

           "Kaiser Cleoranni Schurke." malamig na pakilala ni Kaiser sa lahat.

            "Magandang Tanghali sa inyu. Ikinagagalak namin kayong makilala! Nawa'y maturuan niyo po kami!" sabay-sabay na bati nang apat sa kanilang magiging guro at hindi katulad noong isang araw, hindi na nagbabalak  na yumuko ang apat sa kanila.

            "It's an honor to meet you, young master Schurke!" sabay ding bati nang mga tutors sa kanila at yumuko.

            "Excluding Gallen, the tutors aren't yet complete, but I am very thankful to have you in our humble abode. We already prepared each and everyone's room. You can all rest today, and start tomorrow. Delfin will give you the kids schedule. Shela? Lead the guest to thier rooms." masayang usal ko't tumango naman si Shela. Nagsiyukuan ang lima bago nagpaalam at sumunod kay Shiela.

            "You grace, the Emperor called for your presence in the palace. Right now." napakunot ang aking noo sa biglaang ini-usal ni Delfin at kinuha ang kulay pulang sobre na nasa kaniyang kamay na mayroong sagisag nang emperyo.

             Nanlaki ang aking mga mata nang mabasa ko ang nakasulat at agad na nagpaalam sa mga bata at nagtungo sa labas upang sumakay sa karwaheng hinanda ni Delfin at nagtungo sa palasyo.

           'Putek naman oh! Ngayon ba talaga mangyayari iyon?'

         Ang imbitasyong iyon ay patungkol gaganaping Annual Hunt nang kaharian kung saan taon-taon ay bubuksan ang enchanted Forest upang doon papatay nang mga hayop Ang kalahok at i-aalay ang kanilang napatay sa kanilang babaeng iniibig. At ang may pinakamaraming napatay ay bibigyan nang isang gantimpala.

          At nagtipon-tipon ang lahat nang mga opisyales at mga matataas na pamilya sa palasyo upang pag-usapan at pag-planohan ang magiging gantimpala sa mananalo.

         And the worst thing of this is the fact that, the father of the quantroplets, and one of the reason why Scarlet died, will appear and Scarlet will cause chaos in the very day of the event!

           'Putakte! Ako yung nahihiya sa'you Scarlet eh!'

           "Kahiy hindi pa nangyayari yun ngayon, ngunit iniisip ko pa lamang yung pangyayari sa libro ay kinikilabotan na ako! Gosh!" usal ko sa kawalan at tinabon ang kamay sa aking mukha.

           "Your grace, we have arrived." napatingin ako sa labas at nakita ang malaki at magarang palasyo nang Wintervelt. Lumabas na ako nang karwahe at dahan-dahang naglakad papunta sa loob.

             Isang royal guard ang nangunguna at magdadala sa akin sa kwarto kung saan kami magpupulong kasama ang Emperador.

           Sa gitna nang aking paglalakad, ay hindi ko sinasadyang mabangga ang isang batang tumatakbo sa kung saan. Napa-upo ito sa malamig na sahig at dumaing sa sakit kung kaya't dali-dali akong tumakbo papunta sa kaniya at umupo upang magkapantay kami.

           "Are you okay?"

A/N:

     hello Akumatians ko. Just wanted to thank everyone of you, for supporting this story of mine. Thank you for all of the votes, comments, and for following me, and I hope it won't stop hehheeh. Nandito din ako, to tell you in advance, na baka suuuuuuuuuuuuuuuuuper matagal pa bago ako maka-ud, because, try kong nag focus sa school kasi alams nyo na, graduating na si Tamad nyoooooo. And manefesting good grades this quarter!

     Always wear masks Everytime you go out, and don't forget to pray everyday. I Love you guys, ingat kayo palagi.

happy reading.

The Villainess' ResolveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon