****TWO HALVES MAKE UP A WHOLE****
ஜ۩۞۩ஜ¨˜°ºº°˜¨ஜ۩۞۩ஜ™
**PROLOGUE**
“hoy. . . . . . . sumabay ka na sa akin pagpasok!” sigaw na sabi ni Terrence sa akin
“hindi wag na, magcocomute na lang ako, salamat”
“bakit kasi umaarte ka pa? ha? Pag ako napagalitran na naman ni mommy ng dahil sayo, humanda ka talaga sa akin. Idadamay mo pa ako sa kaartehan mo!!”
Napayuko na lang ako. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Eh lagi naman syang ganyan sa akin. Ako lagi ang mali at sya ang laging tama.
“jan ka na nga wala ka talagang kwentang kausap!! Bobo na nga saksakan pa ng arte” sya
Oo alam ko naman yun, kasi araw-araw mo naming sinasabi yan sa akin. L siguro nung nagpaulan si lord ng talino, tulog ako! Hindi man lang ako naambunan L
“anak may problema ba? Bakit ka umiiyak? Nag-away na naman ba kayo ni Terrence?” si nay ising yan, yaya ni Terrence
“wala po to nay parang hindi naman po kayo sanay. Sige po nay papasok na po ako. Ingat po kayo. Wag po kayong papapagod ha. Geh po babye” tapos humalik ako sa pisngi nga
Pagkalabas ko ng pinto, huminga ako ng malalim. “Huuuuu kakayanin ko ang lahat ng ito kasi mahal kita” bulong ko sa sarili ko sabay lumabas na ng gate