Masyadong maraming tao sa club, hindi ko siya mahanap sa dami ng tao. Nilibot ko pa ang tingin ko sa bawat bar counter para mahanap siya. I really can't see her, her voice sounds like a music to my ears. Ang hinhin ng boses niya sa pandinig ko.
"Hey pare! I didn't know na nagbabar hopping ka pala." Napalingon naman ako sa lalaking tumapik sa balikat ko.
"Ah, kasama ko si Mark. Nagyaya so, I accompany him." Tumango naman ito saka nagpaalam na umalis.
I think hindi 'to ang tamang oras para mahanap siya, l hope makita ko siya sa susunod na yaya ni Mark.
Bumalik na ako sa couch kung saan ko iniwan si Mark, nagulat na lang ako at may kahalikang babae na si Mark. Tarantado 'to, iniwan ko lang rito saglit bigla na agad may kahalikan.
"Amy, I miss you."
Rinig ko pang sabi niya sa kahalikan niyang babae, nagulat pa ako ng sinampal siya nito.
"Asshole! Hindi ako si Amy!" Sabay alis nito sa kandungan ni Mark. Mukhang natauhan naman ata si Mark kaya napaayos ito ng upo.
"Shit, Akala ko siya si Amy. Damn, I miss her." Mukhang malaki nga talaga ang problema nito sa babae.
"Tara na Mark, mag aaral pa tayo bukas." Tumayo na ito at saka inayos ang sarili, alam kong ayaw niyang magsabi ng problema niya pero alam ko sa sarili ko na meron siyang pinagdadaanan sa buhay, masyadong mahigpit sa kanya si Tita simula noong maagang nakapag asawa ang kuya niya.
Siya na lang inaasahan ng mama niya para makaahon sila, kaya siguro nasa kanya na lahat ng pressure.
"Okay ka lang?" Tanong ko rito ng mapansin kong tahimik siya.
"Oy gagi! Oo naman, nawala yung pagkalasing ko dahil sa babae na 'yon, I thought it was Amy." Rinig ko pa ang pagbuntong hininga niya.
"Oh, your girlfriend?"
"Hindi, nakita ko lang din siya sa Bar. May kasama siyang babae noon, pero siya yung nakakuha ng atensiyon ko, pare." Natawa na lang ako, lakas ng tama oh.
"Siraulo, tara na nga. Mag aaral pa tayo, punta kang cafe bukas. Sunday naman bukas kaya kailangan nating mag aral, pinagbigyan lang kita ngayon dahil mukhang kailangan mo." Saka ko pinatunog ang car alarm ng makita ko na ang sasakyan namin.
"Salamat pare." Ngumiti pa 'to, I just nod to him bago kami sumakay sa sasakyan namin. I guess, sasakit ulo ko nito bukas. Huwag naman sana.
----
Maaga akong nagising dahil sumisigaw na naman si Mama sa labas ng kwarto ko.
"Anak, bumangon ka na riyan!"
"Mom! Gising na po!" Sigaw ko pabalik bago pumasok sa banyo.
Nang matapos akong maligo agad naman akong bumaba para saluha na sila sa hapag.
"Ikaw talagang bata ka, kanina pa rito si Mark. Mag aaral daw kayo." Nagulat pa ako nung banggitin niya si Mark.
![](https://img.wattpad.com/cover/257453892-288-k357975.jpg)
BINABASA MO ANG
You're Connected To Your Soulmate
FanficWhat if you're really connect to your soulmate? What would you do if you are on Ace place?