- MARCH 18, 2019 MONDAY -
Lunes nanaman, wala na masyadong ginagawa sa school ngayon. Halos tapos na rin mag discuss ang mga teacher namin. Inaantay na lang ang Fourth Quarter Exam sa March 20 & 21. Tapos non tapos na ang klase namin. Ang school year 2018 - 2019. Ngayon lang ako nalungkot na mag end school year na. Bukod sa hindi pa ako nakaka amin, hindi ko na makakasama pa mga tropa ko. Kahit ganon yun sila ay mamimiss ko pa rin sila. Lalong lalo na syempre si Falcinty haha.
Sa nag daang weekends hindi ko akalaing makaka usap ko pa rin siya, pero sabagay ako lagi unang nag cha chat e haha. Nalaman ko rin na nung Saturday umuwi sila ng mama niya sa Antipolo. May bahay raw sila doon e.
Binibiro biro ko pa siya na baka hindi naman totoong nasa Antipolo sila haha. Pero nag send siya ng karatula na may nakasulat na ANTIPOLO.
Sinabi ko rin sakaniya na mag sabay kami mag break time mamaya, sana hindi ako unahan ng kaba.
"Falcinty mamayang recess ah" chat ko sakaniya.
"Oo sige lapit ka lang or mag chat ka" reply naman siya.
Yes eto na makaka diskarte na ako whoo.
Pagkapasok ko sa school ay wala pa siya. Himala ata. "Musta pre? miss mo na ba agad si Vergara?" tanong ni Ronald sa'kin. Ngumiti na lang ako at binaba ang bag ko. Pumunta kami sa tapat nung Electric Fan napaka init kasi palibhasa malapit na ang summer nanaman.
"Uy bagong rebond ah, nag sabado at linggo lang nakapag pa rebond ka na at bago pa cp haha" narinig kong sabi ni Sarmiento. Nasa labas sila ngayon. Sumilip ako sa bintana kung sino ang sinasabihan nila. Si Falcinty, bagong rebond siya, wow haha.
Pagkapasok niya sa loob nakita niya ako agad, nagtama ang mga mata namin. Bagay sakaniya ang straight na straight na buhok. Lumapit siya sa pwesto namin kaya bigla akong kinabahan. "Garvey tayo ka nga diyan, akina yung inuupuan mo, mas maayos yan e" turo niya sa kinauupuan ko. Kaunting upuan na lang ang maayos dito sa room, halos lahat sira na e.
Tumayo na lang ako at binigay sakaniya yung upuan, nilagay niya sa harap at binaba niya na yung bag niya atsaka lumabas ng room.
Nakiusyoso ang iba kong tropa sakaniya at inaasar asar ako ni Alvin na nag paganda daw si Falcinty para sa'kin haha.
Break time na, eto na. Nag ce-cellphone si Falcinty at pasilip silip sa likod kung nasaan ako. Tinignan ko naman ang Phone ko kung nag chat siya, hindi naman. Paano ba.
"Tara?" aya ko sakaniya sa chat, kinakabahan talaga ako lumapit.
"Uy Fal tara na" aya ni Sarmiento sakaniya. Nag aalangan siya tapos tumingin siya sa'kin, parang sinasabi niyang lumapit na ako, lapit na ba ako? "A-ano mag sabay daw kasi kami ni G-garvey ngayon e" sagot niya kaya napatingin sila sa'kin. Patay. "Hoy Garvey inaaya mo raw si Falcinty tara na" sigaw ni Sarmiento. Tumango na lang ako at nag takip panyo. Kinakabahan kasi talaga ako. Tatayo na sana ako kaso palabas na sila kaya umupo na lang ako ulit at chinat siya.
"Falcinty sorry nahihiya kasi talaga ako" chat ko sakaniya. Kung alam mo lang na gusto kita makasama.
Hindi siya nag reply agad, hays sayang naman. Sa lunes na yung J.S Prom pero hindi pa rin ako nakaka lapit. Paano na lang sa J.S?
"Okay lang haha" reply naman niya. Galit kaya siya?
"Baka galit ka? Sorry talaga" chat ko pa, baka galit kasi siya, mahirap na baka mawalan pa ako ng partner haha, biro lang.
BINABASA MO ANG
Story of Us [ON-GOING]
RomanceSa buhay talaga natin, may makikilala tayong gugustuhin nating makasama pang habang buhay. Pero hindi natin alam kung paano ito mangyayari, kaya sunod na lang sa daloy ng buhay. Kung kayo ay pinaglayo na ng tadhana dapat niyo pa bang paglapitin ang...