CHAPTER ONE

11 0 0
                                    

June 4, 2018 ( Monday )

First day of school nanaman. Panibagong bagsak year nanaman hahaha. Maaga ako nagising ngayon kahit mamaya pang 12:30PM ang pasok namin. Ewan ko ba parang tinatamad na na e-eexcite ako pumasok hahaha. Ang totoo naman kasi niyan e hindi ako matalino, lagi ngang pasang awa grades ko. Pinipilit kong maging matalino pero hindi talaga kaya ng utak ko e, ginagawa ko pumapasok na lang ako araw-araw para sa baon at kahit papa ano ay maka perfect Attendance ako haha.

Lumabas na ako ng kwarto para maka kain na ng Almusal, maaga pa 7:30AM pa lang. "Oh apo ang aga mo naman yatang nagising? diba alas dose pa ang pasok niyo sa eskwela?" tanong ni nanay Arsing. Lola ko si nanay Arsing, nanay ng mama ko. "Aga ko nga po nagising nay e" sabi ko kay nanay at nagkamot ulo. "Ano pong ulam nay?" tanong ko habang nag sasandok ng kanin. "May hotdog diyan sa lamesa kumain ka na, ang ate mo naman ay pumasok na rin sa skwela, sige kumain ka muna diyan at lalabas lang ako" sabi ni nanay at lumabas na nga.

Ako na lang mag-isa ulit dito sa bahay, ang Ate Diana ko ay pumasok na. Grade 11 na siya. Accountancy and Business Management or ABM ang Strand na kinuha ni ate. Sila tita naman ay nasa trabaho.

Nang matapos akong kumain at uminom ng kape ay nag hugas na ako ng pinag kainan ko at pumasok na ulit sa kwarto ko para i ayos ang uniform na susuotin ko mamaya, pati na rin yung mga bagong gamit ko sa school. Hindi rin naman ako masipag mag-aral kaya bakit pa kailangan bago hahaha.

Grade 9 na ako ngayon, kahit puro pasang awa ang grades ko haha, kaya wala rin nagkakainteres na babae sa'kin dahil hindi ako matalino at tamad pa mag-aral. Sabi nga nila mas mabuti pa raw yung mga nasa Wattpad matatalino at gwapo daw. Sus puro asa sa mga ganon, hindi naman iyon nag e-exist.

12:00PM na pero kumakain pa lang ako ng tanghalian, syempre dapat late tayo hahaha. "Ano na Diether? bakit kumakain ka pa lang? alas dose na, bilisan mo na diyan at nag hihintay at naka ayos na ang mga pinsan mo sa labas" sabi ni nanay inaantay na lang pala ako ng mga pinsan ko hahaha.

Nang matapos akong maligo siyempre nag pa pogi ako, baka may nga classmates akong magaganda e hahaha, biro lang. Nag pabango ako at inayos ang buhok kong bagong gupit. "Ayan pwede na" sabi ko sa sarili ko. Puro pa ako pa pogi eh hindi naman ako pogi hahaha. Matapos kong mag-ayos ay lumabas na ako.

Nakita ko ang mga pinsan at kaibigan kong nasa labas na at inaantay ako. "Antagal mo naman pre, para kang babae kumilos hahaha" sabi ng pinsan kong si Noli. "Gago" mura ko sakaniya. Sumakay na kami ng jeep papunta sa school namin. Andaming tao ngayong unang araw, sabagay lahat naman pumapasok sa unang araw para kunwari mabait, kagaya ko hahaha. Mag a-ala una ng maka pasok kami, hindi kami mag kakaklase, Section 10 ako sa bagong building ang room ko at 4th Floor pa, sila naman hindi ko alam basta may lugar kaming pagkikitaan kapag pag-uuwi na hahaha.

Umupo ako malapit sa dulo, puro bago ang upuan at unahan na lang talaga na maka upo doon, karamihan babae syempre gustong umupo sa bagong upuan, pero ako gusto ko din no, ayoko nga sa sirang sirang upuan. Nakatabi ko ang kakilala kong si Angelo, ewan ko kung saan ko nakilala 'to hahaha.

Maraming pumapasok na mga kaklase ko, babae, lalaki, bakla, tomboy, biro lang hahaha. Habang nakatingin ako sa pintuan at pinapanood ang mga kaklase kong pumapasok at nag hahanap na ng mauupuan dahil naubos na yung bagong upuan, puro lumang upuan na lang na nasa likuran namin ang meron. Hindi ko napansin may umupo na palang dalawang babae sa likuran namin. Hindi ko naririnig na nag dadaldalan, ang babait naman pala haha.

Pumasok na ang adviser namin, English Teacher namin. "Good afternoon Section 10, sa mga hindi nakaka kilala sa'kin ako si Danny Garcia ang inyong pansamantalang adviser" sabi ng Adviser namin, nag papatawa siya nung brigada kaya siguradong masaya ang school year namin. "Kaya pansamantala kasi walang permanente, parang mga jowa niyo" biro ni Sir hahaha. Sana lahat meron jowa hahaha. NGSB kasi ako e, totoo yun. Wala pa akong nagiging Girlfriend, gusto ko kasi First love ko makatuluyan ko e. Oh diba baliw lang, kalalaki kong tao haha.

Story of Us [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon