A/N: Guys hanggang Chapter 10 lang 'tong gagawin ko ha! XD Ang hirap kasi mag-isip eh. Yun lang. Enjoy :))
Di na sana kita nakilala.
Di na sana 'ko lumapit.
Di na sana ako nagdurusa nang dahil lang sayo.
Sa napiling mahalin ay bakit ba sayo pa nga ba?
Di na mapagbibigyan at yon ang masakit,
Sana ay hindi nalang pala sayo napalapit
Sana di ka napayuhan tungkol sa mga Ex
Sana wala akong cellphone para di ka nakatext
Nung in-add kita sa facebook sana di mo in-accept
Ngayon sarili ko bakit ba hindi ko masagip...
Nagbabalik parin at ako sayo'y palagi
Pero di ka naman sakin kailanman di maaari
Sakin ikaw ang reyna, di naman ako ang hari.
Kung alam ko lang nung una di na sana 'to nangyari...
Di na sana naganap, ako na sana'y naghanap
Ng ibang dapat ibigin di na sana ako hirap,
Sa kalagayan ko ngayon kung nalaman ko noon
Na maiinlab pala ko kaagad sa isang iglap...
Bakit may isang ikaw na hindi pwedeng maging sakin
Bakit ang mga gabi ay hindi pwedeng maging satin
Kung pwede lang na ang nadarama 'toy palipatin
Maisalin ko sa iba, ayaw bang marapatin
Ang pag kakataon, bakit pa ngayon pa lumitaw
Kung kailan di na pwede at kailangan ko ng bumitaw
Sa pag-asa ng pagibig na hapdi ang dinala
Kasi mahal kita ng sobra... sana di nalang pala...
Ang dami ko talagang pinagsisisihan.
Kasi sa dinamirami ng pwedeng manloko sakin, yung babaeng hindi ko pa inakala na mamahalin ko ng sobra-sobra.
Nandito ako sa mall, naglalakad-lakad, kasama ko yung bunso kong kapatid, si Frances.
"Kuya, I want to buy ice cream!" Sigaw nya
Heto nanaman. Nakakita lang sya ng pagkain, sige na ng sige. Pero ayos lang. Kahit papano natutuwa ako.
Pumunta kami sa isang malapit na ice cream parlor na nakita ng kapatid ko. Ang takaw nito ng pagkain. Lalo na sa ice cream. Parang si Sandra lang. Ayan nanaman. Nadamay nanaman sya sa usapan.
Pano ba naman hindi madadamay eh halos lahat ng ginagawa ko nakakonekta sakanya.
Pagpasok namin nasalubong namin si Sandra. Great!
"Ate Sandy!" Sigaw ni Frances at yumakap sa binti ni Sandra
"Joanna!" Sigaw din ni Sandy tapos lumuhod sya at niyakap si Frances
"I miss you ate!" Sabi ni Frances
"I miss you too baby." Sabi nya tapos kinarga nya si Frances
"Ate, bakit hindi na po kayo parating magkasama ni kuya?" Tanong nya
"Kasi--"
"Kasi madami nang nagbago." Sagot ko
"Like what?" Tanong naman nya
"Hindi mo maiintindihan." Sagot ko
"Okay! Ate join us! Kakain kami ng ice cream." Aya ni Frances
"Sure." Sagot naman ni Sandra
Nagsama ngayon ang dalawa sa pinakamamahal kong babae-though yung isa hindi na-and they are so happy togther.
Halatang namiss nila ang isat-isa.
Ganyan-ganyan din ako noon eh.
Yung halos gusto ko araw-araw, oras-oras, minu-minuto at bawat segundo gusto ko syang makasama.
Ayaw ko syang mawala sa paningin ko kasi feeling ko mamamatay ako.
Korny pero totoo.
Nang iniwan nya ako ilang buwan din akong lulong sa alak at yosi.
Akala ko noon hindi ko makakayanan kasi halos iparehab na ako nina mommy. Pero hindi pumayag si daddy.
Madami akong nasubukan noon para lang makalimot.
Naghanap ng panakip butas.
Naghanap ng madaming babae.
Halos nadate ko na lahat ng babae sa luzon para lang makalimutan sya.
Pero ang kulit din ng puso ko!
Sya parin talaga yung hinahanap nito.
Kahit gaano ko gustong kalimutan sya,
Ayaw sumunod ng puso ko.
Nakakainis nga eh, kung kelan malapit na malapit na malapit ko na syang makalimutan.
Saka pa sya bumalik.
Ang gulo nya!
Kapag nakikita ko sya nasasaktan ako.
Bumabalik isa-isa yung mga ginawa nya at sinabi nya.
Naalala ko nanaman nung araw na iniwan nya ako at hinabol ko sya.
Muntik pa akong masagasaan ng truck.
Sinabi ko pa noon na sana nasagasaan nalang ako para hindi na yung puso ko yung masakit eh.
Nakakainis!
Minsan nga may nakita akong kamuka nya.
Halos maiyak nanaman ako.
Nakakagago.
Ganun naman talaga kapag minahal mo nang sobra yung isang tao eh.
Hindi mo kayang mawala sya kasi mahalaga sya.
Pero kahit gaano mo sya kamahal, hindi nya yun inisip.
Ang alam nya trip mo lang sya.
Niloloko mo sya.
Pinagpupustahan nyo lang sya.
Inisip nya lahat ng negative sides ng mga lalake na hindi seryoso.
Ganun ba talaga kakitid ang utak ng mga babae?
Ang sakit.
Sobra.
Kahit gaano mo pa ipakita at iparamdam sakanya na mahal mo sya at hindi mo sya niloloko, parang wala lang sakanya.
Kasi pinapangunahan nya ang pagkatao mo...