ep: 01

1.2K 54 46
                                    

     To @unforgiven_mess for making these awesome character cards! Check out the multimedia portion, to know more about Van Dela Rosa.

💖💖💖

     Hindi ko makalimutan ang nangyari sa amin ni Pau kahapon, I'll be lying if I told you na hindi ko ginusto ang pangyayari. Tbh I really want to be his s-ex partner! I don't know why pero gusto kong may gawin kalokohan sa college life ko. Whenever you hear the name Van Dela Rosa , lagi nalang kadikit ng pangalan ko ang term na "good girl".

        At I'm sick of it !  Nagkita kami ni Pau at hindi ko mapigilan ang ngiti ko kasi he'll see me more as his best friend. 

        "Hi Pau." 

        "Van parang ang sayo mo ngayon ah."

        "May dapat ba ikalungkot?" 

        "May nangyari ba kahapon?"

        Medyo nasaktan ako sa huli niyang sinabi tila walang nangyari sa amin. He took my first kiss ! Actually ako pala ang first move pero seriously kami yun first kiss ng isa't isa at parang bale-wala nalang ba to sa kanya?

        Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko bigla nalang akong nalulungkot. Nagback out ba sa plano si Pau? Pero gusto ko talaga! Does it make me sound desperate?

        "Wala naman. Ano pasok na ako sa first class ko." pagpapaalam ko sa kanya at umalis na bago pa siya makaimik.

        Buong maghapon lutang ang akin utak sa pag-iisip na parang bakit wala man kahit kunting  interest si Pau sa nangyari sa amin. Like first kiss yun! Diba isa yun sa mga importanteng pangyayari sa buhay ng isang tao pero bakit parang ako lang yun naexcite sa nangyari sa amin. 

        Ang tagal ng professor namin sa humborg, nakakabagot naman maghintay ! Dapat ang ginagawa ay magpre-cut na subalit hindi kami maka-alis kasi yun student assistant pumunta sa room namin at sinabihan na malalate yun professor namin.

        Wala akong masyadong kaibigan, nahihiya kasi ako lumapit at hindi ako masyado maingay na tao. Lahat sila may kausap ako lang siguro yun wala. How pathetic of me! Si Pau nga lang siguro yun kaibigan ko sa buong university tapos magkaiba pa kaming program.

        "Grabe ang galing talaga humalik ng boyfriend ko." napalingon nalang ako kung saan ko narinig yun. Eh di sa katabi ko! Nagulantang nalang ako sa topic nila, tungkol sa kiss.

        Hindi naman ako chismosa pero kasalanan ng seatmate ko ang lakas kasi ng boses parang taga-bundok ang peg. "Hahaha. Aral muna bago landi Meg." sabi ng katabi niya at parehas silang tumawa.

        "Hi." nagulat nalang ako ng biglang may bumati sa akin.

        "Ako ba?" yan yun unang lumabas na tanong sa bibig ko at sabay silang napatawa. Nahiya tuloy ako sa kapalpakan na ginawa ko. Lupa lamunin mo na ako.

        "Yes, you. Nakikinig ka sa amin usapan, gusto mo ba sumali?" tanong ng babaeng bumati sa akin. Hindi ako makaimik feeling ko nag-init yun buo kong katawan.

        "Hi I'm Steph!" bati niya.

        "Meg." pakilala ng isang may malakas na boses.

        "Dito ka sa gitna namin at tayo mag-usap." pag-aalok ni Steph. Nag-nod ako, nagpalit kami ng upuan ni Meg.

        "Anong pangalan mo?" tanong nila.

        "Van." sagot ko.        

        "Ang cute mo naman." sabi ni Meg at sabay pinch ng cheeks ko.

P & VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon