TF: 02
Makalipas ang ilang araw, sa bahay ng mga Lazarus ay ang naiinis na si Sefarino habang kausap ang ina.
"What?" gulat na tanong ni Sefarino sa ina niyang si Elerah.
"Son, kawawa naman si Traz kapag walang sumundo sa kanya," sagot naman ni Elerah pero umismid lang si Sefarino saka tumungo ito sa kusina, sumunod naman si Elerah sa kanya. "May sakit ang mga magulang ni Traz kaya hindi sila makakasundo, tutal wala ka namang gina—"
"No!" inis na sabi ni Sefarino dahilan para mapakunot ang noo ng lolo nito na si Edoardo.
"Bakit ang ingay niyo?" tanong nito sa kanila.
"May sakit ang mga magulang ni Traz kaya si Sefarino nalang ang magsusundo pero ayaw niya," sagot ni Elerah kaya napatingin ito kay Sefarino.
"Ikaw na ang magsundo, bibigyan kita ng bulaklak na kailangan mo," sabi ni Edoardo na nagpabago sa isip ni Sefarino.
"F-Fine! Susunduin ko na siya," sabi ni Sefarino saka tumalikod na.
"Dito mo siya dalhin dahil hindi siya maaalagaan ng mga magulang niya," pahabol ni Elerah.
"Bakit pa kasi gumawa ng bata, hindi naman maaalagaan ng maayos," inis na sabi ni Sefarino ng tuluyan na itong nakalabas ng kusina.
"Alam na ba ni Sefarino na may marka na siya sa batok niya?" seryosong tanong ni Edoardo pero umiling si Elerah.
"Hindi pa," sagot ni Elerah saka bumuntong-hininga.
Napaisip naman si Edoardo. "It's been 5 years since Raziel left, wala bang naging kasintahan si Sefarino?" nagtatakang tanong nito.
"Wala akong napapansin saka nakatuon lang siya palagi sa pangongolekta ng pink carnations," sagot naman ni Elerah at napatawa dahil halos mapuno na ang bakuran nila ng pink carnations dahil sa rami nito.
"Kailan lumitaw ang marka?"
Inaalala naman ni Elerah kung kailan iyon. Hating-gabi nang umuwi si Sefarino na galing sa simbahan at halatang-halata na umiyak ito dahil mugto ang dalawang mata saka walang ganang umakyat ng daan at nilagpasan lang si Elerah. Nilingon naman ni Elerah ang anak, hindi niya alam kung paano ito iko-comfort. Napalaki ang mga mata niya nang umiilaw ang batok ni Sefarino na kulay puti kaya sinundan niya si Sefarino hanggang sa nawala na ang liwanag nito at nakita niya ang bilog na marka. Ito ay ang pact sealed, ibig-sabihin, kahit na hindi pa nakasal sina Sefarino at Raziel ay nabigyan na sila ng basbas, nakatadhana sila.
"S-Si Raziel..." sagot ni Elerah. "... noong gabing umalis si Raziel, pagka-uwi ni Sefarino ay may marka na siya."
"Paano nangyari 'yun? Tatlong taon lang itatagal ng bampira kapag wala ang mate nila sa malapit..." Nagkakatigan naman si Edoado at Elerah.
"...nandito si Raziel sa lupa."
Saktong-sakto ang pagdating ni Sefarino sa Yehra Kindergarten dahil nagsilabasan na ang mga bata kaya naman ay bumaba na siya sa kotse niya at ang ibang mga sundo ng ibang bata ay nakatingin sa kanya. Nakita naman niya na papalapit si Traz at may kasamang isang batang lalaki na pamilyar ang hubog ng katawan nito at napagtanto niya na ito ang batang mahilig sa pink carnations noong miyerkules.
"Hey, uncle Sefarino," bati ni Traz nang makalapit na ito.
"We meet again, Mr. Lazarus..." sabi naman ni Safarel. "... where's the pink carnation that you promised?"
Sefarino chuckled. "Hey, kid, I didn't expect to see you here."
Naningkit naman ang mga mata ni Safarel. "Don't change the topic, old man."
BINABASA MO ANG
Unbiased Fate - [MPREG]✓
Vampire[HELLO! LET ME REMIND YOU THAT THIS STORY CONTAINS BOYS LOVE (stories/relationships between male characters) SO THIS STORY ISN'T FOR YOU TO READ IF YOU'RE NOT INTO BL. THANK YOU!] [Read the first book titled "VAMPIRE SERIES 1: TWISTED FATE" before r...