CHAPTER THREE

4 0 0
                                    

January 2019 na. Ang bilis ilang buwan na lang End of School Year nanaman. Hindi pa rin ako nakaka amin kay Falcinty. "Mga pre kamusta ang Pasko at Bagong Taon niyo?" tanong ni Randy. "Ayos lang, nag paputok pa rin hahaha" sagot ko. "Hahaha sige pasok muna ako sa loob" sabi niya. Kami na lang ni Ronald nandito sa corridor. Nakatingin sa baba, sa mga studyanteng dumadaan.

Nakita kong nasa baba si Falcinty kasama si Francisco. "Lah pinagpalit na ako ni Falcinty" sabi ko, pero biro lang yun at hindi ko alam na maririnig ni Ronald. "Ayan Garvey ah, may gusto ka ba kay Vergara?" tanong niya. Hindi agad ako maka sagot. "May gusto ka nga?" tanong niya pa ulit. Kinukulit niya ako ng tanong kaya napilitan akong umamin. "Oo" nahihiyang sagot ko. "Hahahaha, ayan pre ah" pang-aasar niya. "Huwag mo sabihin kahit kanino gago hahaha" natatawang sabi ko. "Kailan pa?" tanong niya. Kaya napangiti ako inalala yung unang araw ng klase kung saan ako unang nahulog sakaniya. "Matagal na, First day pa lang" nakangiting sagot ko.

Tawa lang ng tawa si Ronald, ng biglang dumating si Falcinty. "Vergara" pag tawag ni Ronald kaya binatukan ko siya. "W-wala" sagot ko dahil tumingin si Falcinty. Pumasok na siya sa room. "Tanginamo sabi ko 'wag mong sabihin hahaha" sabi ko kay Ronald.

Magkakatabi na kami dito sa likod at inaasar ako ng mga tropa ko, lahat kami nakatingin kay Falcinty. Alam na kasi nila na may gusto ako kay Falcinty. "Vergara pala nais ah hahaha" biro ni Niel. "Hilig mo sa maiitim hahaha" sabi ni Piolo. Umiling na lang ako.

--------------------

Nag papailaw na lang kami sa T.L.E bumibili kami kay ma'am ng RJ45 at kailangan namin yun mapa ilaw, para magka grades. Meron din kami nung cable na gray at ipapasok namin yung nasa loob nung cable na yun na iba't bang kulay sa rj45, at kailangan mapailaw.

Nakita ko si Falcinty na nahihirapan sa pag suksok nung iba't ibang kulay sa rj45 kaya inalukan ko ng tulong kaya inaasar ako nila John at Randy. Hinayaan ko na lang sila at lumapit kay Falcinty.

"Ganito kasi yan oh" pagsisimula ko mag pakitang gilas. Tumingin naman ako sakaniya saglit at nakita kong titig na titig siya sa ginagawa ko. Pinilit kong maipasok isa isa yung mga maliliit na makukulay na yun at para ma crimp na.

Tumingin ulit ako sakaniya, at naka tingin rin siya. "P-pa abot nga nung pang crimp" sabi ko at tinuro yung nasa likuran niyang pang crimp nung rj45. Diniinan ko yung pag crimp para sureball mapailaw. Sana tama rin yung ginawa ko sa una haha, marami kasi kaming hirap ang mapailaw yun.

"Iilaw ba yan? siguraduhin mong mapapa ilaw mo yan" sabi niya. "Oo ako bahala" sagot ko. "Tapos na" sabi ko. Kinuha niya naman at pina check kay ma'am kung iilaw. "Ayos diskarte ah" pang aasar ni Randy. "Ulol" sagot ko. "Hoy Garvey hindi naman umilaw eh" sabi ni Falcinty. "Hindi pala umilaw Garvey eh" pang-aasar naman nila John.

Lumapit ulit ako kay Falcinty. Bumili ng bagong RJ45. "Ako na ulit mag suksok" prisinta ko. Hindi niya binigay sa'kin, kasi pinipilit niya na kaya niya. "Akina nga yun" turo niya sa pang crimp na ginamit ko kanina na nasa tabi ko "Ayos na ba yan? akina nga" sabi ko at kinuha sakaniya. "Hawakan mo ulit i-crimp ko" sabi ko. Dinala niya na ulit kay ma'am. "Ayaw pa rin, nakaka inis na" inis na sabi niya at umalis. Naurat hahaha.

Nauna kaming bumaba sa baba syempre alangan sa taas diba, doon kami pumwesto ng mga tropa ko sa may Fountain. "Pasimpleng diskarte na 'tong bata natin kay Vergara" sabi ni Randy. Pinag aasar nila ako. Saktong malapit na samin sila Falcinty, nakitang kong hindi maayos ang lakad niya. Masakit ba paa niya? "Vergara ligawan ka raw ni ---" hindi ko na pinatuloy mag salita si John dahil binatukan ko. "Gago" sabi ko pero tinawanan lang nila ako. "Falcinty" narinig kong pag tawag ni Leo kay Falcinty. Lumingon naman sakaniya si Falcinty at saka sabay silang nag lakad paakyat sa Classroom naming sa 4th Floor pa.

Story of Us [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon