Chapter 3

178 13 11
                                    

"Tol naman! Si Sandra na mismo yung lumalapit sayo! Bakit di mo pa kasi pagbigyan?" Tanong ni Ervin

"Madali mong sabihin yan kasi wala ka sa sitwasyon ko." Sagot ko naman

"Ganyan naman tayo eh. Magaling magbigay ng advice pero kapag ikaw na yung nasa sitwasyon. Nga-nga." Sabi naman ni Bradley

"Madaling sabihin. Mahirap gawin." Sagot naman ni Sean

"Tsk! Bakit pa kasi sya bumalik?" Tanong ko

"Para ipaglaban ka." Bradley

"Para bumawi sayo." Sean

"Para itama yung mga pagkakamali nya." Ervin

"Alam nyo, kahit gaano pa nya ipagtulakan yung sarili nya. Nagsasayang lang sya ng oras nya. Tama na sakin yung minsan nang nasaktan. Sobrang katangahan na kapag inulit ko pa." Sagot ko naman

"Oo nga naman. May poit nga naman si Francis." Sabi ni Ervin

"Eh. Pano yan? Wala na talaga?" Tanong ni Bradley

"Kaya nga. Wala na ba talaga? Tanga naman kasi ni Sandra. Tsk!" Sabi naman ni Sean

"Hindi ko alam." Sagot ko

"50/50! May pag-asa pa! Wooooh!" Sigaw ni Bradley

"Tssss! Asa!" Sigaw ni Sean

"Hahaha! Tama na nga yan! Gutom ako!" Sigaw ni Ervin

"Mga adik! Tara gutom din ako." Sagot ko

Kahit papano naman eh nakakalimutan ko din sya dahil sa mga barkada kong to.

Nagpapasalamat ako dahil nandyan sila para sakin.

Hindi nila ako iniiwan.

Mga boyfriend ko yan.

Barkada since grade 5.

"Ikaw nalang maghugas, Francis. Alam namin di ka marunong magluto!" Sigaw ni Bradley

Nagtawanan kami.

Ganito kami kasaya.

Pero masmasaya sana kung nandito ka.

Pero ayos na din yun kasi nakakalimutan kita.

Pansamantala.

Bakit ba kasi sakin pa nangyari 'to?

Naging fair naman ako sa past relationships ko.

Hindi naman ako playboy. Badboy, oo.

Sabi nga nila, masmabuti nang badboy kesa playboy.

Hindi naman ako naglalaro ng mga babae.

Minsan nga ako pa yung pinaglalaruan nila.

Sanay akong mapaglaruan at masaktan. Pero bakit ngayon?

Iba ngayon eh, sobrang sakit.

Wala ka talagang awa noh?

Nasaktan mo na ako noon. Tapos bumalik ka nanaman ngayon?

Para ano nanaman?

Para saktan ba ako?

Para paasahin ako?

O para paligayahin ako?

Mahalin ako?

Pagsisihan ng ginawa mo?

Itama ang mga pagkakamali mo?

Shouldve Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon