Chapter 25

6 2 0
                                    

"Dre! Ikaw lang ang lalaking pinagkakatiwalaan ko sa prinsesa namin. Huwag mo sana akong biguin." Nagugulat ako sa mga naririnig. Nagtatago ako sa pader habang nag-uusap sina Kuya Sin at Aldrus sa veranda. At hindi ko gustong ako ang pinag-uusapan nila.

"I know, I know. I respect her a lot. Wala akong gagawin na ikakadisappoint mo. That's why I'm asking for her brother's permission. Lalaki sa lalaki pre. I want to tell this to Tito but he's nowhere to be found."

"May tiwala naman ako sa'yo pre. Pero nasa kapatid ko na iyon kung papayag siya. Ang tanong, gusto ka rin ba niya?" Hindi pagsidlan ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko nagugustuhan ang pinag-uusapan nila kaya minabuti kong itigil na ang pakikinig at i-lock ang sarili sa kuwarto. Halos naririnig ko na ang kabog sa dibdib ko. Nanginginig din ang kamay ko sa hindi ko malamang dahilan. Kinakabahan ako. Ayokong maipit sa ganitong sitwasyon. Ang gusto ko lang magpokus sa pag-aaral ko. Ayoko nang ganito.

Lumipat sila ng bahay kahapon kaya medyo napanatag ako dahil hindi na niya ako laging makikita. Pero ngayon ay sinusundo niya ako para sabay na daw kaming pumasok sa school . At ang aga pa niya, sinigurado talaga niyang maaabutan pa ako. Wala naman akong nagawa kundi pumayag dahil kung minamalas naman ay wala kaming driver ngayon, mabuti naman at sumabay sa amin si Kuya Zamer.

"Z, puwede ko ba mahiram kapatid mo mamaya?" Maya-maya'y pagkausap ni Aldrus kay Kuya Zamer kaya napakuyom ang kamao ko. Hinihiling kong hindi pumayag si Kuya Zamer ngunit halos pagbagsakan ako ng langit at lupa nang pumayag siya ng wala sa oras. Hindi man lang ako kinunsulta kung papayag din ako. Nakakainis si Kuya.

"Hindi puwede, may gagawin ako mamaya." Ako na ang nagsalita para mailigtas ang sarili ko.

"Ano gagawin mo? Tulungan nalang kita." Si Aldrus na naman.

"Ah hindi na, kaya ko mag-isa." Tumango naman siya.

"Pero pagkatapos ng gagawin mo, puwede ka?" Pangungulit pa nito kaya napapabuntong hininga ako sa backseat.

"Hindi. Baka matagalan ako." Wala naman talaga akong gagawin, ayaw ko lang makasama na naman siya mamaya.

"Hm sige, marami pa namang next time." Hirit pa nito pero hindi na ako sumagot. Hindi talaga niya ako titigilan.

Nakarating kami sa eskuwelahan. Agad akong bumaba at hindi na sila hinintay pa. Pumasok agad ako sa classroom namin. Ako ang natawag ni Miss Adecer na tulungan siyang ilipat ang mga libro sa elementary library since ako palang ang nadoon, napakaaga pero okay na rin 'to kaysa mangulit na naman sa'kin si Aldrus.

Pero dahil maliit lang talaga ang mundo. Aksidente kaming nagkita ni Aldrus sa elementary department kaya agad siyang dumalo sa akin at tinulungan akong magbuhat ng mga libro kaya naman mas napabilis din ang paglilipat ng mga ito. Nagpasalamat ako sa kaniya sa pagtulong. Ang sabi niya, nandoon daw kasi pamangkin niya kaya binisita niya ito. Ngayon ko lang din nalaman na may kapatid siya dahil hindi ko naman ito nakikita, pamilyado na kasi.

Agad na akong nagpaalam at bumalik sa room. Sakto at malapit na rin magsimula ang klase nang bumalik ako. Matapos ang maghapong klase ay agad akong natulog sa sabay para kung sakaling bulabugin ako ni Aldrus ay natutulog ako.

Dumating ang foundation day. Naglibot lang kami sa school buong maghapon. Kasama ko sina Ania, AJ, Aldrus at Harvin. Bago lumubog ang araw ay sinabi nina Aldrus na may plano silang magperform para daw kay AJ. Isusurprise din nila si Ania kaya pumayag ako. Naiwan kaming dalawa ni Ania dahil may binibili pa siya sa isang food stall. Nang matapos ay hinila ko na siya agad sa grupo ng tao na nagkukumpulan sa harap ng stage kung saan may mga kumakanta. Pinili kong pumesto kami sa harap ng stage para mas kita ng maayos.

Gaya ng inaasahan ay aliw na aliw ang mga tao sa kanta ng tatlo. Sa totoo lang puwede na silang bumuo ng banda. Ang masasabi ko lang, magaling. Nakuha pang purihin ni Ania ang kanta nila dahil paniguradong nag-enjoy din siya. Ngunit ang mahangin na si Aldrus ay nagsimula na namang ipagyabang ang talento daw niya. Matalino nga siya sa pagtugtog ng mga instrumento at nagawa din niyang magsecond voice pero ang yabang niya nag-uumapaw na kaya ako naman ay todo tanggi sa mga pinagsasabi niya.

Rebellious Compassion (LS Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon