UF: 12

2.6K 167 37
                                    

UF: 12

Hindi alam ni Raziel kung ilang oras na siyang naghihintay kay Sefarino sa secret base nito. Hindi niya rin alam kung bakit siya pinapunta ni Sefarino at ilang araw na lang ay ikakasal na sila.

Nilibang ni Raziel ang sarili niya sa paglalaro sa tubig. Napangiti siya, kahit na maliit lang ang kubong nasa gitna ng lawa ay hindi pa rin maitatago ang angking ganda nito at ng mga lilies na nasa tubig na may iba't-ibang kulay.

Napangiti naman si Raziel nang lumitaw ang mga bulaklak at papunta ito sa kanya kaya agad niya itong kinuha.

Nakita niyang may nahuhulog na mga bulaklak galing sa taas kaya agad siyang tumingalaat doon niya nakita ang mga pink carnations at mga lilies na nahuhulog at ang iba ay napapadapo sa balikat niya.

Ang ibang bulaklak ay sinasalo ni Raziel. "A-Ang dami!"

Napalingon si Raziel nang may tumikhim sa likod niya, si Sefarino na nag-o-offer ng singsing, at sa pagkakataon na iyon ay pakiramdam niya nakalutang siya sa ere, lahat ng mga bulaklak na nahuhulog kanina ay napahinto nalang bigla at ang mga nandito na nagsipalakpakan.

Ang tanging naririnig lang ni Raziel ay ang mabilis at malakas na pagkabog ng puso niya at 'di niya napigilang hindi ilabas ang mga luha na ngayon ay malayang dumadaloy sa pisngi niya, hindi dahil sa sakit o lungkot kundi dahil sa saya na nararamdaman.

Narinig ni Raziel ang mga ingayan mula sa pamilya nila.

"Go, insan!"

"Si Sefarino ba talaga 'to?"

"Huwag ka ng magselos sa akin, kababata lang ako ni Raziel!"

"Sefarino, binuntis mo siya!"

"Congratulations, son!"

"Dalawa na ang apo ko!"

"Hey, don't cry. I can't wipe those tears aways. Ayoko namang tumayo sa pagkakaluhod ko."

Natatawang pinunasan ni Raziel ang mga luha niya saka ngumiti kay Sefarino.

"Will you marry me?"

Mas lalong hindi tumigil sa pag-agos ang mga luha ni Raziel na napatango.

"Yes!" masayang sigaw ni Sefarino saka isinuot ang singsing sa daliri ni Raziel at niyakap ito nang mahigpit.

Binigyan ni Sefarino si Raziel ng kaparehong singsing. "Isuot mo rin sa akin."

"Takbuhan mo 'yan, Raziel!" sigaw ni Orazi.

"Raziel, huwag kang sumipot sa kasal!" sigaw ni Doyle.

"May pa-propose-propose ka pang nalalaman. Babalik na kami sa Cloude Feryss!" sigaw ni Angelo.

Dahil sa mga birong sigaw ay napangiwi si Sefarino at tiningnan ang mga ito ng masama.

"Suportahan niyo na lang ako!"

At dumating na nga ang pinakahihintay ng lahat, ang araw ng kasal.

"Ready ka na?" nakangiting tanong ni Orazi kay Raziel na ngayon ay nakaharap sa isang malaking salamin.

Makikita talaga na napakagandang lalaki ni Raziel. Lalo na ngayon sa suot niyang isang napagarang damit, litaw na litaw ang alindog niya.

"I-Ikakasal na talaga ako?" hindi makapaniwalang tanong ni Raziel kay Orazi.

"Oo, ayaw mo ba?"

"Hindi naman sa gano'n pero hindi ko in-expect na maikakasal ako..." Ngumiti si Raziel. "... sa taong mahal ko."

Unbiased Fate - [MPREG]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon