Chapter Six

74 7 0
                                    


Chapter Six-Him...Again?

"We don't meet people by accident. They are meant to cross our paths for a reason."

Ashley

"Uy, kumain ka na ba?" tanong ni Tita Ena bago pa ako makalabas ng pinto ng bahay. Napahinto ako at nilingon ito.

"Doon na ho ako kakain, Tita Ena. Nagmamadali ako eh," sagot ko rito bago muling humakbang palabas.

"Aba! Siguradong kakain ka doon ha! Masama iyong hindi kumakain ng breakfast. Nasasanay ka na yata ng ganoon."

"Oho, Tita. Sige, tuloy na 'ko."

"Sige, ingat ka. Nasabi ko na ba sa'yo na tumawag ang Mama mo." Nabitin ang hakbang ko. Napapikit ako at napahugot ng malalim na hininga. Hindi ko nga sinasagot ang mga text nito eh kasi ayoko munang kausapin ito.

"Ano raw, Tita?"muling baling ko rito. Nakaupo na ito roon sa tahian niya at handa nang manahi.

"Hm, wala namang sinabi. Kinumusta ka lang. Hindi mo raw sinasagot ang mga text niya."

"Wala ho kasi akong load, Tita," pagsisinungaling ko. Hindi naman kasi 'yon ang tunay na dahilan. Ayoko lang talaga munang kausapin siya.

"Aba eh magpaload ka at itext mo. Baka naman mag-alala nang husto."

"Sige ho, Tita. Mamya ho."Pagkasabi niyon ay tuluyan na kong lumabas ng bahay upang mag-abang ng traysikel na maghahatid sa'kin sa Paulina Mart.

Ilang araw ko na talagang dinededma ang mga text ni Mama. Alam ko naman kasi kung bakit at tungkol saan ang sasabihin niya sa'kin. Tungkol iyon kay Papa. Gusto niyang pumayag na akong umuwi na sa amin si Papa. Noong nakaraang buwan pa niya ako kinukumbinsi tungkol sa bagay na iyon. Nasabi ko na noon na ayoko.

Hindi na maaaring umuwi sa amin ang Papa. Para ano pa ba? Dalawang taong natiis niya ang kaniyang pamilya. Dalawang taong maski anino niya ay hindi nagpakita sa amin. Pagkatapos ay walang kaabog-abog na susulpot siya at inaasahang niyang sasalubungin naming siyang unat ang mga braso?

Kataon naman pagkasakay ko ng traysikel ay nag-ring ang cellphone ko. Hindi na' ko nagulat nang rumehistro ang Mama. Nawalan na 'ko ng choice kundi sagutin ito.

"Ma," saad ko pagkabukas.

"Hello, Ashley, anak. Kamusta ka ba? Ayos ka lang ba d'yan?"

"Ayos lang ako, Ma," napapabutunghininga sagot ko.

"Anak, alam kong kaya ka hindi sumasagot sa mga text ko ay dahil nagdaramdam ka pa rin sa'kin. Sana naman hayaan mong makapagpaliwanag ang Papa mo. Sana naman bigyan mo pa ng isang pagkakataon. Umuwi ka, anak para naman magkausap kayong dalawa. Kinukumusta ka niya. Anak, Ashley, kailan ka makakauwi?" 

Hindi ako makasagot. Gustuhin ko man ay hindi ako makapagsalita. Tila kasi may bara sa lalamunan ko. At saka pag nagsalita ako malamang bumaha ng luha ang traysikel na sinasakyan ko.

"Ashley, anak. Kailan ka uuwi?"

"Ah, Ma. Hindi kita madinig. Nasa traysikel kasi ako eh," sabi ko na lang para ibaba na niya ang telepono. "At saka bababa na ho ako. Andito na ko sa department store. Tatawag na lang ho ako. Bye. Ingat kayo diyan." Pagkasabi niyon ay agad kong ni-turned off ang cellphone. Sumandal ako sa traysikel at saka saglit na pumikit. Makailang beses akong huminga ng malalim upang hindi tuluyang bumagsak ang mga luha ko. Hindi ako pwedeng umiyak. Masisira ang manipis na make-up na nilagay ko sa mukha.

"Kuya, sa tabi lang po." Sabi ko sa driver. Nasa tapat na kasi ako ng Paulina Mart. Pagkaabot ng bayad ay agad na akong bumaba. Pinahiran ko pa ng likod ng palad iyong ilang patak na luhang nakatakas sa mga mata ko. I made sure that I am in my most professional self bago pumasok sa maliit na pintong nakatalaga sa mga empleyado lamang. Kaagad akong nag-time-in.

Perfect Series Book 2: Perfectly Destined to be Yours (on-going)Where stories live. Discover now