Nagtataka si Mr. Weng. Bakit nandito pa ang dalawa?
"Kayong dalawa" durog niya at turo niya pa sa dalawang babae. "Bakit hindi pa kayo umalis?"
"Lo" Pinakalma ni Dr. Weng ang Kanyang Lolo.
"Isa Ka pa"
Ayan tuloy pati Dr. Weng ay pinag-initan din. Nadamay Lang ito.
Sinensiyaan ni Dr. Weng ang dalawa na umalis na. Agad naman nila nabasa ang hiwatig nito Kaya umalis na ang dalawang babae sa Conference Room.
"Lo, Ang highblood niyo" kunwaring biniro niya ito.
"Paano ako mahighblood eh, Yung kapatid mo naman ang dahilan"
"Lo, Sabi ko sa inyo na wag mo seryusuhin ito"
"Ah ganun"
"Lo, hindi naman sa ganun. Ang Sabi ko wag niyo seryusuhin si Bunso. Alam Naman yata niya iyon"
"Richo, alam mo nang dahil sa mission na iyan namatay ang papa mo"
"Oo alam ko po pero iba ang mission ni katty."
"Kahit na. mission pa rin."
Katipunan Street
Mabagal ang daloy na mga sasakyan dahil ang traffic. Biyernes Kasi ngayon. Ang hula ni katty ay rush hour Kaya nakatraffic.
One hour later, wala pa rin. Hindi pa rin umunsad ganito pa rin. Kaya this time binuksan niya ang window at sakto Yung right niya nakabukas din ang window Kaya Hindi niya sayangin ang pagkakataon.
"Uhm mister" tawag niya.
Lalaki Kasi at mukhang Ka edad niya naman niya iyon.
Lumingon pa ang lalaki sa kanya.
"Bakit"
"Uhm, pwede ba magtanong"
"O sige, ano yon"
"Bakit ang traffic?"
"Ewan ko miss. Bago Lang po ako dito"
"Hehehe... Ganun po ba... Sige"
Isinara niya ang window
Mapait Siya ngumiti at dismayado Siya sa naging kalabasan. Sana pala Hindi Siya nagtanong. Nakahiya tuloy.
Samantala si Dr. Ken Chan ay nainip na rin. Kauwi pa Lang niya dito sa pinas. Eh, ganito ang kahihinatnan sa kaniyang. Sana pala noong lunes Siya umuwi ayan tuloy naghinayang Siya.
Ambulance service
Pati ang driver ng ambulance ay nainip na rin. Ganun rin ang mga nurse.
"Kuya, Bakit Hindi umaandar ang sasakyan"
"Ma'am, traffic po"
"Aaah bakit ang tagal"
"Ay Yun ang hindi ko pa alam ma'am"
"Hays"
"Nurse cherry"
"Bakit"
"Wala po"
"Cherry, may restaurant ba dito" tanong pa ng kasamahan niya. Bakla ito pero infairnes nurse Siya.
"Ewan ko, at tsaka hindi mo lang ba napansin na sirado ang sasakyan na 'to"
"Oo napansin ko"
"Iyon pala eh, bakit Ka pa nagtanong"
"Hehehe gutom na Kasi ako"
"Ako rin" Yung isa pang kasamahan niya na isa ding nurse.
Ako din naman eh! Gusto niya Sana sabihin yon sa kaniyang kasamahan kaso wag na lang. Mas pinili niya Lang na manahimik na lang.
"Kuya" tawag pa ni bakla sa driver.
"Bakit"
"May restaurant ba dito?" Tanong niya nito.
"Naku sir, wala po nasa highway po tayo"
"Ano" lahat sila napasigaw.
"Anak ng" kamuntik mag Mura si Cherry buti na lang natakip niya ang bibig.
"Kuya gaano katagal himinto tong sasakyan na 'to"
"Dalawang oras"
"Two hours" nag react si cherry.
"Opo ma'am"
"Paano na 'to" Yung kasamahan nilang nurse na kanina pa tahimik.
"Edi bumaba tayo" si Bakla.