CHAPTER FOUR

5 0 0
                                    

- March 8, 2019 -

Ano ginagawa ni Falcinty? Ah yung sa English nga pala.

"Tapos na kayo?" tanong ni Angelo. "Paano ba gagawin?" tanong ni Niel. "Ewan ko hahaha" sagot naman ni Angelo.

"Oh sige dahil time na sa Monday niyo na lang ipasa yan, Ituloy niyo sa bahay niyo" Sabi ni Sir Garcia at lumabas na ng room.

Walang masyadong ganap as usual, nag nanakawanan pa rin ng tingin ni Falcinty.

-----------

Nandito na ako sa bahay ngayon at walang magawa. Ewan ko ba na boboring ako na ewan, pero may mga assignments kami hahaha.

Nag scroll scroll muna ako sa Facebook. Nakita kong nag shared post si Falcinty. Mga tungkol sa Wattpad yung shineshare niya. Nag babasa pala siya? Hmm.

Gusto ko siyang i chat, pero hindi ko alam paano sisimulan. Bahala na nga.

"Vergara!" chat ko kay Falcinty, medyo kinakabahan ako ah.

"Problema mo?" tanong niya sa chat, hanggang sa chat nag susungit haha.

"Ikaw" pabiro kong sagot.

Pero like zone lang natanggap ko. Hindi ba siya tumatanggap ng biro?

"Uyyy joke lang" chat ko ulit.
"May itatanong lang ako" dugtong ko.

"Ano?" tanong naman niya.

"Pwede manligaw?" ayan sana isesend ko pero binura ko ulit haha, ang panget sa chat. Dapat personal pero torpe ako.

"Paano nga yung gagawin sa English?" tanong ko.

"Ahhh, kukuha sa internet o libro ng Novels, yung summary ng napili mong Novels ipi print o isusulat mo sa bond paper tapos ididikit mo sa nakatuping ⅛ Illustration board, pati yung picture nung Novels na kukuhanin mo" sagot naman niya. Oh diba eto lang paraan hahaha.

"Ah, ano sa'yo?" tanong ko ulit.

"I.T" sagot naman niya.

"Ano yun?" tanong ko ulit, para mapahaba chat namin at may dahilan ako na i chat siya haha.

"Basta Killer Clown yun" sagot niya.

Nag tuloy tuloy kami sa pag chat, tanong kasi ako ng tanong about school hahaha, feel ko kasi hindi siya mag rereply kapag hindi tungkol sa school itatanong ko e hahaha.

"Lah tinulugan ako?" tanong ko sa sarili ko, hindi na kasi naka online. Hindi manlang nag pa alam hahaha.

Lumipas ang dalawang araw at nag cha chat na kami ni Falcinty. Sana hindi na matapos to hahaha. Tae kinikilig ako.

- March 11, 2019 -

Monday ngayon at may pasok nanaman. Ngayon lang ako na excite pumasok. Wala pa pala si Falcinty. Nauna ako sakaniya ah.

"Aga natin ah" sabi ni John. "Siyempre" nakangiti kong sagot. "Mukhang naka sinde tayo kagabi ah, Garvey hahaha" pang-aasar ni Randy.

Bigla namang pumasok si Falcinty, sa harapan siya dumadaan haha. Hindi ko maiwasang mapatingin hahaha. Parang ang Normal na hindi ngayong araw. "Baka matunaw" sabi ni Randy. "Parang kanina ka pa nakangiti, kayo na ba?" tanong niya pa. "Hindi pa" sagot ko. "Pero chinat ko siya nung Friday hahaha" kinikilig na sabi ko. "Ah puta kinikilig si Garvey" sigaw ni Randy. Napatingin tuloy sa gawi namin si Falcinty, kaya napa iwas ako ng tingin.

Story of Us [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon