Episode 4 : Know something backwards and forwards
Astra
Moments are vital parts of our well-being. It's the very thing that makes us unique. It holds our identity. Hindi mo masasabing tao ka kung walang pangyayari sa buhay mo na pinaghahawakan mo to keep yourself alive.
In order for us to hold onto the best and worst moments in our life, we need to have memories. Without memories, moments will just be a history that no one recorded.
Sabi nila ang utak ng tao para lang storage ng cellphone o parang isang memory card. May limit lang ang capacity nito kaya hindi lahat mailalagay at mananatiling naka-input. At some point, kailangan mong burahin 'yung ibang files na hindi mo naman kailangan para magkaro'n ulit ng bagong space.
But what if, hindi mo naman intensyon na burahin ang mga files na 'yon? What if ang utak mo ay isang USB drive na may virus, at kusa nitong nabura ang mga mahahalagang files na laman nito kaya hindi mo na naibalik?
My mind is like a USB drive with a virus.
I was 16 years old nang ma-diagnose ako with dementia. Kaya madalas, may mga nakakalimutan akong pangyayari sa buhay ko. Minsan may mga salita sa isip ko na hindi ko mabigkas kasi for a moment, nakalimutan ko kung anong tamang term, o kung tungkol saan nga ba ang pinag-uusapan namin ng kausap ko.
Sa halos dalawang taon, namuhay ako na araw-araw nababawasan ang memorya ko.
Your brain can forget but your heart can't.
That's partly true.
Halos lahat ng natitirang ala-ala sa akin ay either tungkol sa masasayang memories ko noong buhay pa ang mga magulang namin o no'ng mga panahon na kumpleto at masaya pa kaming pamilya, o kaya naman 'yung araw na mawala ang mga magulang namin. Nakakatawang isipin na kung ano pa 'yung mga bagay na gusto kong makalimutan, 'yun pa 'yung mga bagay na hindi maalis sa utak ko kahit isang araw lang.
My illness is not deadly---yet.
Sabi nila, kapag lumala baka magkaro'n kami ng mas malaking problema where in makalimutan kong huminga. I searched through the web and it's stated that most of the patients who were diagnosed with dementia died because they forgot how to breathe.
No'ng una kong malaman na p'wede na akong mamatay any moment, sandali akong kinabahan. Naisip ko kung sinong mag-aalaga kay Elmond. Kung sinong aakyat sa stage tuwing graduation at magsusuot ng medal sa kaniya. Eh no'ng bagong tuli nga siya ako 'yung kasama niya samantalang 'yung mga kasabayan niya puro tatay nila ang kasama sa loob ng clinic.
BINABASA MO ANG
Fragments of the Universe
FantasyStand-alone Story | She met her variant, and apparently he's a he. *** A novel. After losing their parents at a young age, Astra with her brother, Elmond, became an orphan who later on was adopted by their aunt. Astra is about to lose herself and he...