ep: 03

622 37 40
                                    


💖💖💖

Hindi ako makatulog dahil sa kakaisip about sa amin dalawa ni Pau, at dahil rin doon ay hindi ako makapag-aral ng maayos at lutang ang akin isip. May special quiz kami mamaya sa Algebra at hirap na hirap ako! Ito na sana yun chance ko para mapahila pataas ang grades ko pero parang tuluyan na talaga ako macicinco.

Hindi naman talaga ako bobo, hindi ko lang talaga forté ang math! Nagtyaga ako mag-aral sa library, may isang oras pang natitira bago mag-algebra pero kahit isa walang pumapasok sa utak ko.

"Hi." napatingala nalang ako ng may narinig akong magsalita.

Napataas naman ako ng kilay at tila nakita ko na siya subalit hindi matandaan kung saan. Matangkad, maputi , matangos ang ilong, tapos ang nipis nga kanyang mga labi. Bigla nalang siya nagsmirk! Aba mayabang.

Napatitig naman ako tuloy sa mata niya at light brown ang kulay. "Huwag mo ako masyado titigan, baka matunaw ako." pabiro nitong sabi at nilabas ang kanyang mapuputi at pantay pantay na ngipin.

"Alam kong gwapo ako, pero huwag ka mag-assumme na linapitan kita kasi may gusto ako sayo. Makikishare lang ako ng upuan." maangas nitong sabi sabay hagod ng buhok.

"Ang yabang mo rin no. I was just staring at you kasi parang namumukhaan kita." sagot ko at muling bumalik na sa pag-aaral at pilit hindi pansinin ang presensya niya. Bad trip! Ang angas naman niya. Gwapo siya pero hindi ibig sabihin may karapatan na siya maging mayabang.

Naramdaman kong tumabi siya sa upuan ko. Napalingon naman ako sa kanya, at kung umupo parang nasa bahay lang nila. Ba't sobrang angas niya? Yaan mo na Van, huwag mo na intindihan yan walangkwenta naman siya mas importante yun iyong grades sa College Algebra.

Pilit kong mag-aral pero walang nagsisink in sa utak ko, tiningnan ko ang oras at 15 minutes nalang at malapit na mag algebra. Napahawak nalang parehas ng kamay ko sa ulo ko. Baka maupset ko si Daddy pagbumagsak ako.

"Okay ka lang?" imik ng katabi ko. Inisnab ko nalang siya at tinitigan muli yun akin notes at libro.

Bigla nalang may nagsarado ng notes ko. Yun mahangin na lalaking katabi ko, ayst panira talaga to! "Tss. Huwag ka nga snab." sabi niya.

Tinapik ko yun kamay niya para iipod niya yun kamay niya, ay nakapatong sa notes ko eh. Tss! Di niya inibo ang kamay niya at pilit nagmatigas. Tumayo nalang ako at pinasok ko agad sa bag ko ang lahat ng gamit na makita ko.

Bwisit. I don't want to make a scene and besides silence is the best answer to a fool. Nagmadali akong lumabas ng library. Ano ba siya! Hindi niya ba nagets yun hint na ayaw ko siya makausap at nag-aaral ako. Respeto naman.

Tiningnan ko muli yun oras at malapit na mag time. Ayst wala akong naintindihan! Ba't kasi slow ako sa math. Naglakad na ako papunta kung saan yun next class ko. Pagpasok ko medyo marami na yun mga tao.

Nakita kong kinawayan ako ni Meg, sinesenyasan akong lapitan sila. "Dito ka na umupo Van."

Nginitian ko naman silang dalawa. "Alam mo napansin kong napaka-loner mo." nagulat ako sa sinabi ni Meg pero hindi ako naoffend. Straight forward much talaga siya.

"Hasyt. Meg, becareful naman sa sinasabi mo." saway ni Steph.

"What Meg meant to say was, if wala kang kasama you can join us." dagdag ni Steph sabay ngiti.

"Thank you." sagot ko sa kanila.

"So nakapag-aral na ba kayo sa Algebra?" tanong ko sa kanila.

"Hahaha. No need." pagmamayabang ni Meg.

P & VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon