Chapter Four

79 7 0
                                    

Chapter Four-Gentleman?

"They often say, "What's the point in astrology if you can't change your destiny?" We'll it's true that you can't change your destiny, but still, it helps knowing about gravity."

-Kedar Joshi

Ashley

Nanlalaki ang mata ko habang nakatanaw sa sliding glass window na iyon sa pagitan ng opisina at stock room. Paano ba naman kasi naroon ang abnormal na kaaway ko. Transparent lang naman 'yong salamin kaya kitang-kita ko siya. Kasalukuyan siyang  kinakausap ng head cashier na si Ate Gena.

Mas matamis pa yata sa asukal ang ngiti ni Ate Gena habang nakatingala sa lalaking wala man lang ka-ekspe-ekspresyon sa mukha. Hihimatayin na sa kilig si Ate Gena tapos seryoso lang na nakatingin ang hari ng sungit.
 Marami rin talagang nabibiktima ang kaguwapuhan ng abnormal. Hindi ko naman masisisi si Ate Gena. Kahit naman naiinis ako sa lalaking iyon hindi naman ako ganoon ka-immune sa charm nito.

Aminado akong makalaglag undies ang abnormal na Andrada. Kung hindi nga lang we started on the wrong foot baka isa rin ako sa mga nalalaglag ang undies sa tuwing nasisilayan ang lalaki. Gising na gising yata ito nang magpasabog si Lord ng kasungitan. Wala man lang nakuha sa mga pinsan nitong sina Sir James at Sir Randall na parati nang nakangiti at magiliw sa mga empleyado lalo na sa mga customers.

Kaya nga yata nagbabalikan ang mga iyon ay upang masulyapan ang dalawang 'yon. Nito ngang mga nakaraang araw ay napapansin ko ang mga teenagers na nagpapa-cute sa dalawa. Oblivious naman ang magpinsan. Bagay na lalo naman yatang nakadagdag pa sa appeal ng mga ito. Mas lalo silang naging misteryoso.

Halos dalawang linggo kong hindi nasilayan maski anino ng abnormal. Huli ko itong nakita noong Thanksgiving party sa ancestral house ng mga Andrada. Buong akala ko nga ay hindi na muna ito magpapakita dito sa Santa Maria. Sobrang natuwa na nga ako sapagkat ibig sabihin niyon hindi ko na kailangang kausapin at humingi ng sorry dito. 

Sa totoo lang hindi ko maintindihan kung bakit palaging narito ang lalaking iyon eh meron naman siyang sariling department store na dapat bantayan at patakbuhin.

Kunsabagay,  bakit ko ba kasi pinoproblema ang mga taong abnormal?Mabuti pa ay kuhanin ko na ang mga sadya ko rito sa stock room. Baka bigla akong hanapin sa boutique. Tatlo lamang kami doon ngayon sapagkat wala si Ate Des. Isinama raw ni Sir James na umuwi ng Laguna. 

Bigla naman tuloy akong kinilig at nainggit nang bahagya. Pero sa totoo lang sobrang masaya ako para kay Ate Des. Ang cute lang ng love story nilang dalawa ni Sir James.

Mahina kong ipinilig ang ulo ko. Kung saan-saan na naman napunta ang utak ko. I should be doing what I came here to do. Isa-isang inayos ko sa loob ng malaking plastic bag ang mga kailangan kong ilabas na stocks tulad ng blouses, tshirts, at slacks. Kaunti na lamang kasi ang nasa display kaya nagkusa na akong umakyat dito. Sinubukan kong angatin ang plastic bag. May kabigatan pero parang carry ko naman.

Muli akong sumulyap sa sliding glass window pagtapat ko rito. Wala na sa loob ng opisina ang abnormal. Hmp! Buti naman. Baka bumalik na sa sarili niyang department store. Good! Good! Hindi ko na talaga kailangang harapin ang lalaki.

Ang luwang ng ngiti ko paglabas ng stock room. Kaso lang hindi pa ako nakakahakbang pababa ng hagdan ay bigla akong napahinto. Tila nanigas ang buong katawan ko sa matinding pagkagulat. Kilalang-kilala ko ang boses na iyon kahit nakatalikod ako sa may-ari nito. Wala namang katulad ang boses ng abnormal na Andrada  Boses na maganda sana  at masarap sa tainga kung hindi lang ginagamit sa pagmamasungit.

"Need help?" anang boses na 'yon. Ilang segundo  yata akong natulos sa kinatatayuan ko.  Napapikit  ako sabay hinga nang malalim. Tla may tumalbog na bola sa dibdib ko at parang nagkaroon ng mga bubuyog sa tiyan ko.

"No thanks," walang kalingon-lingong tugon ko. Saka nagpatuloy na sa paghakbang pababa ng hagdan. Hindi ko makakalimutan 'yong sinabi niyang stupid midget ako. Oo nga't malapit lapit ako doon sa midget pero iyong stupid parang ang layo ko naman doon.

Kung bakit naman kasi hindi pa ako sa elevator dumaan. Naisip ko kasi konti lang naman ang dala kong stocks. Kaya ko namang bitbitin, though may kabigatan talaga. Saka climbing the stairs is good for the heart daw. Nakakahiyang gumamit ng elevator kung wala namang maraming dalang stocks. Isang rule kasi sa store to use the elevator only if mag-aakyat or magbababa ng maraming stocks.

"Come on. Let me help you," sabi pa ng abnormal na nasa likod ko.

"No need, Sir. Kaya ko po promise. Salamat na lang,"sabi ko nang hindi man lang lumilingon. Higit kong binilisan ang pagbaba ko at dahil sa kakamadali ko ay muntik na akong matipalok. Kung pwede lang bitbtin muna iyong three inches wedge sandals ko at medyo i-hike nang konti iyong fitted black skirt ko ay ginawa ko na. Pero syempre hindi pwede. 

Baka kung ano pa'ng isipin ng magaling lalaking nasa likuran ko. Mabuti na lamang at mabilis kong nabalanse ang sarili ko. Ano na lang ang magiging itsura ko kung mahuhulog sa hagdan habang nakatunghay ang lalaking ito. Kung sana man lang may poise pa rin ako pagbagsak. Hindi bale nang bali-bali ang buto basta may poise pa rin haha!

"See, baka mahulog ka. Akina 'yang bitbit mo." Bago pa ko muling makatanggi ay naagaw na nito ang plastic ng stocks na bitbit ko. "Ang bigat pala. bakit hindi ka na lang nag-elevator?" anito habang humahakbang pababa. Nag-isang linya ang labi ko sa inis ngunit sumunod na rin dito pababa. Not bothering to reply. At gusto pa talaga akong sermonan dahil hindi sa elevator dumaan. He should be thankful that I was trying to conserve energy.

Magpakabayani ka but don't expect me to thank you hah.

Bitbit ang malaking plastic bag ay nagpatuloy na itong bumaba nang hagdan. I saw his arm muscles flexed when he lifted it up. Ang bilis ng mga hakbang niya kaya naiwan ako. Sumunod naman ako sa likuran niya. I had the best view of his back. He was wearing dark blue polo shirt tucked inside a maong pants and dark brown ltop-sider na sinubukan kong sipatin pero hindi ko makita kung anong brand pero syempre ay mamahalin. In fairness, napakalinis ng porma ng abnormal na Andrada.

Pag-angat ng tingin ko ay napaunat akong bigla. Lumingon pala siya sa'kin at ngayon ay taas ang mga kilay na nakatingin sa'kin. Parang nagtatanong kung bakit nanlalaki ang mga mata ko sa pagtitig sa ibaba. Gosh! Nahuli pa akong nakatitig sa sapatos niya. Poker-faced na lang ako habang sinasalubong ang tingin niya.

Ewan ko ba naman pero pag nakakakita kasi ako ng mga lalaking nakaporma agad kong tinitingnan ang sapatos nila. Sa sapatos pa lang alam ko na kung marunong talagang pumorma at hindi baduy ang isang lalaki. Ganoon din naman sa mga babae. 

Oo,weakness ko ang mga sapatos, okay! Kapag nagpupunta ako sa mall, nauubos ang oras ko sa kakatingin sa mga sapatos na hindi ko naman kayang bilhin. Pero pasasaan ba at mabibili ko rin sila pagdating ng araw. Keep dreaming lang, diba? Libre lang naman iyon.

Anyways, balik tayo kay abnormal. Sa totoo lang ang pogi niya kahit nakatalikod. Ang ganda niyang maglakad. Alam na alam mo agad na boss siya. He carried himself with grace and self-confidence. Iyong built ng katawan niya at tangkad niya. Wow! as in wow! kahit may bitbit na plastic bag. 

May pagka-gentleman din naman pala. Parang hindi siya iyong dumadagundong ang boses noong grand opening ng Paulina Mart dahil nabangga ko raw siya. Samantalang siya iyong bumangga sa'kin. At natapunan lang konting tubig iyong damit niya. Okay! dahil sa ginawa niya ngayong umaga medyo kakalimutan ko na ng konti na tinawag niya akong stupid midget.

Muntik na naman akong matipalok nang muli itong lumingon sa'kin kaya naman inayos ko ang paglalakad ko at mabilis kong ibinaling ang tingin ko sa ibang dako. Agad kong tinikom nang mariin ang labi ko. Baka mahuling ngiti ako nang ngiti sa likod niya kung ano pa ang isipin.

Kaso lang pagliko niya sa entrance ng TheDesire muntik na akong mapahagalpak sa itsura nina Ate Jaq at Rov. Namimilog ang mga mata ng mga ito habang nakatingin sa abnormal. Agad ding naging alerto. Ang lambing ng "good morning, Sir Carlos" ng mga ito. Parang normal lang at hindi shocked dahil bitbit ng abnormal iyong malaking plastic bag na dapat ay ako ang may dala. Epic ang mga itsura haha!

******

Salamat sa pagbabasa. Pa-vote na rin po, if nagustuhan 'nyo. Comment na din para alam ko naman ang iniisip 'nyo :) :) :)

Perfect Series Book 2: Perfectly Destined to be Yours (on-going)Where stories live. Discover now