09

13 0 0
                                    

10/11/2021

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

10/11/2021

Nagising nanaman ako. Hirap nanaman akong makatulog. Ilang oras nanaman akong gising neto, kaya eto nagsusulat muna ako sa journal na regalo mo pa sakin 2 years ago, nakita ko lang kanina dito sa drawer. Hindi ko pa pala natanggal sa plastic o nabuksan.

Ganito na madalas iyong tulog ko simula noong umalis ka. Samantalang dati, hindi ako makatulog agad dahil sa gulo mong matulog. Para kang acrobatic palagi. Natiis ko ng ganon for 5 years.

Ilang linggo ka ng wala pero ngayon ko lang talaga napansin kung gaano katahimik itong bahay. Aminado akong parang nakahinga ako ng maluwag noong umalis ka. Kasi wala ng away tungkol sa mga walang kwentang bagay. Walang sermon pagka-uwi galing trabaho. Wala na akong proproblemahin na kailangan kong mag-ingat kasi meron nanaman akong nagawa na mali para sayo pero hindi mo sinsabi kasi gusto mo kailangan alam o marealize ko agad kung ano man iyong maling nagawa ko.

Parang tanga haha. Isa na siguro iyan sa maraming dahilan kung bakit tayo ganito ngayon.

Nagulat ako nung ikaw na mismo ang nag bring up. Akala ko talaga ganito na tayo habambuhay. Ine-expect ko na maghihiwalay rin tayo nyan pero hindi ko inexpect na ikaw ang unang magsasabi. Ewan ko. Maski ako naguguluhan.

Naalala ko bigla kung paano tayo noon. Ang laki ng pinagbago natin. Baliw na baliw tayo sa isa't isa noon. Hindi ko na maalala kung kailan nagsimulang magbago lahat. Siguro dahil tutok ako masyado sa trabaho dahil gusto ko mapromote agad. Hanggang sa napromote nga, tapos naging busy. Tumigil ka sa pagtra-trabaho last last year para mag focus dito sa bahay at sabi mo magre-ready na dapat tayong magka-anak. Na hindi rin nangyari dahil busy ako at madalas tayong magka-away.

Mabuti narin na wala. Para hindi magulo.

-

10/20/2021

Na-promote ulit ako. Assistant manager na ako ng team namin. Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang, intern lang ako sa kumpanya. Mga panahong ang hapunan natin iyong take-out na lugaw o pares. Tapos magkwe-kwentuhan tayo tungkol sa ganap sa kanya-kanya nating trabaho. Na nakakapagod maging intern at excited na tayong maging regular.

Naalala ko na naghanda talaga tayo noong naging regular employee na ako kasi mas nauna ka, pero sabi mo minsanan na handaan nalang para hindi hassle.

Nakakamiss din pala.

Ang dami nating pangarap noon para sa atin. Anong nangyari?

Hindi ko naman ipapabasa sayo ito kahit kailan, pero sa totoo lang, kaninang pagka-uwi ko, ikaw agad ang una kong gustong sabihan na napromote ako. Kaso noong umuwi akong madilim iyong bahay, doon ko lang ulit naalala na mag-isa ko na nga lang pala dito.

Naalala ko, ang tagal kong hiniling na ganon nalang sana. Na pag-uwi ko, tahimik. Walang sermon o sunod-sunod na tanong na sasalubong. Na makakahiga ako sa maluwag na kama at di ko kailangan alalahanin na masisipa nanaman ang tiyan o mukha ko.

Ginusto ko ito. Kaya ayokong aminin na nalungkot ako kanina noong katahimikan ang sumalubong sa akin dito sa bahay natin.

-

10/31/2021

Umuwi ako samin. Hindi ko alam pero tuwing hindi talaga ako makatulog, babasahin ko lang mga nakaraang sinulat ko dito o kaya ay magsusulat ako dito, makakatulog na ako. Kaya dinala ko narin.

Hinahanap ka nila Mama. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hinihintay ko pa na mag message ka. Sa pagkaka-alam ko mahabang proseso ang annulment at hindi ko alam kung nasimulan mo na ba. Hindi ko rin alam kung anong magiging reaksyon nila Mama kapag nalaman na nila. Panigurado, ako ang sisisihin. Parehas lang naman tayong may kasalanan.

Pero nitong mga nakaraang araw, narealize ko lahat ng pagkukulang ko sayo.

Na ang dami mo palang ginagawa para sakin na hindi ko napapansin dahil wala na akong oras para sayo.

Na dahil doon, nawalan narin ako ng oras bumuo ng pamilya na pinapangarap natin noon.

Grabe iyong isinakripisyo mo para satin habang isinakripisyo ko tayo para sa trabaho ko.

I'm sorry, Faith.

-

11/11/2021

Tinext kita kaninang madaling araw.

Parang gago na kung kalian ganito tayo, ngayon ko naalala na anniversary natin.

Nagreply ka kina-umagahan, hindi mo pinansin iyong bati ko pero tinanong mo kung pwede ba tayong mag-usap pagkatapos ng trabaho ko. At na kung hindi man, sa lingo nalang o kapag wala akong pasok. Sabi ko mamaya nalang. Pinaki-usapan ko sa chief namin na maaga akong aalis. Pumayag naman.

Halos 2 buwan lang tayong hindi nagkita pero parang ang laki na ng pinagbago mo. Mukhang mas tumaba ka. Mas maaliwalas narin iyong mukha mo ngayon kesa noong huli nating usap sa bahay. Mabuti naman.

Nag-order ka na ng kape para satin kaya pagkarating ko diretso mo ng sinabi sakin kung anong dapat nating pag-usapan.

Habang pinapaliwanag mo sakin yung tungkol sa annulment natin, wala akong ibang nagawa kundi titigan ka. Tapos kahit sandali napangiti ako dahil pagkatapos mong magsalita, ang nasabi ko lang ay 'kumusta?' tapos nakita ko iyong pag pigil mo sa pagsimangot mo. Kahit papaano ikaw parin iyong Faith na kilala ko.

Sabi mo okay ka lang. Tumitingin ka lang sa gawi ko pero hindi kagaya ng pagtitig ko sayo. Nainis ka at sinabing aalis ka na pero pinigilan kita at tinanong kung buo na ba ang desisyon mong maghiwalay tayo, at na kung susubukan ko bang magbago, babalik ka sa bahay.

Umiyak ka nalang bilang sagot.

Doon ko narealize na kung mahirap itong nangyayari satin para sakin, mas nahihirapan ka. Alam kong pinag-isipan mo itong mabuti bago ka pa man makipagkita sakin. Gusto ko lang tanungin kung pwede pa ba nating ayusin kasi umaasa parin ako kahit na papaano.

Nagsisisi ako sa mga pagkukulang ko. Pero kung mas makakabuti sayo na maghiwalay tayo, hindi na ako kokontra.

Sorry sa lahat, Faith.

Panalangin ko na sana kahit isa sa plano natin noon ay matupad at iyon yung maging masaya ka. Kahit hindi na ako ang kasama mo non.


-

01/16/2027

Congratulations on your wedding.

I saw your post on IG. You look beautiful.

I heard a baby is on its way too? Congrats, Faith.

I'm really happy to see you happy and achieving all of your dreams and goals.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 29, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

With LoveWhere stories live. Discover now