“F-FUCK! Ang baho!” malutong na sigaw ni Sefarino habang nakatakip ang isang kamay sa ilong at ang isa naman ay iwinagayway sa ere upang mawala ang mabahong amoy na nanggagaling sa diaper ng anak na babae na ngayon ay tumatawa lang na nakatingin sa kaniya.
Kahit na nahihirapan ay pilit na ngumiti si Sefarino saka mahinang kinurot ang pisngi ng sanggol. “You’re really cute but,” napahinto siya sa pagsasalita sabay tingin sa diaper na nasa basurahan ’tapos napapunta ang mga mata sa maduming pwetan ng bata, “what should I do?”
“Dad, just do it right!” sigaw pabalik ni Safarel habang kinukuha ang diaper sa itaas ng lamesa. “Use those things to clean her then put this diaper on her!” Tinuro pa ni Safarel ang mga gamit na nasa isang lalagyan.
“Argh! I know, son. Just... I just need a break for 5 minutes,” pagod bulong ni Sefarino pero agad nangunot ang noo ni Safarel saka inis na tinapon ang mga diaper kay Sefarino. “I need Raz, right now.”
“Dad, she can’t wait for 5 minutes and why do you need a break in changing a diaper?” Patuloy pa rin sa pagtapon si Safarel ng diapers pero sina habang si Sefarino ay mabilis itong sinalo lahat.
“Hey, young man. Baka matamaan mo ang kapatid mo,” saway ni Sefarino habang nakatingin kay Rafa ngunit napangiwi siya nang hindi na maipinta ang mukha ng bata. Kaya napabulong siya, “Oh, fuck!”
“Rafa, hindi ikaw ang pinagsabihan ko, iyong kuya mo,” malambing na saad ni Sefarino pero napangiwi siya nang hindi ito umepekto.
Iyak ni Rafa ang tanging maririnig sa loob ng silid habang si Sefarino ay hindi alam kung ano ang gagawin. Hindi niya ito kayang kargahin dahil hindi pa ito malinis. Taranta niya itong pinunasan habang nilalambing ang anak ngunit hindi pa rin ito tumigil sa kaiiyak.
“Hey, baby, just don’t cry. You’ll loose your voice,” saad ni Sefarino pero hindi pa rin ito tumigil. “Just calm down.”
“Pfft!” Hindi na napigilan ni Raziel at napatawa na siya nang tuluyan. Galing siya sa baba dahil pinagtimpla niya si Rafa ng gatas at ito ang eksenang nadatnan niya. Walang humpay pa rin sa katatawa si Raziel dahilan para mapatingin si Sefarino na nagmumukhang napuno na sa utang.
“Raz,” nagmamakaawang sambit ni Sefarino habang pinapawisan na, “help me.”
CHAROT LANG PO!
BINABASA MO ANG
Unbiased Fate - [MPREG]✓
Vampire[HELLO! LET ME REMIND YOU THAT THIS STORY CONTAINS BOYS LOVE (stories/relationships between male characters) SO THIS STORY ISN'T FOR YOU TO READ IF YOU'RE NOT INTO BL. THANK YOU!] [Read the first book titled "VAMPIRE SERIES 1: TWISTED FATE" before r...