Chapter 09

17 2 0
                                    

Heto ako ngayon. Naglalakad mag-isa sa gitna ng gabi habang bitbit bitbit ang mga gamit. Talagang sineryoso ni dad ang pagpapalayas sa'kin. Nakakatawa talaga. Ni hindi man lang n'ya ako pinakinggan. Hindi man lang sinigurado kung ako ba talaga iyon. At alam ko sa sarili ko na wala akong ginagawa na kagaya ng ibinibintang n'ya.

Si mama, kanina alam kong gusto n'yang tumanggi sa mga ipinaparatang sa'kin ni dad at ipagtanggol ako ngunit para bang may pumipigil sa kanyang gawin iyon. Wala s'yang ginawa. Hindi pa nakatulong na wala sa bahay ang mga Kuya ko kanina. Saan naman kaya ako mapapadpad ngayon? Bahala na.

Umupo muna ako sa gutter sa gilid ng daan at pinanood ang mga taong parito't paroon pati ang mga sasakyang halos hindi na umusad dahil sa traffic. At kung minamalas nga naman ako kung kailan pa ako nagpapahinga saka naman unti-unting bumuhos ang ulan kaya nakuha kong makipagsiksikan sa waiting shed na hindi kalayuan sa puwesto ko kanina. Ni payong wala akong dala. Umalis ako ng bahay ng walang nakausap, miski si mama ay hindi man lang nag-atubiling tumakbo sa kwarto ko at kausapin ako. Ni hindi ko rin s'ya mahanap kanina kaya umalis na lang din ako dahil iyon din ang gusto ni papa. Parang gano'n na lang ba kadali na palayasin ang sarili n'yang anak? Parang wala silang pakialam. Sana hanapin ako ng mga kuya ko, pero kahit naman mangyari iyon ay hindi dapat ako umasa na lang sa kanila dahil katulad lang din nila ako.

Hindi din ako makatawag dahil low battery ang cellphone ko tapos naiwan ko pa ang charger. Ni wala din akong pera. Ano na ngayon, mamamalimos nalang ako? Grabe namang kapalaran 'to, hindi pa nga ako handang bumagsak hinila na ako pababa. Ang plano ko sana ay uuwi na lang ng probinsya pero pa'no naman mangyayari iyon ngayon mismo kung bente pesos lang naman ang laman ng wallet ko? Saan aabot ang bente pesos na 'to? Sa Cornetto?

"Hanggang kailan ba ako mananatili sa ganito?" Tanong ko sa sarili.

Tumingala ako sa buwan pero hindi din kita iyon dahil sa makulimlim na panahon at maulang gabi.

"Opo, opo ate Jelaine basta mag-text ka sa'kin kapag nakuha mo na ha? Oh?... Ay gano'n ba sige sige na at pauwi na rin ako! Oo sige bye!" Rinig na rinig ko ang boses ng babaeng may kausap sa telepono hindi kalayuan sa'kin. At ng mapaharap ito sakin ay agad akong napaiwas ng tingin at tinakpan bahagya ang mukha ng panaklong ng jacket na suot ko. Isa iyon sa mga kaklase ko. Nakahinga rin ako ng maluwag ng makitang wala na s'ya kanina ng napatingin ulit ako.

Halos isang oras na 'ata akong nakatayo rito at hindi pa tumitila ang ulan. Paunti na ng paunti ang mga katabi ko dahil sa sila ay nakasakay na ay ang ilan naman ay may sumundo pa. Halos mapatalon naman ako sa gulat ng makita si Rona na kaklase ko sa mismong tabi ko. Kaming dalawa na lang ang nandito. Akala ko pa naman umalis na s'ya kanina. Ngayon wala na akong kawala dahil alam kong kilala n'ya ako. Ayoko lang ng kausap at mapagsasabihan ng problema ko.

"Hi!" Maligayang bati nito sa'kin habang abot sa tenga ang ngiti. Gan'yan talaga s'ya, masayahin, madaldal at pala-kaibigan pero ni isang beses sa loob ng paaralan ay hindi ko s'ya nakakausap dahil ako mismo ang umiiwas. Toka na ako sa kakulitan ni Aldrus at ayoko ng may dumagdag pa. Pero ito na nga.

"Hello." Mahinahong sabi ko. Naiilang.

"Maulan....wala kang payong ano? Hindi pa siguro titila 'yan. Mabuti pa umuwi ka na, ay teka may susundo ba sa'yo?" Pagkausap nito sa'kin. Tanging pag-iling lang ang nagawa ko.

"Nasaan ba ang mga Kuya mo at hindi ka manlang masundo." Pabirong tanong nito. Hindi ko s'ya sinagot. Hindi ko naman masabing napalayas ako sa'min, mas nakakahiya iyon.

Rebellious Compassion (LS Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon