Chapter Seven

19 1 0
                                    

Chapter Seven

"There are no wrong turnings. Only paths we had not known we were meant to walk."
Guy Gavriel Kay,

Carlos' POV

This is my last day here. I keep telling myself as I was entering the building of Paulina Mart. A promise is a promise kahit na nga kahapon ay halos ipagtabuyan ako ni Rand. Kung hindi lang talaga ako nakapangako sa kanya at pati na rin ay Kuya James ay talagang hindi na ko babalik ngayong araw.

Pagtapat ko sa boutique ay hindi ko maiwasang lingunin iyon. May hinanap ang aking mga mata at ayun nga siya. She was busy folding some thirts on the rack. She was wearing the same uniform she had the first time I saw her. I have to admit cute siya at bagay sa kanya iyon.

What's with you, dude? Gusto mo ngang sisantehin siya ni Rand, di ba?

No, no, of course not. Noon iyon. Noong hindi ko pa alam na working student pala siya and about to graduate this coming year. Napakalaki ng pagtingin ko sa mga taong nagsisikap na matupad ang kanilang mga pangarap. Kung meron man akong nararamdaman sa isang iyon sa mga oras na ito, iyon ay walang iba kundi matinding paghanga. Sobra sobra talaga ang paghanga ko sa mga taong hindi basta-basta sumusuko at hindi hinahayaang maging hadlang ang kahirapan upang magtagumpay sa buhay.

"Good morning, Sir," bati sa'kin ng ilang salesladies na nakakasalubong ko. Tinanguan ko naman ang mga ito. Nagpatuloy na ko sa paglalakad at saka dumeretso sa opisina sa taas.

"Thought, you won't come back," ani Rand pagkakita sa'kin.

"Yup, this is my last day. You're right. Hinahanap na 'ko sa Caloocan."

"Look, Mi...Carlos,I 'm sorry about what I said yesterday. I was being ungrateful. Ako ang humingi ng pabor sa'yo at imbes na magpasalamat ay ganoon pa ang naging asal ko. You know, I didn't mean whatever I said right?"

"No worries, insan. Alam ko naman 'yon. Pero kung itinuloy mo yung pagtawag sa'kin ng Miggy malamang talagang eto na ang huling tuntong ko sa department store mo," napapailing kong sabi rito. Agad na rin akong natawa nang marinig ko ang malakas nitong pagtawa.

"Sorry. Promise, no more Miggy." Itinaas pa talaga nito ang kanang kamay na tila nanunumpa. Natawa na lang ulit ako dahil kasasabi niya ulit sa pangalang iyon.

"Baba na ulit ako," paalam ko rito. I'd better be down at iwan ito sa ginagawa nito. He looked like he was studying some papers when I entered his office.

"Wanna have some coffee?"

"Nope. I'll have my snack sa ibaba. Kukupitan kita ng tinapay sa Hanna's bakeshop," biro ko rito habang lumalabas ng opsina nito.

"Bayaran mo 'yon."

"No way hahaha."

I started my round in the grocery. Doon kasi palaging maraming tao. So far, so good naman ang takbo ng department store in the past few days. Halos dalawang linggo pa lang itong nag-o-operate at wala naman akong nakitang problema. Expected naman iyon sapagkat ay karamihan sa mga empleyado ay nagkaroon na ng training mula sa iba't ibang branches ng Paulina Mart kaya alam talaga nila kung ano ang dapat gawin sakali mang magkaproblema.

I was walking my way to Hanna's bakeshop when I saw her. Kalalabas niya ng restroom. Nakatagilid facing the corner. Parang itinatago niya ang mukha habang may kausap sa phone. Hindi ko maiwasang titigan siya. She's an eyecatcher. With her hair on a high ponytail, a pencil-cut skirt just above her knee and a wedge sandals, she's a beauty to behold. And what's even more eandering is that she seems to be unaware of her effect to other people especially to the male population. Wala siyang kaalam-alam na panay ang sulyap sa kanya ng mga kalalakihang nagdaraan doon.

Perfect Series Book 2: Perfectly Destined to be Yours (on-going)Where stories live. Discover now