Episode 15 : You tell the Luna
Astra
Ito na yata ang pinakamahabang araw sa buong buhay ko.
Simula nang umalis si David at gumiho, hindi na namin alam kung anong nangyari sa kanila. Nasira yata ang linya ng kuryente at internet kaya kung may nangyayari man ngayon sa paligid namin, wala kaming alam.
Halos tatlong oras pa lang makalipas nang umalis sila David at gumiho sa studio. Hanggang ngayon naglilinis pa rin kami pero kaunti na lang naman dahil naayos na namin ang mga nagulong gamit kanina.
Ayun nga lang sobrang damit kalat dahil may mga bubog at iba pang gamit na nasira, kaya kailangan na ring itapon dahil hindi naman na mapapakinabangan.
Gusto ko sanang sumunod kila David at gumiho. Pero hindi ko naman alam kung saan sila hahanapin. Isa pa, mag-aalala lang din ako sa mga magulang ko at kay Elle kung sakaling umalis man ako pagkatapos ay magkaro'n ng after shock.
Nang magising ako, halos patanghali na rin pala. Kaya nang matapos kaming maglinis, inaya na ako nila mama na kumaih. Kasabay namin si Elle na tila tulala simula nang maka-alis sila gumiho. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak niya, kaya nang matapos kaming kumain, sinundan ko siya sa kung saan siya papunta.
Huminto siya sa may hardin na ngayon ko lang nakita sa studio. Marahil sinabi sa kaniya ni gumiho ang daan dahil hindi madaling mapuntahan ito kung hindi mo lang din alam ang pasikot-sikot sa studio.
Naramdaman yata niya ako sa likuran niya kaya lumingon siya. Halata sa mukha niya na hindi niya inaasahang makita ako, pero wala naman na siyang nagawa nang umupo ako sa isang bench na katabi ng maliit na fountain na nasa gitna ng garden. Kung maaga ko sanang nadiskubre ang parte na ito ng studio, baka dito ako tumambay kagabi at hindi ako sumama kay David sa may balkonahe.
"Bakit ka nandito?" walang ganang tanong ni Elle bago siya umupo sa tabi ko.
"Bawal ba?" tinaas ko ang pareho kong kilay bago ako tumingin sa kaniya.
"Sinabi ko ba," aniya kaya kumunot ang noo ko.
"May dalaw ka ba?" tanong ko sa kaniya pero imbis na sumagot, lumingon lang siya sa kaliwa niya, umaktong iniiwasan ako. Nilaro niya 'yung bulaklak na pinakamalapit sa kaniya. "Elle, may problema ba?" tanong ko pero hindi ulit siya sumagot, kaya hinayaan ko na lang muna siya.
Ganiyan naman lagi siya kapag may problema. Hindi niya muna sasabihin sa akin, Gusto kasi niya siya mismo ang maghahanap ng solusyon sa problema niya. ALthough binibigyan ko naman siya ng advices kapag nararamdaman ko kung anong problema, madalang na sundin niya ako. Madalas pa rin niyang sinusunod ang kung anong gusto niya.
And that's fine. It's her life, not mine. I'm just here to guide and support her. 'Yun din naman ang sabi niya sa akin noon. Hindi ko p'wedeng pilitin ang mga tao na gawin ang gusto kong gawin nila. In the end, it's still up to them kung anong desisyon nila.
BINABASA MO ANG
Fragments of the Universe
FantasíaStand-alone Story | She met her variant, and apparently he's a he. *** A novel. After losing their parents at a young age, Astra with her brother, Elmond, became an orphan who later on was adopted by their aunt. Astra is about to lose herself and he...