Chapter 1

352 20 17
                                    

Paggising ko. Naalala ko nanaman ang ngiti mo, yung mga mapupungay mong mata-- Kelan ba ako magsasawa kakaalala sayo? Nakakapagod masaktan.

Ang istorya natin ay nagsimula bilang isang magandang panaginip at natapos sa isang malaking bangungot.

Ganyan naman talaga ang buhay eh. Kailangan mong masaktan para matuto ka.

Parang paggigitara yan.
Paano ka matututo kung hindi ka masasaktan?

Madami pang dahilan para mabuhay, pero para sakin ikaw lang ang alam kong dahilan kung bakit ako nabubuhay. Noon.

Pero ngayon, halos maiyak ako kakatawa dahil ganun pala ako katanga sayo.

Napapatawa nalang ako sa tuwing naaalala ko kung gaano ako katanga sayo noon at hanggang sa mapaiyak nalang dahil niloko mo lang ako.

Hindi naman siguro masama magmahal. Basta wag lang umabot sa point na ikaw lang ang nagmamahal.

Ang mali ko lang siguro, naging kampante ako na hindi mo ako lolokohin. At doon ako sobrang nagkamali.

"Francis! Tara na tol! Late na tayo!" Sigaw ni Ervin, dorm mate ko

"Ah. Oo. Susunod na ako." Sagot ko

Halos mag-iisang taon na din simula noong nangyari yung masamang panaginip na yun. Itinuturing kong masamang panaginip kasi sa dinamirami ng pwedeng manloko saakin. Bakit ikaw pa?

****

"Francis! Francis!" Sigaw ng isa kong blockmate

"Ha?" Tanong ko:-)

"Punta ka sa locker mo. Bilis!" Utos nya at ipinagtulakan nya ako hanggang sa labas ng classroom

Kahit tinatamad ako. Napilitan akong puntahan yung locker ko.

Locker. Dyan kita unang nakita. Dyan ako unang nabighani sa kagandahan mo. Pero sa locker din pala magtatapos lahat.

Pagbukas ko ng locker ko. May papel na nahulog kaya pinulot ko.

Francis,

I'm really really sorry for what I have done a year ago.

Kidding asside. Joke lang yun pre ha! Baka akala mo ako si-- ah. Wala. Hmmmm. Gusto lang kitang kamustahin. Its been a year. Sana nakamoveon ka na. Sana. Ingat nalang dyan pre. Uwi ka dito minsan.

--Kuya Andrei

Yun lang pala. Tsss.

Pagsara ko ng locker at pagtalikod ko. I saw her again. Wearing her beautiful smile.

"Franz..." Banggit nya

Nobody calls me Franz since she left me. Alam nila kung bakit.

"Its Francis. Not Franz." Cold kong sabi

Iniiwasan kong mapatingin sa mga mata nya. Baka mahulog nanaman ako.

"Franz-- I mean Francis---"

"What do you need?" Tanong ko

"How do I explain this?" Tanong nya

"I didn't tell you to explain. And don't even try to." Sabi ko tapos nilagpasan ko na sya

"Franz!!" Sigaw nya nang makalayo ako, and I didn't bother to look back

Bigla nalang bumalik lahat ng sakit na naramdaman ko. Lahat ng mga katangahang ginawa ko, naalala ko nanaman. Hindi ko naman kasi kasalanan yun eh. Nagmahal lang naman ako. Nagmahal lang naman ako sa maling tao.

Hindi tanga yung taong sobra magmahal. Mas tanga yung taong minahal na nga ng sobra, nakuha pang maghanap ng iba.

Malas ko lang dahil hanggang ngayon di ko parin sya makalimutan. Samantalang sya, walang kahirap-hirap para sakanya.

Ganyan ba talaga ang mga babae? Basta-basta nalang nang-iiwan sa ere matapos ninyong pahulugin ang mga lalake?

Napakaselfish nyo!

Kahit mahalin nyo lang kami, sapat na yun.

Kaya kong panindigan ang salitag 'ikaw lang' basta wag mo akong tratuhin na parang'wala lang'.

"John Francis! Lutang ka nanaman. Ano nang nangyayari sayo? Bumababa na ang mga grades mo. Noong 1st sem ang tataas halos maka 1 ka pa na grades. Tapos ngayon ano nang nangyayari sayo?" Sabi nang prof ko

Napayuko nalang ako. Naisip ko, tama ba na magkaganito ako dahil lang sakanya? Sobra naman na siguro yun. Na pati pag-aaral ko nadadamay na dahil sakanya.

At ngayon nandito sya. Para guluhin nanaman ang magulo kong buhay. Hindi ba sya napapagod? Hindi ba sya nagsasawa? Hindi pa ba sapat yung mga panloloko nya sakin? Yung pananakit nya sakin?

Kung alam nya lang siguro kung gaano ako nasaktan.

Naiinis ako sakanya.

Nagagalit ako.

Gusto kong isumbat lahat sakanya.

Pero sino ba ako?

Di hamak na manliligaw lan naman ako noon na pinaasa nya.

Wala akong karapatan, hindi ba?

Wala talaga. Kasi sino bang may sabing umasa ako?

Kasalanan ko ba?

Nagbigay sya ng dahilan para umasa ako.

Sino ba namang lalake ang hindi aasa sa babaeng nagbibigay ng rason para umasa ka?

Hindi ba wala?

Minsan iniisip ko na, ano kaya ang buhay ko ngayon kungb hindi kita nakilala?

Siguro malayong malayo sa Francis na nakilala nila ngayon.

Siguro mas matalino pa ako ngayon.

Hindi ko rin siguro napapabayaan ang pag-aaral ko.

Dahil wala ako sa mood mag-aral. Bumalik nalang ako sa dorm.

Naalala nanaman kita. Yung ngiti mo.

Nagkamali ako nang pagkakakilala sayo. Akala ko hindi ka katulad ng ibang mga babae na hindi ako lolokohin.

Pero akala ko lang naman pala yun.

Nagkamali ako.

Talagang nagkamali ako...

Shouldve Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon