ep: 02

666 40 21
                                    

To my very supportive friend, @apesaustria.

💖💖💖

Bumibilis ang tibok ng puso ko habang kasama ko maglakad papasok ng subdivision si Pau. Ako lang ba yun na-awkwardan sa nangyari? Ako lang ba yun nag-enjoy? Ako lang ba yun maypake-alam na ginawa namin? Ang dami kong tanong subalit limitado lang ang sagot.

"Medyo tahimik ka ata ngayon Van."

"Lagi naman ako tahimik eh."

"If ayaw mo sa ginagawa natin yun can tell me."

"Papayag ba ako pag hindi ko gusto?"

"I'm not used at seeing your wild side, good girl." sabi ni Pau sabay kindat. I really hate it when he calls me a good girl.

"Pau naman eh! Stop treating me like a baby." utos ko sa kanya at pininch niya yun cheeks ko.

"Ang cute mo lang kasi." he complimented me, and I was left speechless. Napahawak nalang ako sa pisngi kung saan niya ako kinurit.

"Van, stop thinking of me." natatawa na pang-aasar nitong sabi. Hindi ko nalang siya inimikan at nagpatuloy nalang kami sa paglalakad.

Ang bagal naman niya maglakad ! Si Pau ba talaga to? Kasi sa pagkaka-alam ko ay ayaw niya sa mga mababagal. He always teases me with the name "slowpoke" whenever pabagal bagal ako. 

I want to run and get home quickly pero alangan naman iwan ko sa ere si Pau.

"Masarap ba ako humalik?" out of the blue na tanong ni Pau. Nagdadalawang isip ako kung paano ko ito sasagutin.

"Be honest Van." dugtong nito.

"I really don't know. Ikaw kasi yun first ko kaya wala akong pwede icompare." sagot ko.

"Ah." tipid na sabi ni Pau.

Tumahimik na yun paligid at aaminin ko talaga ang awkward na!

"Van can you do me another favor?" Pau broke the silence, napataas nalang ako ng kilay.

"What favor?" tanong ko at huminto kami sa paglalakad.

Napakamot nalang siya sa batok niya. "Nakakahiya, alam kong hindi ka papayag." 

"Sabihin mo na." I encouraged him to speak, gusto ko rin malaman kung anong hihilingin ni Pau. Will he ask me to be his girl friend? Napaka-assummera mo talaga Van!

"Nevermind nalang." sagot ni Pau. Hay nako! Pinabayaan ko nalang siya sa kanyang gusto. Hindi ko na siya kinulit. Nagpatuloy na muli kami sa paglalakad hanggang sa nakarating kami sa bahay ko.

"Anong oras na Pau?" tanong ko sa kanya. Tiningnan niya ang relo niya.

"7." tipid nitong sagot.

"Bakit?" tanong ni Pau pero hindi ko siya inimikan. Lagot ako kay Daddy! Ito na yun magiging pangalawang beses kung saan ay lagpas 6:00 pm ay hindi ako nakarating sa bahay. The first time was our group project at hindi ko makakalimutan yun walang katapusan sermon ni Daddy. Over protective siya sa akin! Naiintindihan ko naman lalo na't ako nalang ang natitira niyang pamilya kasi iniwan kami ni Mommy.

Bigla nalang bumukas ang pinto namin. "Van." bigkas ni Daddy sa pangalan ko, I looked down the floor para huwag ako magkaroon ng eye contact sa kanya.

Nanginginig ang akin mga tuhod, ayaw kong mapagalitan ni Daddy.

"Tito, sorry po at ginabi si Van dahil sa akin." napatingala naman ako noon nagsalita si Pau.

"Pau ikaw ba yan?" tanong ni Daddy at sumagot sa pagitan ng pagngiti si Pau.

P & VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon