Milk Tea

168 8 2
                                    

©sturmerei, 2018

Year written: 2015

This is a work of fiction. Names, characters, bussiness, places, and events are products of the Author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events, is purely coincidental.

🌙

Isang araw, naisipan kong pumunta sa isang milk tea shop. Hindi ko aakalain sa isip ko na pumunta sa shop na yun. Doon ko pala makikilala ang prince charming ko na milk tea lover rin pala. So dito yun nag simula..

Pumunta ako sa isang Milk Tea shop upang bumili ng paborito kong tea— Ang Wintermelon Tea. Naalala ko nung una akong pumunta dito. Ewan ko ba, dinala nalang ako basta ng paa ko dito. Joke lang. Naghahanap kasi ako noon ng Watermelon Shake hanggang sa nakakita ako ng nakapaskil sa isang tea shop, "Wintermelon Tea" daw. Best milk tea in the Philippines.

Hay, sa sobrang adik ko talaga sa Watermelon kahit konti lang ang dala kong pera ayun, gumora pa din ako sa tea shop na yun.

"Puta naman oh," pabulong kong sabi nung nakapasok na ako sa Tea shop. Di ko akalain na gintuin ang presyo ng tea shake dito. Nasanay na ako sa lima-limang pisong shake sa kanto. Yung kahit bente pesos lang ang meron ka, mabubusog ka na. Syempre nandyan ang kwek-kwek, fishball, kikiam, at kung ano ano pang street foods. Iba talaga pag mahirap.

Eto na, oorder na ako. Di ko na sinilip ang laman ng bulsa ko kasi alam ko namang meron akong dalang pera. Kaya ito umorder na ako, habang naglalakad na ako papunta sa counter para umorder, may nakasabay akong gwapong gay— este guy.. tapos noong nakarating na kami sa counter, hindi ko akalain na magkakasabay kami na sabi na "Wintermelon nga po" mag sasabi sana ako ng jinx kaya lang nahiya naman ako. Myghad, meant to be ata kami, pareho kasi kami ng bibilhin eh.

Nung matapos na akong bumili, sinimulan ko ng inumin yung milk tea to think na nakalimutan ko ng magbayad. At sa hindi ko inaasahang pagkakataon, tangina bente pesos lang pala ang dala ko! 125 kasi yung milk tea, nagpapanic na ako kasi nasimulan ko ng inumin eh huhuhu until, "Any problem miss?" sabi sakin ni ka-tadhana. Hehe wag kayong maingay.

"Huhuhu baka pwedeng makahiram kahit 105 lang. Huhuhu sige na please." nakaluhod na ako kay guy at nakayakap sa tuhod niya. Huhuhu tae kasi oo ako ng may balat sa pwet.

"Pfft. Get up miss. I'll pay for it." sabay abot ng 200 kay ate counter. Huhuhu gusto kong umiyak sa kahihiyan, namumula na ako oh.

"Waaaaaah maraming salamat kuya!! Huhuhu hulog ka talaga ng langit. Pano ako makakabayad sa kabutihan mo? Huhuhu" I said as I hug him. Hehe ang bango niya puta dumadamoves ako eh hahaha

"Hmm. Join me." sabay hila sakin patayo at dalhin sa may table sa may dulong part.

"Hihihi sige." tangina naiintimidate ako sa kagwapuhan niya.

"I'm Teajay. And you are?"

"Hihi. Milky."

Tapos ayun, nagkwentuhan kami ng kung ano ano. Kung bakit niya favorite yung milk tea. Kung anong favorite color, quotation. Mga ganun. Hahaha ang sarap nyang kakwentuhan. Di ko namalayan na 9:00 PM na pala. Kaya nag decide na kaming umuwi besides mukhang galit na si Kuya Guard kasi kami nalang ang nandito eh yun lang inorder namin. Hahaha

"So, nice talking with you Milky. Ano, bukas ulit?"

"Hahaha oo naman TJ. Sige, dito na ako" sabay turo ko sa Sesame Street.

Milk Tea - One ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon