Chapter 2

195 17 4
                                    

"Francis! Tara labas tayo tol!" Aya ni Bradley, dorm mate ko

"Kayo nalang tol. Tinatamad ako." Sagot ko

"Sus! Sige na! Lagi ka nalang ganyan. Tara na!" Sigaw ni Sean

"Haha. Sige na. Susunod nalang ako." Sabi ko

"Sure ka?" Tanong ni Bradley

"Yup!" Sagot ko

Mag-isa nanaman ako.

Bigla nanaman kitang naisip.

Kelan ka ba mawawala sa isipan ko?

Naalala ko nanaman yung mga araw na namamasyal tayo.

Yung mga araw na masaya tayo.

Nakakamiss din pala noh?

Ikaw kaya? Namimiss mo din kaya yung mga araw na magkasama tayo?

Umaasa nanaman ako.

Di bale nang nasasaktan ako ngayon.

Basta alam ko na ginawa ko yung part ko noon.

Hay nako.

****

"Francis! Sumunod ka talaga noh?" Sabi ni Bradley

"Oo. Sinabi nyo eh." Sagot ko

Tumawa sila ni Sean.

"First time mong lumabas tol! First time in history! Nakamove-on ka na ba?" Pagbibiro ni Sean

"Tch! Eh--"

"Uy diba si Sandra yun?" Tanong ni Bradley

Hindi ako lumingon, si Sean lang.

"Oo nga noh? Sino yung kasama nya?" Tanong ni Sean

"Tara na nga!" Sigaw ko

Nauna akong naglakad sakanila.

"Francis!" Sigaw nila

Tumigil ako.

May lumapit na mga babae na mukang high school student.

"Kuya, ang gwapo mo naman po! Hihihi! Ano pong pangalan mo?" Sabi nung isa

"Tch! Ang babata nyo pa." Malayo kong sagot sa tanong nya

"Pangalan lang naman kuya eh. Sig--"

"Babe! Nandyan ka lang pala. Sino sila?" Sabat nung isang babae- si Sandra - I think

"G-girlfriend mo kuya?" Tanong naman nung isa

"Yes. Im his girlfriend." Sagot nya

Yumuko yung mga babae tapos umalis na.

"Whats that for?" Tanong ko

"Im just helping you out." Sagot nya

"You dont have to do that." Sagot ko

"Sean! Bradley! Tara na." Sabi ko

"Franz-- Francis! Wait!" Sabi nya

"Will you stop! Tama na Sandy! Ang sakit na eh!" Sigaw ko

"I-I didnt mean to hurt you, Franz." Sabi nya

"But you already did! Hindi mo na mababawi yung sakit na binigay mo sakin! Atska bakit ka ba nandito? Para saktan nanaman ako? Tama na! Ang sakit sakit na eh! Maawa ka naman sakin! Nasasaktan din ako Sandy! Nasasaktan din!" Sigaw ko

Nakatingin na saamin yung ibang mga tao. But I dont care. Sinaktan nya ako.

"Alam ko! Nasaktan kita. Nasaktan din naman ako sa ginawa ko ah! Akala mo ba ikaw lang? Hindi! Pati ako! Nasaktan ako sa ginawa ko! Nasaktan ako kasi nasaktan kita! Francis, hindi ko naman sinadya na saktan ka eh! Wala lang akong nagawa!" Sigaw nya

"Tama na nga yan! Ayoko nang marinig pa yang mga palusot mo. Enough of your lies Sandy! Tigilan mo na yang kahibangan mo. Wag mo akong paniwalain. Baka maniwala nanaman ako at masaktan mo nanaman ako." Sabi ko

"Maniwala ka naman, Franz. Nandito ako para itama lahat ng pagkakamali ko noon." Sagot nya

"Hindi mo na pwedeng itama yung pagkakamali mo. Tapos na yun eh! Nangyari na. Wala na! Hindi mo na mababawi." Sabi ko

"Edi gagawa ako ng paraan. Babawi ako. Gusto kong makabawi ako sayo. Gusto ko lang naman na bumawi sa lahat ng mga ginawa ko. Ayaw mo naman kasi na mag-explain ako." Sabi nya

"Para saan pa? Para saktan ulit ako? For Pete's sake! Sandy! Maawa ka naman sa puso ko! Durog na durog na!" Sigaw ko

"I-I'm really sorry, Franz. Sorry sa lahat. I didnt mean it. Hindi ko naman sinadya na saktan ka. Ang totoo, mahal kita. I really do. Pero hindi daw tayo pwede sabi ni dad." Sabi nya

"Ayaw naman pala ng dad mo eh. Bakit mo pa ipipilit?" Tanong ko

"Kasi mahal kita! Franz, mahal kita! Cant you see it? I just cant show it. Kasi natatakot ako kay dad." Sabi nya

"Tama na." Sabi ko then I turned my back

"Hindi mo na ba ako mahal, Franz?" Tanong nya

Hindi mo na ba ako mahal, Franz?

Hindi mo na ba ako mahal, Franz?

Hindi mo na ba ako mahal, Franz?

Hindi mo na ba ako mahal, Franz?

Hindi mo na ba ako mahal, Franz?

Hindi mo na ba ako mahal, Franz?

Hindi mo na ba ako mahal, Franz?

Hindi mo na ba ako mahal, Franz?

Paulit-ulit yan sa isip ko.

Parang nage-echo?

Hindi ko na ba sya mahal?

Hindi ko alam.

No one knows.

Oo, mahal ko sya.

Pero noon yun.

Madami nang nagbago.

Ayoko nang masaktan.

Kalaban namin ang daddy nya-kapag nagkataon- kaya mahirap.

Bakit ko ba iniisip yun?

Mahal ko parin ba sya?

Naguguluhan talaga ako.

Natatakot na ako.

Isang taon akong nagpakatanga simula noong iniwan nya ako.

Tapos ngayon, ganun lang?

Babalik sya na parang walang nangyari?

Na parang hindi ako nasaktan?

Naalala ko nanaman noong pumunta ako sa Alaska para makalimot.

Kahit pumikit ako, sya parin ang nakikita ko.

Ganun nalang ba ako kapatay sakanya?

Kaya kong ibigay lahat.

Pero, wala talaga eh.

At ngayon, nandito sya.

Tinatanong kung mahal ko pa ba sya.

At heto naman ako.

Hindi alam ang isasagot kung mahal ko pa ba sya.

Pero bakit ganun?

Gusto kong sabihin na mahal ko parin sya pero natatakot lang ako sa maaaring mangyari.

Siguro, isang araw malalaman ko din yung sagot.

Hindi man ngayon pero sigurado akong darating ang araw na alam ko na kung ano ang sasabihin ko sakanya.

Shouldve Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon