Chapter 14

8 3 0
                                    

Dumating kami sa lugar kung saan man kami papunta. Hindi ako pamilyar sa lugar dahil ngayon lang ako nakarating dito, hindi naman maipagkakaila iyon. Ng makababa sa shotgun seat ay nilamig agad ako dala narin ng malamig na simoy ng hangin at hindi pa nakakatulong ang may kanipisang tela ng damit na pinasuot sa akin ni Kuya. Ngayon ko lang din napagtanto na dapat palang nagdala ako ng diyaket dahil paniguradong lalamigin ako. Mahina pa naman ako sa mga malalamig na lugar. Nasa harap ko ang isang mall, malamig na dito sa labas at paniguradong malamig din sa loob. Ilang segundo pa akong tumitig sa matataas na gusali sa paligid bago napag-desisyunang pumasok sa loob ng mall. Ang sabi ni Kuya hintayin ko daw s'ya sa loob dahil ipa-park pa n'ya ang sasakyang dala. Ewan ko ba at hindi nalang n'ya ako isinama.

Ipinag-krus ko ang braso sa harap ng dibdib at napapabuntong hininga habang hinihintay na dumating si Kuya. Nakiupo ako isang table sa harap ng isang restaurant hindi kalayuan sa entrance para madali kong makita si Kuya kapag dumating. Mainipin akong tao kaya maya't- maya naman ang pagtingin ko sa relong bisig na suot ko. Habang umiikot ang kamay ng relos ko ay mas lalong nadadagdagan ang pagkainip ko. Napatingin na rin sa'kin ang guard dahil napansin ata nitong kanina pa ako nakaupo at naghihintay rito.

Halos mag-kakalahating-oras ang itinagal bago s'ya makarating. Sisitahin ko sana s'ya kung bakit ang tagal pero mas nangingibabaw ang pagtataka ko ng makitang may kasama siyang isang babae. Isang tingin palang hindi maipagkakailang maganda s'ya. Hanggang leeg s'ya ni Kuya pero sa tingin ko kung tatanggalin n'ya ang heels na suot ay hanggang balikat lang talaga s'ya, hindi sa pagiging judgemental pero iyon ang totoo. Ngunit kahit gano'n, mas nangingibabaw pa rin talaga ang ganda niya. Hindi ko mapigilang mapahanga. Hindi pa man s'ya gaanong nakakalapit amoy ko na ang pabango n'ya na mukhang mamahalin. Magara ang suot na damit at babaeng-babae manamit.

"Uhm I'm sorry for making you wait." Sabi ni Kuya kaya napa dako na sa kan'ya ang paningin ko.

"Dae, this is Zandra...Babe, this is my sister." Pagpapakilala n'ya sa'ming dalawa. Bahagyang napataas ang isa kong kilay ng marinig ang babe sa sinabi n'ya. Hindi nababanggit sa'kin ni Kuya na may girlfriend na pala s'ya.

"Hi, it's nice to finally meet you." Malamyos ang boses na sambit nito. 'Finally meet you'? Kilala niya ba ako?

"Uh you're brother used to tell me about you." Nakangiti pa ring sabi nito sa'kin. Mukhang nahulaan 'ata ang nasa isip ko.

"Ah gano'n ba. Hi." Hindi gaanong kumportable na sagot ko rito bago tinanggap  ang kamay nitong kanina pa nakalahad.  Hindi ko alam ang sasabihin. Bigla akong nahiya sa lambot ng kamay n'ya kaya bumitaw din ako agad. Mabuti pa s'ya malambot ang kamay samantalang sa'kin kulang nalang semyentuhin sa gaspang dala narin ng dating pagtatrabaho sa bukid doon sa probinsiya.

"So...let's go?" Yaya ni Kuya kaya tumango nalang ako.

Pinauna ko silang maglakad at nakasunod lang ako sa kanila, hindi ko rin naman alam kung saan pupunta. Akala ko pa naman kaming dalawa lang ni Kuya Sin, nagmumukha tuloy akong third wheel. Kung alam ko lang, dapat pala niyaya ko din sina Kuya Damon at Kuya Zamer o kaya naman si Ate Dan. O mas mabuting dapat hindi nalang pala ako sumama.

"Are you okay?" Napabalik ako sa wisyo ng makarinig ng boses sa tabi ko. Ng mapatingin dito ay bumungad sa'kin ang maamong mukha ng babae ni Kuya. Napalayo ako ng konti sa kan'ya. Ang lapit naman kasi ng mukha n'ya.Hindi ko s'ya sinagot at ginawaran nalang ng tipid na ngiti. Nasa tapat kami ng Chatime at nasa loob pa si Kuya. Hindi talaga ako kumportable makipag-usap sa mga babaeng katulad ng nasa tabi ko ngayon. I mean, tingnan mo naman...hindi kami magkalevel at kung pagdidikitin kaming dalawa magmumukha akong personal assistant n'ya. Sa sobrang ganda n'ya bagay na bagay sa kan'ya maging artista.

Rebellious Compassion (LS Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon